CHAPTER SIXTEEN

10.3K 555 51
                                    

Nang kami na lang dalawa ni Morris medyo nagkahiyaan kami. Dati-rati nama'y ang bilis naming magbangayan sa isa't isa. But this time? May kakaiba na. Ang bawat titig niya'y nagpapaturete talaga sa akin. Dati na akong tumatambling sa mga patingin-tingin niya pero ngayo'y may dagdag na tensyon na iyon. Ang lakas. Kahit na mahangin naman sa paligid dahil pinapaligiran kami ng malalaking puno pinagpawisan pa rin ako.

"I can---I can provide you with a security escort, you know," bigla na lang ay nasabi ni Morris. Sinabi na namin ni Barang kasi na may tumatakot sa amin kung kaya bigla kaming napalipat.

Security escort? As in bodyguards?

"Don't worry about the expenses. I'll pay for them since I brought this problem to you guys."

Mabilis akong umiling.

"Hindi na kailangan," sabi ko agad. "What we need is just ---to be away from you. Iyong hindi na kami ---I mean, ako---mali-link sa iyo. Siguro naman kung wala nang alingasngas pa sa pagitan nating dalawa hindi na ako hahabulin pa ng insecure mong nobya."

Dahan-dahang ngumiti si Morris. "Sigurado ka? You want to get rid of me totally? As in TOTALLY?" paniniguro pa nito.

Nangunot ang noo ko. Hindi ba't iyon naman ang sinabi ko kanina? Hindi pa ba malinaw?

"Tama. TOTALLY," pagbigay-emphasis ko sa sinabi niya.

Biglang napalis ang ngiti sa mga labi ni Morris. Nahalinhinan iyon ng bahagyang lungkot.

"What about us---what happened between us? Hindi mo ba isasaalang-alang iyon?"

Mabilis akong napalingon nang maramdamang may kaluskos sa likuran. Inisip kong nakalapit si Barang nang hindi namin naramdaman. Nang masiguro kong wala siya sa paligid nakahinga ako nang maluwag. Sinenyasan ko si Morris na tumahimik. Minuwestra ko pa ang kaibigan ko na nasa kusina lamang.

"Huwag na huwag mo nang mabanggit pa iyon!" anas ko. "Pretend it didn't happen. Ayaw ko nang maalala pa iyon."

Napangisi na naman si Morris. Ngising nanghahamon.

"Bakit? Does it also give you sleepless nights?" tanong pa.

Tinitigan niya ako. Tapos bumaba ang mga mata niya sa mga labi ko. Awtomatikong napadila ako sa lower lip. Feeling ko kasi nag-dry iyon bigla. Bago ko pa mahulaan ang gagawin niya, nahawakan na niya ang baywang ko at nahatak palapit sa kanya. In one swift motion, his lips was already on my lips. Sabi ko hindi na ako padadala sa tukso subalit nang maramdaman ko ang malalambot niyang labi sa labi ko, hindi na naman ako nakatanggi. Before I knew it, I was kissing him back with the same passion as he was showing me.

"Shit," anas ni Morris pagkatapos ng halik. Imbes na pakawalan na ako, niyakap niya ako nang mahigpit at binaon pa ang mukha sa leeg ko. "I missed you!" bulong pa niya nang paulit-ulit. Napapikit ako sa kilig. Napayakap na rin ako nang mahigpit sa kanya.

**********

"You better make your break up clear to your fiancee once and for all. I don't like our name being dragged down," bungad kaagad ni Dad nang dumating ako sa ancestral house namin sa Alabang nang gabing iyon. Mukhang mainit na naman ang ulo niya sa akin. Kalmado lang na nakaupo sa tabi niya si Mom. Paminsan-minsan ay humahagud-hagod ito sa braso ni Dad.

"Hi Mom," masuyo kong bati sabay halik sa pisngi niya. Nagmano naman ako kay Dad. Si Mom na ang nagpaliwanag kung bakit mainit na naman ang ulo ng daddy. Inabot pa nito sa akin ang daily newspaper na isyu nang araw na iyon. Nangunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat sa Entertainment Section. Mayroon doong blind item na halatang patungkol sa pamilya namin. Kaya raw kami yumaman nang husto dahil daw sa mga illegal dealings noon ng grand patriarch ng pamilya sa isang kilalang political family ng Benguet.

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon