Napatitig ako sa text message na natanggap. Ilang beses ko iyong binasa at kada basa dumadagdag ang aking pangamba.
"Ate, bakit?" tanong ni Mimi.
Nakailang ikot na kasi ako sa living room namin. Larawan ako ng isang babaeng hindi mapakali.
"Kapag may tumimbre sa tarangkahan natin huwag mo agad papasukin, ha?" bilin ko sa dalagita bago dinampot ang gumagapang sa sahig na si Sierre.
"Opo, Ate. Masusunod po." At humilata na ito sa couch habang nanonood ng palabas sa TV.
Mayamaya pa, habang nilalaro ko ang anak ko sa silid namin ni Morris sa second floor ng bahay, may narinig akong nag-buzzer sa ibaba. Noong una ay medyo mahaba-haba ang pagitan, pero nang walang sumagot ay naging sobrang impatient na ang tunog. As in, walang humpay na ang kung sino man sa labas sa pagpindot sa buzzer namin. Hindi na ako nakatiis. Sinilip ko sa monitor ng CCTV na nasa loob ng kuwarto kung sino ang mapangahas at walang modo kong bisita. At nakita ko ang aburido kong ama. Dali-dali kaming bumaba ng bahay ni Sierre.
"Mimi!" tawag ko agad kay Buntis. Prenteng-prete pa rin itong nakahilata sa couch at hindi man lang bothered sa kalampag sa labas ng bahay. "Bakit hindi mo binuksan ang tarangkahan?"
"Ho? Eh di ba sabi n'yo po huwag akong magpapapasok ng kahit sino rito?"
Napakamot-kamot ako ng ulo. Oo nga naman.
"Hawakan mo nga sandali si Sierre at ako na ang magbubukas ng gate."
Namumula na ang pisngi ni Papa sa iritasyon nang pagbuksan ko ito. Wala itong imik, pero parang gusto na akong sakalin. Mga ilang minuto akong tiningnan nang masama bago nagsalita. Kanina pa raw siya tumitimbre. Ano raw ba ang pinaggagawa ko sa loob?
"Sorry po, Pa."
Nagmano ako sa kanya at pinapasok na siya. Pero bago iyon siyempre luminga-linga muna ako sa paligid dahil baka may nakabuntot sa kanya. Sa ngayong pinoproseso pa lang ang kaso laban sa matalik na kaibigan ni Daddy Magnus ay binilinan ako ni Morris na huwag na huwag maging kampante. Although, of course, our house is being secretly guarded, he said. Kaya kahit papaano ay panatag naman ang aking kalooban.
"Anak," paunang salita ni Papa pagkatapos makalagok ng malamig na malamig na orange juice na bigay ko. Sumulyap siya kay Mimi na pasayaw-sayaw habang pinaghehele si Sierre. Naunawaan ko naman ang ibig niyang sabihin kung kaya sinenyasan ko ang dalagita na iwan muna kaming mag-ama. "May nakapagsabi sa akin. Delikado ang buhay n'yong mag-ina kasama ni Noy Morris kung mananatili ka rito. Desidido si Bosing na ipapatigok kayo---o sino man sa inyo."
Bosing. Iyong nag-clone ba kay Dad? I pretended to sound cool and relaxed.
"Sino naman ang informant n'yo?"
"Naitawag lang sa akin ng taong malapit kay Chairman."
"Pa! Hindi ba't sinabi ko naman sa inyo? Huwag na ho kayong makipag-usap sa dati n'yong kahuntahan sa Iloilo. Pahamak lang ang dala nila sa atin, eh."
"Ne Tala, hindi ko maaaring talikdan ang mga kaibigan ko sa atin. Wala silang ibang intensyon kundi kaligtasan nating lahat."
Itinirik ko ang mga mata. Pinaalala ko sa kanya na isa sa mga suspected arsonist na sumunog sa bahay namin sa probinsiya ay malapit niyang kaibigan. Napakagat-labi si Papa.
**********
Pagbukas ko ng pintuan sa aming silid, nakita ko si Talitha na nakatihaya sa kama. Nasa bandang tiyan niya nakadapa si Sierre. Tulog silang mag-ina. Dahil nakasuot lang ng manipis na white cotton shorts at blusang puti rin na may spaghetti strap, kita ang malaking bahagi ng katawan ni Tala. I must admit, I felt something between my legs when I saw her like that. Nagpadagdag sa kanyang kariktan ang tila inosente niyang mukha.
BINABASA MO ANG
DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #5 ********** Morris San Diego's story ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"