Naiinis ako sa sarili. Bakit hindi ko na naman alam ang tungkol sa ganitong party? Bakit hindi na naman ako na-inform? Disin sana'y nakapaghanda man lang ako. Ang panget kaya ng get up ko kung ikompara sa mga kabaro ko sa industriya. Naks! Kabaro sa industriya! Feeling sikat na celebrity! Lihim akong napangiti sa sinabi ng inner voice ko. Siniko ako ni Barang. Ba't daw ba ako ngiti nang ngiti? Kinilig daw ba ako kay Morris?
"Ehem. Mukhang may something na yata sa pagitan n'yong dalawa, ah."
"Mukha lang mayroon, pero wala. Wala!"
"Eh bakit nangingiti ka riyan? Ano, naloloka ka na kay Morris?"
"Sshhh. Ang ingay-ingay nito!" saway ko sa bruha sabay lagay ng hintuturo sa labi. "By the way, paanong alam mo ang tungkol sa party na ito at hindi ko na naman alam?"
"Inimbitahan ako ni Moses mismo." At humagikhik ang loka-loka lalo pa nang namilog ang mga mata ko. "Sinadya talaga naming huwag ipaalam sa iyo dahil gusto ka nilang i-surprise. They are all grateful to you---to us for shooting that vlog. It stirred a controversy between Morris and his fiancee and it turned out it was good for business. Maraming na-intriga sa video game na pinagmulan ng lahat na alingasngas."
Kung sa bagay. Millions na ang views n'yon at ni hindi pa naka-dalawang linggo sa YouTube. Dahil sa video na iyon, naimbitahan din akong mag-shoot ng kung ilang commercials. Isa na riyan ang isang car insurance company na halos papalugi na raw dahil wala halos kumakagat sa plans nila. Ang kaso hindi ako sold sa products nila kung kaya hindi ko tinanggap. Iyong shampoo na lang ng isang sikat na company ang pinatos ko. Bukod sa talagang ginagamit ko iyon, gusto ko ang concept nila. Aktibo pa sa pagsulong sa mga environmental issues.
"Sino iyan?" anas sa akin ni Barang. Kinalabit pa ako.
Napanganga ako sa bagong dating. Nakipag-fist bump ito kay Marius at Matias at tumango kina Moses at Morris. Ang guwapo rin niya. Maputi at may pagka-singkit. Iyong mga tipo ni Barang talaga. Kaya ang lola n'yo ay naglalaway na habang nakatitig sa macho tsinito.
Siniko ko siya. "Ano ba? Mausog na ang tao sa katititig mo."
"Tala, tumingin siya rito!" Niyugyog ng bruha ang balikat ko. Halos magpapadyak na ito sa kilig.
"Kapag hindi ka tumigil sa pag-iinarte mo iiwanan kita rito," banta ko sa kanya.
Napahagikhik siya sabay takip sa bunganga. Itinirik ko ang mga mata.
"'Lika, lapitan natin. Magpakilala tayo sa kanya."
"Sa ibabaw ng stage, Barbara? Nahihibang ka na ba?"
"Eh ano ngayon? That way he will remember us forever!"
"Yup. And so do the rest of the people in the audience!"
Nang nagpumilit ito, tinalikuran ko na. Nauna na akong lumabas ng bulwagan.
"Hoy, Talitha! Ano ka ba? Nagbibiro lang ang tao, eh. Masyado ka namang gullible!"
Hindi na ako nagpapigil pa sa kanya. Total naman ay nakuha ko na ang surprise gift ng magkapatid sa akin. Sapat na iyon. Marami pa akong vlog na rerebyuhin at ie-edit sa bahay.
Paglabas ko sa bulwagan, nalito ako kung saan liliko. Mukha kasing magkatulad ang mga pasilyo. Dahil dim ang ilaw kaninang pumasok kami hindi ko matandaan kung saan kami galing. Nakakainis!
Sinubukan kong lumiko sa kanan. May nadaanan akong maliliit na cubicles. Parang pang small group lang ang mga iyon. May nag-iinuman doon. Isang grupo ng mga kalalakihan. Extension kaya ito ng party sa loob?
"Why do we even care that we were not able to make the cut? So what kung hindi tayo nakapasok sa party ng mga San Diegos? For sure naman wala iyong kuwenta!" naaasar na sabi ng isang lalaki.
BINABASA MO ANG
DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #5 ********** Morris San Diego's story ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"