Hindi ako nakapagsalita. A small voice inside me is telling me to stop staring at his majestic manhood. Pero hindi ko magawa-gawa. Tila may sariling pag-iisip ang mga mata ko. Lalo pa ngang nanlaki ang mga ito sa pagtitig.
"O, nasaan na ang tapang mo?"
No'n lang ako tila nahimasmasan. Napatingala ako sa kanya at nakita ko siyang nag-smirk.
"Kahit kailan, ang bastos mo!" nanggigigil kong asik sa kanya. Tumalikod ako agad at mabilisang inayos ang sarili. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko at nag-iinit pa rin ang aking pisngi.
"Bastos? Ako pa ang bastos? Sino ba ang pasimuno ng lahat na ito? Hindi ba't ikaw at ang mukhang pera mong kaibigan? Correction: kayo palang mga mukhang pera!"
Napa-about face ako sa sinabi niya.
"Come again? Mukhang pera?"
Ngumisi siya nang nakakainsulto. Napasulyap ako sa bandang ibaba. Naitago na niya ang anaconda. I felt a pang of disappointment. Nang ma-realized iyon, pinagalitan ko ang sarili. Nangungunot ang noo niya nang mahagip ng tingin ko.
"Talking to yourself? Hindi ba't gawain ng mga baliw iyan? O, baka bigla kang nabaliw nang hindi ko na itinuloy ang..."
"Hoy!" galit kong sigaw sa kanya. Umalpas ang tinitimpi kong galit. Gusto ko siyang murahin pero sa bilis ng mga masasamang salitang dumaan sa utak ko, hindi kinaya ng aking brain cells. Walang namutawing masasakit na mura sa bibig ko. Iyong "hoy" lang at panlalaki ng mga mata ang aking nagawa. Natawa siya nang mahina. Hindi na mabagsik ang ekspresyon sa kanyang mukha.
"Bawiin mo ang sinabi mo tungkol sa ano ko. Tell those writers you were just kidding."
Bago pa ako makasagot, may narinig kaming kaluskos sa bandang tarangkahan ko. Napalingon siya roon dahil hindi pa naisasara ang pinto. Sinilip ko rin kung ano iyon. Nang mailawan ng street light ang makintab na bumbunan ng isang bading na reporter na sumulat sa artikulong sanhi ng pinagparito niya, nainis na naman ako.
"Who are they?"
"Sila ang sumulat ng artikulo! Ang mga linti nga agi!" Dali-dali kong isinuot ang tsinelas at padabog na nilabas ang mga bwisita. Hindi ko alam sumunod siya sa akin. Napag-alaman ko na lang nang kinikilig na bumati ang isa sa mga walanghiya.
"Hi, Sir Morris! Ang guwapo n'yo pala sa personal!" Kinilig pa ang mga hinayupak.
"Oh, wow!" biglang naibulalas naman ng isa habang titig na titig sa bandang ibaba ni Morris. Sinundan iyon ng tingin ng dalawa pa niyang kasama.
"So, Ms. Tala was just kidding?" halos sabay pa nilang tanong.
"What do you think?" balik-tanong ni Morris. Stoic-faced. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng kausap, iniwan na lang niya kami basta. Tuluy-tuloy siya sa kotse niyang nakaparada sa hindi kalayuan. Nakasunod naman ang mga mata namin sa kanya. Nang makaabante na ang sasakyan nagsipagtili ang mga walang modong bading. Kinabukasan, front page na naman kami ng tabloid. Hot Vlogger Wasak sa Anaconda ni Hot Bachelor! Katabi ng headline ang larawan ko na sabog ang buhok at butas-butas ang kamisetang puti. Gusto kong magwala.
**********
"Don't tell me papatulan mo na naman iyan?" tanong ni Moses mula sa likuran ko. Nakatunghay na naman kasi ako sa tabloid na nakalatag sa desk ko. Itinulak ko iyon sa isang tabi nang naupo na siya sa harapan ko. Kunwari'y kaagad ko iyong kinalimutan.
"Sabi ni Markus itutuloy mo ang planong pagpunta sa Virginia. Nagsabi ka na ba kay Mom?"
Akala ko patuloy niya akong tutuksuhin tungkol sa headline ng tabloid, hindi naman pala. Bigla siyang sumeryoso.
BINABASA MO ANG
DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #5 ********** Morris San Diego's story ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"