Habang nakabuntot kami sa Barangay Chairman inuulan ako ng katanungan ng aking ina. Ano raw ba ang nagawa ko sa Maynila dahil tila may gustong pumatay sa akin? Mayroon raw ba akong pinagkautangan ng pera't tinakasan ko? Naagrabyadong tao? Binasted at niyurakan ang dangal?
"Anong niyurakan ang dangal? Pambihira kayo, Ma!" reklamo ko agad.
Sininghalan ako. Pinandilatan pa. Sa lahat ng ayaw ko iyong panlakihan ako ng mga mata ng nanay ko dahil mas nakatatakot pa iyon kaysa pagmumura niya. Para kasing tatalon ang mga pupils niya't kakainin ako nang buong-buo eh.
"Wala ho. Sobra naman kayo. Ano ang tingin n'yo sa akin? Masamang tao?"
Hindi na niya ako sinagot, pero ang talim ng titig, nakupo! Sapat na para makonsensya ako sa kasalanang hindi ko ginawa.
"Sino ba iyong lalaking iyon, anak?" malumanay na tanong naman ng ama ko. Nagkandatisud-tisod na ito sa naapakang maliliit ngunit matutulis na bato. Ang mahinang tinig ay may kabuntot nang malutong na hijo de pvta, ang paboritong mura naming mga Ilonggo.
"Alin po roon?" sagot ko.
"Mayroon pa bang iba? Eh di iyong pumasok sa pamamahay natin?!"
Awtomatikong dinaklot ng takot ang puso ko nang maalala ang nakamaskarang nilalang na nagwasiwas ng patalim sa harap naming mag-ina kanina. Mabuti na lang at mabilis ang ama ko. Naagaw niya ito at nasipa niya ang lalaki. Nakatakbo kami palabas ng bahay. Sa likuran kami dumaan ni Mama. Inakala nga namin na pinatay na si Papa kanina dahil ito ang naiwang nagpambuno doon sa estranghero. Mabuti't naigupo niya ito. Minsan, maganda rin iyong may ama kang lumaki sa pagiging basag-ulo.
"Chairman, saan n'yo ba kami dadalhin?" tanong ni Mama. Kanina pa kasi kami nagsususuot kung saan-saang sulok ng hindi pamilyar na lugar. Oo't malapit lang ang lunggang ito sa amin, pero never akong napadpad dito dahil bukod sa hindi maganda nitong reputasyon mayroon itong gate na bakal na digital ang lock. Hindi ito basta-bastang mapasok ninuman. Dito raw sinasalvage at nire-rape ng mga sindikato ang kanilang biktima. Natatakot na nga ako eh. Nakakaramdam na kasi ako ng presensya ng mga masasamang espiritu sa paligid.
Hindi sumagot si Chairman sa tanong ni Mama. Palinga-linga ito na tila may hinahanap. Napahawak ng kamay sa akin ang nanay ko. I sensed her fear. Lalo akong natakot. Napakapit tuloy ako sa braso ni Papa. Awtomatikong napakubli pa ako sa kanyang likuran.
"Ano ba kayong mag-ina?" asik niya sa aming dalawa ni Mama.
"Hindi kaya aswang si Chairman, Noy?" anas ni Mama kay Papa.
Nagsalubong ang kilay ko. Pambihira. Akala ko pa naman kung ano ang hinala kay Chairman.
"Walang aswang sa mundong ito, Florinda. Magtigil ka."
"Oohh. Si Chairman, nasaan na?" naibulalas ko. Bigla na lang kasi itong nawalang parang bula.
**********
Magdadrama na sana ako sa harapan ng bahay nila Tala, pero biglang napapreno ang utak ko. Panira ng momentum ang matinis na sigaw ng isang ale na hinimatay na raw ako. Sobrang OA!
"Napaluhod lang ho ako, Manang!" asik ko sa kanya.
Napatakip siya sa bunganga. "Sori. Akala ko po kasi'y hinimatay na kayo, ser. Kaanu-ano n'yo ba sila Mang Nonoy?"
Mang Nonoy? Sino iyon?
"Iyong ama ho ni Inday Tala, ser," sagot ng ale. Nahulaan ang katanungan sa isipan ko. May pagka-manghuhula rin pala ito.
Ama ni---Mang Nonoy pala iyon?
"Kaibigan ako ng anak niyang si Tala. May alam ka ba kung saan na sila ngayon? Kung nakaligtas sila sa apoy na tumupok sa kanilang bahay?"
BINABASA MO ANG
DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #5 ********** Morris San Diego's story ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"