Dalawang linggo na ang nakalipas nang nagsimula ang sembreak ng Augustus College. Maga na ang mga mata ko kaka-twitter.
Ang dami ngang nagrereklamo at pinagsasabihan ako na umawat-awat din sa pagtwitter. Kaya ayan! Siningit ko naman sa buhay ko ang kdrama, anime at syempre ang isa pang kina-aadikan ko, ang Wattpad.
Well... di ako masyado nag-oopen ng messenger ngayon kasi wala naman akong kachat. Tahimik ang gc namin ngayon dahil bakasyon. Walang nanghihingi ng sagot ng mga assignments. Ganoon naman sila, eh. Lumalapit lang kapag may kailangan tapos kapag wala na, nagkakalimutan na.
Kaya ayon, nag-tweet ako ng "brb wanna watch Meteor Garden" dahil may balak nanaman akong tapusin iyon. Hindi ko kasi matapos-tapos dahil nag-eenjoy at nagtatagal ako sa twitter at sa wattpad. Kinuha ko na ang laptop at doon nanood ng Meteor Garden. Maya-maya, sunod-sunod na nagnotify ang cellphone ko ng mga taong naglike ng tweet ko kaya ayan.. inistop ko nanaman ang Meteor Garden at naglibang sa twitter.
Halos ganito ang araw-araw na ginagawa ko. Sa ibang araw naman, kung may gala ay makakahinga ako nang maayos dahil bihira lang talaga magyaya si Mommy at Daddy gumala dahil busy sila sa work.
Ay! Bago ang lahat, ipapakilala ko muna si mommy at daddy!
Ang pangalan ni Mommy ay Felicidad. Maputi siya at namana ko halos lahat ng katangian ko sakanya. Parehas kaming wavy ang buhok at matangos ang ilong.
Ang pangalan naman ni Daddy ay Adam. Namana ko ang height ko sakanya. Matangkad. Pati rin ang kilay niyang makapal at ang labi niyang manipis.
So imagine! Alam kong maganda ako!
So back to the topic!
Madalas naman kami naiiwan ng mga kapatid kong sina Kuya William na isang taon ang tanda sa akin at Dylan na 7 taong gulang pa lamang.
8/25/18 1:38 am
"BIANCA I-END CALL MO NA NAGLALAG NA TALAGA AKO SA ML!" sigaw ng bestfriend kong si Calla sa kabilang linya dahil nag-iimo kami.Si Calla ang bestfriend ko na puyatin rin dahil sa games. Kadalasan this vacation sinasamahan niya ako magpuyat pero nauuna pa rin ako matulog kaysa sakanya.
Samantalang ang ibang mga bestfriend ko naman, eh ayun maayos ang mga buhay at hirap na hirap magpuyat. Si Julienne na nagpapart time job bilang tagabenta ng barbecue. Naiinggit nga ako sakanya kasi buti pa siya hindi siya nabobored ngayon vacay kasi nagbebenta naman siya ng barbecue.
Ang kambal na kasama rin sa barkada ko ay kasalukuyang nagbakasyon sa ibang bansa. Kumbaga sila yung rich kids samin.
Yung mas pogi sa kambal ay si Johan. Well alam ko naman na kambal sila pero idk lang kung bakit mas pogi siya para sa akin. Pero mas mabait naman sakanya yung isa. Si Marko.
Actually medyo crush niya si Calla. Umamin yon sa akin last week lang. Pero sa sobrang sabog netong si Cally, I still don't know kung anong nagustuhan doon ni Marko.
"BIANCA KAPAG ETO TALAGA DEFEAT HINDI KITA BIBIGYAN NG PASALUBONG PAGBALIK KO DYAN SA MAYNILA!" dagdag pa niya.
See? Ano nagustuhan ni Marko sakanya?
"Uy tungaw nangako kang dadalhan mo ako ng isang basket ng strawberry! Ganyan naman talaga kayo puro salita lang walang gawa!" sabat ko nalang sakanya.
"Jusmeyo marimar ka Bianca pwede ka naman bumili diyan sa grocery store tapos magpapabili ka pa galing dito sa Baguio? CHOOSY!"
"Minsan nalang ako magrequest sayo!"
"Eh I-end call mo muna para bilhan kita!"
"Ayoko ma-defeat ka sana! Ma-slain ka sana lagi!"
"HINDI TALAGA KITA DADALHAN NG STRAWBERRY!"
"Nangako ka! Wala nang bawian HAHAHA"
"TSK! MAKIKITA MO BIANCA!"
Narinig ko sa kabilang linya ang "You have been slained" na lalo kong ikinatuwa dahil sa tingin ko namumula na sa inis si Calla.
"You have been slained" ginaya ko ang tono ng pagsabi niyon sa ML at humalakhak at inubo.
"MASAYA KA PA! TUTAL HINDI MO ALAM YUNG FEELING NA MAWALAN NG STAR SA RANK!"
"Aba Calla hindi ko talaga alam dahil hindi naman ako nawawalan ng star sa ML dahil magaling ako. Master ko na nga si Karrie eh"
"ANONG SABI MO? MAGALING KA? SO AKO HINDI?"
"Hmm parang ganun nanga!"
"Ano ba rank mo? Bianca"
"Epic IV. Eh ikaw diba hindi ka makaalis sa master?"
"YABANG MONG SALOT KA!"
"Mas salot ka!"
Nagpatuloy ang bangayan namin ni Calla at napamura nalang siya dahil defeat nga siya sa ML at nawalan siya ng star.
Bigla namang bumukas ang ilaw sa labas kaya inend call ko na si Calla at nagkunwaring tulog dahil baka pumasok si Mommy sa kwarto ko.
Pagkatapos ng ilang segundo ay tama nga ang hinala ko. Pumasok si Mommy at ako naman.. andito nagkukunwaring tulog at may pahilik pa akong nalalaman.
Umupo si Mommy sa gilid ng bed ko. Naramdaman ko nalang na hinawi ni Mommy ang buhok ko. Kinumutan niya ako nang maayos. Naramdaman ko ang kanyang paghaplos sa aking noo. Matapos noon ay hinalikan niya ito.
Tumayo na siya at binuksan na niya ang pinto.
"Goodnight anak" rinig kong sambit ni Mommy at saka isinarado ang pinto.Napaisip nalang ako na kahit dalaga na ako ay hindi pa'rin naalis ang pagka-sweet netong si Mommy. Mas close ko si Mommy kaysa kay Daddy eh. Mas may time kasi akong ka-bonding si Mommy kaya sobrang mahal na mahal ko siya.
Nang makita kong namatay uli ang ilaw, kinapa ko ang cellphone ko. Tinext ko si Calla na magcall ulit kami ngunit hindi na siya nagreply. Sa tingin ko naglalaro nanaman ang adik na iyon.
"Jusmiyong abno na 'yon.
Pasukan na sa isang araw puro laro pa'rin ang inaatupag. Hmm... sa bagay ako nga nagtwitwitter magdamag eh" sambit ko sa aking sarili at natawa nang marahan. At dahan dahan ko nang ipinikit ang aking mga mata.3:08 am
Naalimpungatan ako nang may narinig akong nabasag na baso. Lumabas ako ng kwarto ko habang kinukusot ang mga mata kong napakalalim na ng eyebags.
Pagkalabas ko ay nadatnan ko sina Kuya William sa kabilang kwarto habang hawak niya si Dylan na namumula sa sobrang iyak.
"Kuya anong nangyayari?" tanong ko ngunit hindi niya ako napansin dahil pinapakalma niya si Dylan.
Nakarinig naman ako ng sigawan at pakiramdam ko ay galing iyon sa baba. Humakbang ako sa tapat ng hagdanan at narinig ko sina mommy at daddy na nag-aaway.
"Hon. HINDI KO GINUSTO IYON! Please hear me out! Ayan ang kinaiinisan ko sayo! Akala mo ikaw nalang lagi ang tama!" sigaw ni Daddy
"Oh look at yourself Adam! Ikaw pa ang galit!"
"Hear me out first!"
"No! I'm not going to hear anything from you Adam! Kitang-kita ko na with my own eyes!"
"Hon. Please! Pinahiram lang ng kaopisina ko ito sa akin but I didn't expect na magugustuhan ko-" hindi natapos ni Daddy ang sinasabi niya nang isang sampal ang inabot niya galing kay Mommy
"Magugustuhan mo? Ang sabi mo kanina hindi mo ginusto! Alam mong bawal ang drugs alam mo ring masama yon! Pano kapag dinamay mo ang mga bata? Ang kitid kitid ng utak mo Adam!" maluhaluhang sigaw ni Mommy
Halos bumagsak ang katawan ko nang malaman ang pinag-aawayan nila ni mommy. Lumingon ako sa mga kapatid ko at nanlaki rin ang mga mata nila.
"Ate, kuya, nagd-drugs po ang Daddy? That is bad right?" malungkot na tanong ni Dylan na may halong pagkalas ng boses at hindi matahan sa pag-iyak
"Shhhh tama na Dylan. Kuya, ibalik mo na siya sa kwarto-"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang may narinig akong pagputok ng baril. Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang nakahandusay sa sahig at wala nang malay na si..
Mommy
![](https://img.wattpad.com/cover/125546403-288-k290649.jpg)
BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romansa"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...