Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse niya pero nanatili akong tulala sa kinatatayuan ko.
"Papasok ka ba o hindi?" aniya kaya bigla akong natauhan at pumasok sa kotse niya.
Nagsimula na siyang magdrive. Habang ako naman ay tinititigan siya nang nakakunot. Ngayon ko lang napansin na nakasuot pa rin siya ng lab coat. Nakita ko sa kanan ng labcoat na iyon ang nametag niya.
Dr. Franco
"Miss. You're staring again. Am I too handsome for that?" aniya at ngumisi
Binawi ko ang tingin ko sa kanya. Nagsisimula na naman ang kayabangan at kalokohan nitong mokong na 'to.
Nakalipas ang ilang minuto at napakatahimik kaya naisipan kong paulanan siya ng mga bumabagabag na mga tanong sa aking isipan.
"Ikaw lang pala yung number na yon! Bakit hindi ka nagpapakilala?" panimula ko.
"I just want to make fun of you." ngumiti siya habang nakatingin sa daan.
Make fun? Aba siraulo! Nanahimik nalang ako dahil walang kwenta lang din ang isasagot niya.
"Bakit sino bang inakala mo sa number na yon?" lumingon siya sa akin pero hindi ko siya tiningnan.
"Akala ko scammer." sagot ko at humalakhak siya.
"You also thought that I am a student right?" tanong niya habang bumubungisngis sa tawa. Hindi ko rin gets kung anong nakakatawa doon.
Napa-roll eyes nalang ako at nagmasid nalang sa daan.
"Hey. Are you mad?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin.
Naging tahimik sa kotse nang ilang minuto pero nagsalita ulit siya.
"I-Im sorry."
Hindi pa rin ako nagpatinag.
"I-I just find you cute whenever you're pissed off."
aniya kaya bigla akong napatingin sakanya at nanlaki ang aking mga mata.Biglang nagstop light kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na lumingon sa akin.
Ayan na naman ang mga titig niya na tumagal ng ilang segundo. Namalayan ko na lang din na nakatitig na rin ako sakanya.
"Uhm n-nevermind that." aniya at biglang nag green light kaya umiwas na siya ng tingin.
Napayuko ako. I cleared my throat. Pinagsalubong ko ang aking mga kamay dahil pakiramdam ko nagwawala na naman ang sikmura ko.
Nakalipas ang oras at nakarating na kami sa bahay. Pagpasok namin doon ay walang tao.
Naku! Umalis siguro sina Kuya at Dylan. Saan naman kaya nagpunta yung mga yon?
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na kami lang ni Matthew ang nandito sa bahay.
Dahan dahan ko siyang hinarap. "M-matthew mas mabuti siguro kung umuwi ka na. May trabaho ka pa bukas diba?" sabi ko
"Yeah. Actually mamayang gabi meron pero ayos lang naman kung magstay pa ako dito nang ilang oras." aniya
"Mamayang gabi? Edi kailangan mo na talagang umuwi. Baka mapagod ka mamaya." sabi ko
"Nah it's fine. Makakapagpahinga naman ako after that."
"M-matutulog na rin kasi ako kaya kailangan mo na umuwi-"
"Then I will look after you"
Natigilan ako. Kumakabog na naman ang puso ko. Pero pinakalma ko ito.
"Hindi na ako bata Matthew. You don't need to look after me-"
"Ganon mo ba talaga ako ka-ayaw makita?" nalungkot ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...