Kasalukuyan kaming tumatambay dito sa sala ngayon nina Matthew at Dylan. Katatapos ko lang gamutin si Matthew at natutunan ko na iyon. Syempre dahil tinuruan niya ako.
"Ate Bianca, Ate Calla went here yesterday para ibigay ang notes na ginawa niya for you because you are absent. It is placed on your table upstairs." ani Dylan.
"Okay" sagot ko sakanya.
Haay mabuti nalang nga biniyayaan ako ng kaibigang katulad ni Calla. Kahit na isang malaking abnormal yon, mahal na mahal ko 'yon.
"B-Bianca" tawag sa akin ni Matthew.
"Yeah?"
"I need to go home now. May trabaho pa ako bukas." aniya
"H-huh? Masyadong malayo ang bahay mo ah. Dito ka nalang muna tumuloy." sabi ko.
"Nope. I rented a condo near this place." aniya.
"Ahh akala ko wala." sambit ko.
"Tss. Gusto mo lang atang nakikita ako palagi. Okay lang naman sa akin magstay dito." Humagikgik siya.
"Shush. Huy! Andito si Dylan. Kung ano-ano pinagsasabi mo diyan." napapikit ako sa inis.
"It's okay he's not listening. He's watching tv." tumawa siya ulit.
Napabuntong hininga ako dahil nagsisimula nanaman ang kalokohan nitong mokong na ito.
"Nah. Just kidding. Anyway I really need to go now. Baka mapuyat ako sa trabaho bukas." aniya
Tumango ako. Sinamahan ko na siya palabas ng gate at pinaharurot na niya ang kanyang kotse. Pumasok na siya sa loob at nakatayo lamang ako doon oara hintaying makaalis siya.
Bigla niyang binuksan ang window niya.
"Oh.. and wait. Saan ang school mo?" tanong niya
"Sa Augustus College. Bakit mo natanong?" sagot ko.
"Kailan uwian niyo?" dagdag niya pa.
"10 am to 4 pm ang pasok ko" sinabi ko na ang buong detalye dahil ang dami niyang tanong.
"Hmm. Alright. Malapit lang naman iyon. Ako na ang magsusundo sa'yo tomorrow."
"H-ha? Wag na mag
co-commute nalang ako-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sumingit siya."And by the way, yung gusto mo akong magstay diyan para makita mo ako? Your secret is safe with me." aniya at kinindatan ako. "Goodnight!" Mabilis na sabi niya at isinara na ang window saka pinaandar ang sasakyan.
Naiwan ako doong gulat na gulat sa pinagsasabi niya. Sinundan ng mata ko ang kotse niya hanggang sa mawala iyon sa paningin ko.
Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay nag-init ang mga pisngi ko. Dali-dali akong pumasok at ikinandado ang gate. Pumasok na ako sa loob hawak hawak ang pisngi at dirediretso sa hagdanan. Umakyat ako at nakasalubong ko si Kuya William.
"Oh. Ayos ka lang? Anyare sayo?" tanong niya pero tumango nalang ako at kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ko.
Ni-lock ko ito at napasandal nalang ako sa pinto. Napaupo ako at hawak-hawak ang aking puso dahil parang sasabog na ito.
"L-luh anong nangyayari sa'yo Bianca? Kumalma ka nga. Hayst!" Nagmukha na akong baliw dito na kinakausap ang aking sarili.
Nagflash back ang mga sinabi ni Matthew kanina.
"And by the way, yung gusto mo akong magstay diyan para makita mo ako? Your secret is safe with me."
"Goodnight!"
Sinampal ko ang aking sarili. Nagwawala na talaga yung sikmura ko. Bakit ba ganito ka Bianca?
Maya-maya kumalma na ako at nagmasid ako sa kwarto. Nagligpit ako dahil medyo makalat. Inayos ko ang lamesa kong punong puno ng gamit nang nahagip ng mata ko ang cellphone ni Matthew.
Hala paktay! Hindi ko pa nababalik 'to. Baka hinahanap na niya 'to. Kailan ko kaya'to mababalik sakanya? Eh ayaw ko pa siyang makaharap dahil sa mga nangyari kanina.
Bigla akong nasamid sa sarili kong laway nang mapagtanto kong magkikita pa pala kami bukas dahil siya ang magsusundo sa akin.
HINDEEE!
"Takasan ko kaya si Matthew? Pero baka maghintay siya doon nang maghintay. Ayaw ko naman siya magalit. E-eh itext ko nalang kaya siya na sabay kaming uuwi ng barkada ko?. Eh baka magvolunteer pa rin siya na sunduin kami! HINDI KO NA ALAM!" sigaw ko at biglang pumasok si Kuya William sa kwarto ko.
"Sinong kausap mo diyan? Bakit parang galit ka?"tanong niya.
Hayst nakakahiya. Nag-isip ako ng paraan para makalusot. Ah alam ko na!
Nilagay ko sa tainga ko ang cellphone ni Matthew at nagkunwaring tumatawa.
"Calla kasi tigilan mo na ako napakakulit mo! Bye nanga!" at binaba ko ang cellphone para kunwaring inend call ang phone.
"Ah si Calla kasi niloloko-loko nanaman ako. Kaya ayan nagalit ako sakanya." pagsisinungaling ko.
"S-si Calla? Uhm s-sabihin mo matulog na siya. T-tama na ang laro."aniya
Hala. Kailan pa naging concerned itong si Kuya kay Calla? Hmm I smell something fishy.
"Ikaw kuya ha." ngumisi ako.
"Oh. Bakit nanaman?" tanong niya nang nakakunot ang noo.
"Umamin ka na. HAHAHA" kinantyawan ko si Kuya
"H-huh? Umamin na ano? Anong pinagsasabi mo. I don't get you." aniya
"Sus kunwari ka pa alam mo naman eh.... crush mo si Calla noh? AYIEE! KAW KUYA HA!" at nagsimula na akong humalakhak nang humalakhak
"Anong pinagsasabi mo diyan Bianca. Hindi noh. M-matulog ka nanga diyan!" inirapan niya ako at padabog na isinara ang pinto.
Sus. Ang kuya ko umiibig na.
Pero sa pagkakaalam ko gusto siya ni Julienne eh. At si Calla naman ay gusto ni Marko. Hayst ang complicated noon ha. Love..hindi naman pwedeng love triangle kasi ang dami nila ..so.. Love square? Joke hindi ko alam.Nahagip naman ng mata ko ang cellphone ko sa lamesita malapit sa window kaya tumakbo na ako agad papunta doon.
Pagkahawak ko sa cellphone ko ay niyakap ko 'to. Miss na miss ko ito sobra! Magdadalawang araw ko nang hindi nagagalaw ito.
Chinarge ko na ito at nang nakita ko na 1% na ito, pinower on ko na agad sa sobrang excited.
Pagka-on na pagka-on ng cellphone ko ay sunod sunod na nagvibrate ito ng mga notifications ng iba't iba kong social medias.
Pero inuna ko muna iyong messages ko. Bumungad sa akin ang mga messages ng barkada ko.
[Julienne: BIANCAA SAGUTIN MO PHONE MO NAWAWALA KA DAW! PLEASE NAG-AALALA NA KAMI SA'YO!]
[Johan: Uy tropapits! Nasaan ka na ba? Nakidnap ka ba or what? Hinahanap ka namin dito ng buong barkada.]
[Marko: Brad! Naghiwa-hiwalay na kami ng barkada para mahanap ka. Nasa kabilang basketball court ako ngayon. Magpakita ka naman BRAAAD]
[Calla: UYY SALOT HUHU PLEASE BUONG ARAW KA NAMIN HINAHANAAAP. MISS NA KITA SANA LIGTAS KA. KUNG NASAAN KA MAN HUHU]
Bigla akong natawa nang mabasa ang lahat ng yon. Touched naman ako kasi sobrang nag-alala talaga sila sa akin. Pero safe na ako. Babawi ako sa kanila at sosorpresahin ko sila pagpasok ko bukas. Isa-isa ko silang tinext.
Habang nagtetext ako ay may nagpop-up na message galing sa hindi ko kilalang number.
[09294573112: ....]
》》》》》》》》》》》》
Author's Note:
Hi mga sis! Wala lang gusto ko lang mag-note 😂
So...Sino kaya yung number na iyon? Abangan sa susunod na chapter😊

BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...