[09294573112: Hey]
Ay nako hindi ko ito rereplyan. Mamaya scam ito or whatsoever. Magtwitwitter na ako.
Maya-maya pa'y nagring ulit ang cellphone ko at nag pop-up na naman ang number na iyon.
[09294573112: Why are you not replying?]
Aba malamang kasi ayaw ko. Hindi ko pa rin ito kakausapin.
[09294573112: By now I know you're using your phone. Magreply ka.]
Bigla akong kinilabutan at nagtingin-tingin sa paligid dahil baka may nagmamasid na pala sa akin.
[09294573112: Alright if you don't wanna answer. Be ready for tomorrow. Goodnight.]
Huh? Eh bakit kasi hindi nalang niya sabihin kung sino siya. Be ready for tomorrow? Bakit? Papatayin niya ba ako bukas or kikidnapin?
Sa sobrang takot ko ay
in-erase ko ang number at nagpatuloy na sa pagt-twitter.Mabuti nalang nanahimik na rin yong number na yon. Sino kaya? Psh bakit ko pa ba tinatanong, I have nothing to do with that scammer.
Nagugutom ako kaya bumaba ako at nadatnan ko si Kuya William sa sala mag-isa at nakayuko. Lumapit ako sakanya at nakita kong umiiyak siya.
"K-kuya." umupo na ako sa tabi niya at tinapik tapik ko ang likod niya.
"Bianca.. sa tingin mo kung buhay pa si Mommy, anong ginagawa natin ngayon?" maluha-luha pero nakangiting tanong niya.
"Hmm siguro wala ka dito sa baba at nag-gagames ka ngayon sa taas at nakakulong sa kwarto mo. Iyon naman ang lagi mong gawi." tinawanan ko siya
"Psh. Puro kalokohan lang talaga laman ng utak mo na yan ano?" tinulak niya ang noo ko gamit ang index finger niya. At tumatawa siya.
"Oh atleast tumatawa ka na ulit. Lugmok na lugmok ka na Kuya eh. Siguro noong wala ako nagwawala ka na sa kwarto mo at nag-iiyak." loko ko sakanya.
"Si Mommy pala iuuwi na siya dito sa bahay para sa dasal. Tapos pagkatapos ng isang linggo ipapalibing na siya." balita niya sa akin
"Ahh okay" bahagya akong nalungkot at parang sinaksak nanaman ang puso ko.
" Oo nga pala. Si Daddy hindi pa rin umuuwi hanggang ngayon. Hindi ko alam kung saan na nagpupunta ang demonyong iyon." biglang kumunot ang noo niya at nagtalim na naman ang paningin. Kaya binatukan ko siya.
"Anong demonyo? Daddy pa rin natin iyon ha baka nakakalimutan mo." sabi ko
"Wala akong Daddy na mamamatay tao." bigla na siyang tumayo at umakyat pataas.
Sinundan ng mata ko si Kuya hanggang makaakyat siya sa taas. Nalulungkot ako para kay Kuya ngayon.
"Kuya. Sorry pero ayaw ko muna sabihin sa'yo ang isa pang ikakagalit mo. Na may babae na ang Daddy natin. Masyado ka pang galit at wasak kaya ayaw ko munang dagdagan yan." sambit ko at naghanap na ng makakain.
Kinabukasan
"Bianca. Hindi kita mahahatid ngayong umaga. Magcommute ka nalang." ani Kuya William.
"Eh? Ano ba yan Kuya magspe-spend nanaman ako ng pera."iritadong sabi ko. Paalis na rin kasi ako ng bahay tapos bigla niyang sasabihin na hindi niya ako mahahatid.
"Pero ako ang magsusundo sa'yo mamayang hapon." aniya
Biglang nanlaki ang mga mata ko at umawang ang bunganga ko nang nakangiti. Hay! Atleast si Kuya William na ang magsusundo sa akin! Hindi ko makikita si Matthew ngayon! Yehey!

BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...