Napalingon nalang ako sa orasan. 12:03 am na hindi pa rin ako makatulog.
Bumaba ako para maghanap ng makakakain tapos bumalik na ulit sa kwarto ko.
"Bakit hindi siya pumunta ngayon? Gusto ko pa man din magsorry sakanya."
Inayos ko na ang kumot ko. Pinikit ko ang mga mata ko pero hindi talaga ako makatulog. Patay ako neto may pasok pa naman bukas.
Inis ako napapadyak kaya nahulog ang unan ko. Pinulot ko yon tapos padabog na humiga.
"Bianca naman kasi. Bakit ba ang dami mong kapalpakan. Hayst! Sana makita ko na si Matthew bukas!"
Biglang nagring ang cellphone ko. Tumatawag si Calla. Sinagot ko yun.
"Oh bakit napatawag ka? Umaga na matulog ka na." sabi ko.
"Hindi ako makatulog. Eh ikaw bakit di ka pa natutulog?" aniya
"Hindi rin ako makatulog." sagot ko.
"Sus baka naman may iniisip ka. Si Matthew ba yan.. o si Johan? Sino sa kanila?" sabi niya at narinig kong tumawa siya.
"Tss. Ewan ko sayo." sagot ko
"Hula ko si Matthew. Kwento naman diyan." aniya
"Ano ba yan. Anong pinagsasabi mo dyan? Matulog ka na!"
"Dali na magkwento ka na. Di naman tayo makatulog eh." aniya at napapikit nalang ako sa inis dahil hindi ako tatantanan nito.
"Sige nanga." sabi ko at kinwento ko na ang lahat ng nangyari.
"Baliw ka pala eh! Kawawa naman yung tao!" sigaw niya para marindi ako.
"Eh! Oo na. Nagkamali ako kaya nga gusto ko na siyang makita at makausap! Gustong gusto!" sabi ko.
"Hmm pero bes. Sa mga kwento mo isa lang ang conclusion ko." aniya.
"Ano naman yon?"
"May gusto ka kay Matthew." aniya at humagikgik.
Naparoll-eyes naman ako. "Ano ano nanamang pumapasok sa kukote mo." sabi ko. Nagsisimula na akong dalawin ng antok. Kaya napahikab ako.
"Hmm pero aminin! Crush mo noh?!"
"Manahimik ka nanga diyan!"
"Yieee hindi sinasagot it means oo!"
Hindi siya tumigil sa pangungulit kaya nagpasya akong i-end call nalang iyon. Tinext ko siya na matutulog na ako at hindi ko na hinantay yung messages niya.
Inilapag ko ang cellphine sa side table at napapikit. Pero napaisip rin ako.
"May gusto ba ako kay Matthew? Hmm. Hindi ko alam. Kung meron man, parang hindi maganda ang patutunguhan." sambit ko at unti-unting nakatulog.
Kinabukasan
Katatapos lang ng klase namin. Inaayos ko na ang mga gamit ko. Nagtaka ako nang lumabas agad si Calla bitbit ang bag niya.
"Tong babaeng ito mang-iiwan. Hayst!" napasigaw ako
"Ganyan naman talaga sila eh. Iniiwan ka nang hindi man lang nagpapaalam." ani Seana na kaklase ko at napadabog pa.
"Oonga! Yung na-attached ka na tapos bigla kang iniwan sa ere? Jusko masarap pumatay!" sabat naman ng baklang si Charlie.
"Sus ang dradrama niyo! Hahaha" nagtawanan kami at nagligpit na para sundan si Calla.
Lumingon ako pero hindi ko mahanap si Calla. Pumunta muna ako sa canteen tapos sa chapel pero wala. Pumunta na rin ako sa library.
Garden nalang ang hindi ko napupuntahan. Tama!
![](https://img.wattpad.com/cover/125546403-288-k290649.jpg)
BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...