Chapter XIX

11 5 0
                                    

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang madilim na paligid ngunit may isang ilaw lamang na tanging nagbibigay ng liwanag.

Nagkalat ang mga hollowblocks sa sahig at may mga crack sa dingding. May mga naririnig rin akong patak ng tubig na nanggagaling yata sa gripo.

Batid kong isang lumang garahe ng isang bahay ito.

Tumutulo ang pawis ko sa init. Wala ako nakikitang bintana. Sarado ang lugar na ito at walang mapapasukan ng hangin.

Napagtanto kong nakatali ang mga kamay ko sa kahoy na inuupuan ko.

May tela rin sa aking bibig. Ramdam ko ang pananakit ng katawan ko, lalo na ang mga pisngi ko. Ngunit isa lang ang nasa isip ko..

Kailangan kong tumakas.

Lumingon muna ako sa paligid at napagtantong wala namang tao. Nagmasid ako para makakita ng tatakasan.

Nabuhayan naman ako ng pag-asa nang makita ang isang pinto. Sinubukan kong magpumiglas sa kinauupuan ko pero hindi ko magawa.

Sumasakit na rin ang mga kamay ko dahil sa mahigpit na pagkakatali nito. Sinubukan ko namang iusod ang upuan ko palapit sa pinto.

Ngunit hindi pa ako nakakalapit nang biglang bumukas ang pintong iyon. Pumasok ang isang lalaki. Ang lalaking iyon ang sumampal sa akin kanina.

"Gising na pala ang munting prinsesa." aniya at humalakhak. Nag-echo ang kanyang boses. Napalingon ako sakanya.

Hindi siya nakakalayo sa edad ko. Siguro kaedad lang niya si Kuya William. Mahaba ang kanyang buhok. Umaabot ito hanggang balikat. Bigla niyang hinawakan ang aking ulo kaya umilag ako.

Sinubukan kong magsalita ngunit wala ring saysay dahil sa telang nakatali sa bibig ko.

"Huwag ka mag-alala, prinsesa. Wala kaming balak galawin ka. Hindi kami yung taong inaakala mo." aniya saka napangisi.

Maya-maya pa'y pumasok na rin ang pangalawang lalaki. Ito ang kasama niya kanina.

May dala itong dalawang tubig. Hinagis niya iyon sa lalaking malapit sa akin. Nauuhaw na ako at nagugutom. Ikinaiinis ko ang ginagawa nila.

"Uhaw na ba ang prinsesa?" ani  pangalawang lalaki. Bumungisngis silang dalawa sa tawa.

Napakunot ako ng noo saka tinitigan sila nang masama. Tinawanan lang nila ako. Maya-maya pa'y lumayo sa akin ang dalawang lalaki at nagbulung-bulungan.

Sinubukan kong makinig sa pinag-uusapan nila kaso napakalayo nila para marinig ko iyon.

Matapos magbulungan, lumapit sa akin ang pangalawang lalaki. Hinigit niya ang buhok ko saka nagsalita.

"Hindi naman talaga ikaw yung target namin. Pero para makuha siya, kailangan ka namin. Malaki-laki ang kasalanan ng dugo na dumadaloy sa'yo." ani isang lalaki saka tumalas ang tingin nito sa akin.

Mas lalo niyang hinigit ang buhok ko para mapadaing ako sa sakit.

"Wala kang alam. Bianca Ventura. Wala." aniya

Sasampalin na niya sana ako ulit kaso natigilan siya nang tawagin siya ng unang lalaki.

Agad-agad siyang pumunta roon. Muli, binigyan niya ako ng matalas na tingin, saka lumabas at ikinandado ang pinto.

Maraming pumasok sa isip ko. Sa dami nito, sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Napakasakit ng katawan ko na punong puno ng pasa.

Batid kong binugbog nila ako noong wala akong malay. Namamaga na rin ang magkabilang pisngi ko dahil sa dalawang malakas na sampal na natanggap ko.

Hallucinate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon