Agad-agad kong hinanap sa contacts ko ang number ni Matthew. Bagama't hindi ko ni-label ang number niya ay memorize ko pa'rin yon.
Nagscroll ako hanggang sa mahanap ko yon.
O9294573112
Agad-agad ko yong binuksan. Ano naman kaya ang sasabihin ko?
Basta kailangan ko magpakita ng sinseridad. Tama. At nagsimula na akong magtype.
Matthew, gusto ko lang sana humingi ng tawad. Naiintindihan ko kung ayaw mo na ulit lumapit. I know I offended you and I fully understand that. Pero bago yun gusto ko lang talaga magsorry. Sorry sa lahat, sa pagpapauwi ko sa'yo. Hindi kita tinataboy..nahihiya lang talaga ako kasi tayong dalawa lang sa bahay noong mga oras na yon. Sorry din kung pinaghintay kita sa wala noong susunduin mo sana ako pero kay Johan ako sumabay. I'm sorry. Pwede ba tayong magkita? Ibabalik ko lang yung phone na pinahiram mo sa akin.
Sent. Actually medyo kabado ako. Rereplyan kaya niya ako? Magsiseen man lang? O inboxzoned? Hindi ko alam at dito nanaman nagsisimula ang pag-ooverthink ko.
Maya-maya'y nagvibrate ang phone ko. Bigla akong kinabahan..dahil baka nagreply na si Matthew. Binuksan ko iyon at nadisappoint naman nang nakita ko ang message ni Marko.
Marko:
Brad! Punta ka sa bahay ko bukas pagkatapos ng school. Isang oras lang naman dahil ininvite kayo ni Dad sa bahay kasi birthday niya. Ininvite ko yung buong barkada kaya sana makasama ka.Hindi naman ako nagdalawang-isip kaya tinext ko agad siya na makakapunta ako. Napakaboring kasi dito sa bahay at puro mukha lang naman ni Kuya ang nakikita ko. Hayst.
Muli kong chineck kung may message na ba si Matthew....pero wala pa'rin.
Maghihintay ako. Maghihintay ako hanggang kausapin mo na ako.
Kinabukasan
Tapos na ang klase at kasalukuyan naman kaming naglalakad ngayon palabas ng campus.
"Bet ko talaga yung prof natin sa History. Si Sir Liam yung tipong strict pero palabiro din. Tapos ang galing galing niya pa! Pogi niya pa! Fluent pa yung English niya! Jusko!" sambit ni Julienne na ikinatawa namin dahil mahilig na talaga siya sa mga pogi since birth.
"Uy mga brad! Makaka-attend ba kayong lahat mamaya sa birthday ni Dad?" singit ni Marko at tumango naman kami lahat.
"Oo naman! Special day ni Tito Omar ngayon kaya aattend talaga kami!" ani Calla at napangiti naman si Marko na umabot hanggang tenga dahil pupunta ang napupusuan niya.
"Naks naman meet the parents of loverboy na ba?" Singit ko at nagsi-ngisi naman ang mga barkada ko. Tinukso namin sina Calla at Marko.
"Ano ba yan hindi ko gusto si Calla! Hindi ko trip ang mga manananggal." ani Marko at sinabunutan siya ni Calla.
"Mas lalong hindi kita type. Ayoko ng mga unggoy na katulad mo!" ani Calla
"LOVERS' QUARREL!" ani Johan at napahalakhak na kaming lahat.
"Hay nako tara na nga! Dami niyong kalokohan!" ani Marko at nagsilabasan na kami.
Ipinarada na ni Marko ang sasakyan niya at nagsipasok na kami.
"Mabuti naman naisipan mong ikaw na magsundo sa amin. Makakatipid na si Bianca ng pamasahe." ani Julienne at nagtawanan sila dahil alam nila ang favorite line ko.
"Uy! Wala pa pala akong gift kay Tito patay!" ani Calla.
"Ay oonga noh? Last year diba may surprise pa tayo non." Ani Johan
BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...