Chapter VII

25 7 0
                                    

Bianca.. bianca..

Naalimpungatan ako nang may tumatapik sa braso ko at tumatawag sa akin.

"Bianca" rinig kong tinig

Minulat ko ang akin mga mata at nakita ko si Matthew pala ang tumatapik sa akin.

"Ituro mo sa akin yung way papunta sa bahay mo kasi hindi ko alam. Tulog ka nang tulog diyan." Inirapan niya ako.

"Eto na chill." Kinusot ko ang mga mata ko at nakita kong wala nang araw. Napansin ko rin na andito kami sa street kung saan niya ako natagpuan dati. Tumambad sa kanan ko ang bahay kung saan pumasok si Daddy at ang kabit niya dati.

Ayaw kong manatili dito kaya itinuro ko na agad ang daan kay Matthew.

"Diretso lang tapos kumaliwa ka doon pagkatapos ng grocery." turo ko sakanya.

"Kanan ka diyan."

"Diretso lang diyang makikita mo na yung Villa de Encarnacion"

"May guard diyan. Ako nalang ang kakausap."

Ipinababa ko ang window ni Matthew at kinausap ko ang guard para papasukin kami sa loob ng subdivision.

"Kuya Guard. Ito po yung kasama ko. Ihahatid niya po ako sa mga Ventura." paliwanag ko

"Ah ikaw si Bianca, yong anak ni Sir Adam Ventura? Sige sige pasok" nginitian ako ni kuya at nagpasalamat naman kami ni Matthew.

Sikat naman ang Daddy ko dito sa subdivision kaya nakilala agad ako ni kuya guard.

Maya-maya pa narating na namin ang bahay namin.

"Oh maganda rin pala ang bahay niyo." puri ni Matthew

"Oo maganda yan pero pag pumasok tayo mamaya humanda ka na sa panget na mangyayari. Papagalitan talaga ako ni Kuya William." pumikit na ako para pakalmahin ang sarili ko.

Humalakhak siya pero inawat ko agad kasi baka marinig nila Kuya kami dito sa labas.

Nagdoorbell na ako at nakita ko agad si Kuya William ang lumabas para iopen yung gate. Kinagat ko ang aking labi para maghanda sa sermon ni Kuya William.

Tinitigan muna ako ni Kuya William saka nagtatakbo para pagbuksan kami ng gate.

"BIANCA! SAAN KA BA NANGGALING. BUONG ARAW NA KAMI NAG-AALALA SAYO!"

Ayan nagsisimula na si Kuya William.

Nang makapasok kami sa loob ay natanaw ko agad si Dylan at tumakbo ito papunta sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Ate Saan ka ba galing? We called the police na para ipahanap ka." Puno ng pag-aalala itong kapatid ko.

"Bianca! Nabunggo ka daw ng kotse at hihingi sana si Calla ng tulong pero pagbalik niya wala ka na daw." sermon ni Kuya

Biglang lumingon si Kuya William kay Matthew.

Patay.

Kumunot ang noo niya at nagmukha siyang torong handa nang sumugod kaya sinunggaban niya si Matthew ng isang malakas na suntok.

Nahulog sa sahig si Matthew at napailing habang hawak hawak ang gilid ng labi na dumudugo.

"Kuya William! Wala siyang kasalanan ano ka ba!" tumakbo ako agad ako para alalayan si Matthew na makatayo.

"SINO YANG LALAKING YAN? BOYFRIEND MO BA YAN? KAYA BA HINDI KA NAKAUWI AGAD?" Dilat na dilat ang kanyang mata at napakalakas ng sigaw niya.

"Kuya William mali ang iniisip mo!" sigaw ko kay kuya

Hallucinate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon