Agad-agad akong humarap kay Marko. Nakita kong nakaharap pa'rin siya sa gawi ko kaya hinarangan ko agad sina Kuya William dahil baka makita niya pa yung dalawa.
Kuya William naman kasi! Ang dami-daming pwedeng puntahan. Bakit dito pa?
"Marko! Uhm umuwi ka na baka hinahanap ka na doon sa bahay ninyo! Ah-ahm ahhmm" nanginginig ang mga kamay ko.
"Oh Bianca ayos ka lang?" Lumingon siya sa mga kamay ko. "Bakit ka nanginginig?"
"H-hindi ayos lang. Haha! Pasmado lang! Sige na umuwi ka na haha" lumingon siya sa likod kaya humarang ulit ako dahilan para ma-weirdan siya.
"S-sige nanga. Ayos ka lang dyan brad ha?"
"Oo naman! Ako pa HAHAHA sige na tumalikod ka na!" sabi ko at tumalikod na siya.
"Hey! Bianca! Marko!" Nalaglag na lang ang panga ko nang narinig ko ang boses ni Kuya William na dahilan upang lumingon si Marko. Humarap na'rin ako kay Kuya.
"Hey! Join us here!" ulit pa niya habang winawagayway ang stick ng kwekwek sa ere.
Sus...gi...noo
Nilingon ko si Marko sa likod ko at nakita na niyang magkasama sina Kuya William at Calla. Wala na talaga akong takas.
"C-calla." rinig kong sambit ni Marko at napangiti. Lumapit siya agad sa kanila.
Wala naman akong nagawa kaya sumunod nalang ako sakanya. Napahilamos din ako sa mukha ko sa kapalpakang nagawa ko.
Dapat hindi ko na dinala si Marko dito. Napasabunot nalang ako sa buhok ko nang makitang nag-bro fist pa si Kuya at si Marko
"Oh lubog na ang araw. Ano pang ginagawa niyo dito?" tanong ni Marko.
"Aba malamang mamimili ng makakain. Tagal kasi nong kasama mong yon bumili kaya nainip na ako." ani Calla at automatic namang nagtawanan ang mga lalaki.
"Eh bakit kayo magkasama ni Bianca? Hmm nagda-date kayo noh?" Nanlaki ang mga mata ko nang sinabi ni Kuya yon.
"Ha? Kami? Magdadate? Yak no HAHAA no thanks may iba akong gusto noh. Kuya talaga kahit kelan." sabat ni Marko.
"Oh mabuti naman. Kasi kahit bilyon pa ang manligaw sa kapatid ko bawal pa yan magka-bf!" ani Kuya nang nakaturo ang hintuturo sa itaas.
"Hindi nga Kuya. May iba po akong gusto. May balak nga po akong ligawan eh." ani Marko at biglang lumingon kay Calla at ngumiti.
"Eh sino naman yon?" tanong ni Kuya at natauhan ako na baka magsimula ang away ng mga to sa oras na malaman na iisang babae ang nagugustuhan nila. Kaya sumingit ako agad.
"Hays! Ang dadaldal niyo talagang lahat! Tara na! Bumili nako ng dinner diba?" sabi ko at winagayway ang supot ng Jollibee at mga kakanin. "Ba't pa kayo lumabas tsk! Diba sabi ko sa bahay lang kayo?" umirap ako
"H-huh? Nasa bahay mo pala si Calla?" sambit ni Marko at bigla akong natigilan.
"Ah HAHAHA gabi na umuwi na tayong lahat! Marko! Adios na kitakits sa Simbahan bukas bye!" Kinawayan ko siya.
"Hey Marko. Ba't di ka nalang sumabay sa amin kumain sa bahay?" Napahilamos nalang ako dahil sa suggestion ni Kuya.
Hayst Kuya William kung alam mo lang. KUNG ALAM MO LANG! Magsisisi ka na niyaya mo pa tong si Marko.
Sa bahay
"So sino yung babaeng balak mong ligawan?" ani Kuya at nagsalin ng beer sa bote niya.
Ang Jollibee na dinner na kinain namin ay sinundan ni Kuya ng inuman ng alak. Pinauwi ko na'rin si Calla dahil baka makisali pa siya sa inuman. Mukhang namiss ata ni Kuya etong si Marko. Siya kasi ang pinaka-close ni Kuya sa buong barkada ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/125546403-288-k290649.jpg)
BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...