Parang gusto kong bumaba dito sa motor at balikan si Matthew. Gusto kong siya ang maghatid sa akin pauwi.
Ewan ko kung bakit pero nasanay na ako sa sasakyan niya. Nasanay ako sa presensya niya. Napayuko nalang ako.
"Oh. Baka mahulog ka diyan ha. Kumapit ka mabuti." ani Johan at nakitang ko siya sa sidemirror na nakangiti.
"Tss. Ewan ko sayo magdrive ka nga dyan"
Hindi ko alam kung saan ako kakapit. Sa bakal na nasa likod ko ba o kay Johan dahil nakakahiya naman kung yayakap ako diba?
Kaya napagpasyahan ko nalang na sa bakal humawak.
"Alam mo ba na buong araw ka naming hinanap n'on. Iyak nang iyak sina Calla at Julienne. Naghiwa-hiwalay pa nga kami non." aniya
"Oo tol. Nasabi mo na sa text mo kaya alam ko na." sagot ko.
"Aba bakit naman ang sungit sungit mo ngayon? Buwanan mo ba? Nakakatakot naman." humalakhak siya.
Babatukan ko sana siya kaso baka ma-out of balance pa ako at madisgrasya.
"Hindi noh. Pagod lang ako tapos may gana ka pang pagtripan ako." inirapan ko siya.
"Tss. Sige na po magda-drive nalang, aking prinsesa. Prinsesang Masungit." humalakhak nanaman siya.
"Dami mong alam." Sabi ko at tumawa siya. Yung tawang nakakaloko kaya nahawa na rin ako at nagmukha kaming baliw dito.
Ilang taon na rin kaming magbestfriend nitong si Johan. Basta since elementary pa. Imagine? College na kami ngayon.
Tanda ko pa nang unang makilala ko si Johan. Grade 5 kami noon at first day of class. Nagdadaldalan kami nina Calla at Julienne nang pumasok ang kambal sa classroom.
"Uy may mga transferee." ani Calla
"Ang pogi naman nilang dalawa. Bet ko yung may bangs" ani Julienne at si Johan ang tinutukoy niya.
"Nagsisimula na naman yang kalokohan mo Julienne" ani Calla.
Umupo ang kambal sa harap namin kaya humagikgik si Julienne. Dahil doon lagi na namin siyang tinutukso kay Johan at kalaunan napasama sa squad namin ang kambal.
Pero tumigil na ang pagkakagusto ni Julienne kay Johan nang isang araw, nakasama niya si Kuya William. May play n'on at sila ang leading partner. Nang mga araw na'yon ko nahalata na may gusto si Julienne kay Kuya.
"Andito na tayo sa bahay mo" sabi ni Johan kaya ako natauhan at nag end na ang flashback ko.
Bumaba ako at inabot sakanya ang helmet. Hinatid niya ako sa gate.
"Uy tol! Salamat sa paghatid ah. Kakahiya naman sa'yo" sabi ko at napakamot sa ulo.
"Ay nako nahiya ka pa eh sa pagkakaalam ko walanghiya ka. Joke!" Humalakhak siya at binatukan ko siya.
"Uy tol bukas pwede bang ako ulit ang sumundo sa'yo?" tanong niya at napaisip ako.
"Hmm pag-isipan ko muna. Sige na umuwi ka na. Salamat ule!" sabi ko at kinawayan ko siya.
"Geh ingat tol!" aniya at pinaandar na ang kanyang motor.
Pumasok na ako sa loob ng bahay.
8:39 pm
"YES! LEGENDARY!" napasigaw si Marko sa kabilang linya.
"Ks ka eh. Wag nga kami!" sabat ni Julienne.
Kasalukuyan kaming naglalaro ng Mobile Legends ngayon. Nag-group study na rin kami kanina sa call kaya pwede na kaming maglaro ngayon.
"Oh dali na! Sira na lahat ng turrets! Sirain niyo na yung base!" ani Calla na kakamatay lang.

BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romantik"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...