Hindi ko na mapigilan ang umuusbong na nararamdaman ko sa lalaking nasa harap ko. Ang presensya niya ay nagpapatibok sa puso ko. Lahat ng pagkatao niya ay nagpapahina sa isang katulad ko. Ngayong nasa harap ko siya, hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataong ito.
"Matthew" tawag ko sa kanya at napalingon naman siya sa akin.
"hmm?"
"G-gusto kong m-malaman mo na.. na.." nauutal ako dahil parang biglang nanghina ang lakas ng loob ko.
"Na ano?" aniya at nakataas ang dalawa niyang kilay. Muling nanumbalik ang lakas ng loob ko.
"N-na mahal kita. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero ngayon, ikaw lang ang sinisigaw ng puso ko. Hindi ka mawala-wala sa isip ko. M-mahal kita-" Hindi natapos ang sasabihin ko nang nagsalita siya.
"H-hindi pwede. Itigil mo yan, Bianca. Hindi mo ako pwede ibigin." aniya at may takot sa kanyang mga mata.
Naguluhan naman ako. Bakit? Bakit hindi ko siya pwedeng ibigin? Wala namang masamang umibig..hindi ba?
"Bianca makinig ka. Walang patutunguhan ang pag-ibig mo sa akin. H-hindi tayo pwede. You can't love me. That love is forbidden." aniya at nagsimulang bumagsak ang mga luha niya.
"B-bakit? May tinatago ka ba? K-kung ano man iyan, handa akong tanggapin.. no matter what the consequence is." sabi ko.
"Bianca. Ito ang dahilan kung bakit kita iniwasan. Please, just stop. You don't get it."
"Oo! Hindi ko maintindihan. Hindi mo naman kasi ako binibigyan ng kahit anong sagot. Hindi mo magawang magsabi ng totoo. P-pero kahit gano'n, ayos lang. Kaya ko tumaya para sa atin." sabi ko. Pulang-pula na ang mga mata ko sa pagtangis.
"M-matthew please. Pagmamahal ito. Hindi ito isang bagay na napipigilan. Please don't push me away. Ipaintindi mo sa akin. Give me a reason. A reason kung bakit sinasabi mong bawal ang pag-ibig na ito."
"A-ayaw kitang saktan. Sa oras na malaman mo, alam kong guguho ang mundo mo.. dahil sa mga oras na ito, mahal mo ako." aniya.
"Masaktan na kung masaktan. Kung umiibig ka, handa kang masaktan para sa taong mahal mo. Hindi alintana ang lahat. Please..please give me a reason. Kasi ginagawa mo akong baliw."
Natigilan siya. Parehas na kaming nahihirapan ngayon, alam ko iyon. Ngunit ang pagtatapat ko ng pag-ibig ay isang malaking hamon sa akin, dahil itinataboy ako ng taong mahal ko... sa hindi ko malamang dahilan.
Paulit-ulit ko siyang tinatanong pero mukhang wala talaga siyang balak magsalita. Could you just give me a simple explanation for all of this? Please.. Matthew.
Napayuko na lamang ako.
Kinabukasan
Nagising ako sa pagkalabog ng pinto. Ganito naman ang pang-araw-araw na pangyayari sa isang linggong pagkakakulong ko dito. Ang pagkakaiba nga lang, ay kasama ko naman ngayon si Matthew.
May dala silang almusal, ngunit wala akong ganang kumain.
"Hindi ako kakain. Umalis na kayo." sabi ko saka umiwas ng tingin.
Lumapit pa rin sila at akmang ilalapag ang almusal ngunit sumigaw ako dahilan para mabitawan nila iyon. Nagkalat ang pira-pirasong bubog nito sa sahig.
"Lumabas kayo! Anong saysay ng pagpapakain niyo sa akin kung nabubuhay lang din ako nang ganito?! Mas gugustuhin kong mamatay! Lumayas kayo sa paningin ko!"
Halos dumagundong ang paligid sa sigaw ko. Nag-eecho rin kaya mas lalong lumakas ang epekto ng boses ko. Wala akong gana. Nawalan ako ng gana sa mga pangyayari. Bukod sa mga walang kwentang mga lalaking ito, nadidismaya din ako kay Matthew, na walang balak ipaliwanag sa akin ang mga tanong na bumabagabag sa akin.
Napakunot ako saka tinitigan ko sila nang masama. Ang nakakainis ay ngumisi pa sila bago lumabas.
Maya-maya'y lumingon ako kay Matthew. Nag-aalala siya sa akin. Iyon ang ekspresyon ng mukha niya, na nagpalambot sa puso ko.
Natauhan ako kaya bigla akong humingi ng tawad sa inasal ko.
"S-sorry."
"Dapat kumain ka. Magugutom ka mamaya." aniya at napatitig sa pira-pirasong bubog sa sahig.
"Wala talaga akong gana. Mas lalong nasira ang araw ko nang makita ang pagmumukha ng dalawang iyon." sabi ko.
Sa palagay ko, kung wala kami sa sitwasyon na ito ngayon, malamang nagbibiruan at nagtatawanan kami. Payapa lang ang lahat at walang nasasaktan. Maling oras ang pag-amin ko sakanya pero ayos lang. Paninindigan ko iyon.
Sa aming dalawa ni Matthew, alam kong ako ang nagmumukhang lalaki. Ako ang unang umamin. Alam kong hindi magandang tingnan na babae ang umaamin sa lalaki.. Ngunit hindi ko kayang itago ang pag-ibig na ito. Kung may bagay na nagpapahinto sakanya na ipahayag ang pag-ibig niya sa akin... ako nalang ang mismong lalapit at aamin.
Pero...
Hindi ito ang problema. Dahil ang problema rito... ay ang sinasabi niyang ipinagbabawal ang pag-ibig ko sakanya. Bakit? Bakit bawal?
Naputol ang iniisip ko nang bumukas ang pinto at narito nanaman ang dalawang lalaki.
"Anong ginagawa niyo dito?"
Lumapit sila sa akin saka nilagay sa tainga ko ang isang cellphone.
Napakunot ako. "Ano bang ginagawa niyo-" sambit ko ngunit natigilan ako nang marinig ang boses na galing sa cellphone.
"Bianca, kamusta ka na? Huwag ka mag-aalala. Ililigtas ka ng kuya."ani isang boses sa kabilang linya at nakasisigurado akong si Kuya William iyon.
"K-kuya!" sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko. "K-kuya William! H-huwag ka pupunta dito. M-mapapahamak ka!"
"Bianca, makinig ka. Gagawin ko lahat. Binigay na nila ang address kung nasaan ka. "
"K-kuya William! Huwag! Please hindi ko magugustuhang mapahamak ka-"
"Mas lalong hindi ko gugustuhing ikaw ang mapahamak. Malapit na ako diyan. Ililigtas kita. B-basta kahit anong mangyari, mag-ingat ka."
"K-kuya-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bawiin ng unang lalaki ang cellphone. Napasipa ako sa inis dahil hindi pa kami tapos mag-usap ni Kuya.
"Huwag niyo papupuntahin si Kuya dito! Ako ang saktan niyo! Huwag siya!" nagpupumiglas ako. Lumingon ako kay Matthew ngunit tahimik lamang siya.
"Ano bang mayroon kay Kuya William? Ipaintindi niyo naman sa akin!" dumagundong ulit ang paligid sa hiyaw ko.
"Malalaman mo.. kapag nandito na ang Kuya William mo. Ipapaintindi namin sainyong dalawa." ani unang lalaki saka napangisi. Lumabas na sila ulit saka ikinandado ang pinto.
"Bianca" tawag sa akin ni Matthew. Napalingon ako sakanya.
"K-kahit anong mangyari mamaya.. promise me something." dagdag niya pa.
"A-ano yun?" may pagkalas ang boses ko dahil naghahalo-halo ang nararamdaman ko.
"Ipangako mo na hindi mo kakalimutan na kahit minsan...nagkakilala tayo at naging magkaibigan." aniya at tumulo ang isang luha mula sa kanyang mata.
Hindi ako nakasagot. Gulong-gulo ako. Wala akong malamang tamang sagot. Naghalo-halo ang mga bagay sa isip ko. Natataranta na ako.
"B-Bianca.. malalaman mo na lahat. Sa oras na dumating ang kuya mo. Sasabihin ko na lahat ng dapat mong malaman. A-ayos lang kung magalit ka..pero huwag na huwag mo akong kakalimutan." sambit niya.
Tinitigan ko lang siya at nakaramdam ako ng halo-halong emosyon. Awa..lungkot..pagkalito.
Maya-maya pa'y bumukas na ang pinto. Tumambad sa harap namin si Kuya William.
"B-Bianca!" Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Lumapit siya sa akin. Ngunit bago niya ako maabutan, isang putok ng baril ang narinig ko.
》》》》》》》》》》》》
Author's Note:
S o r r y m g a s i s t e r s
& b r o t h e r s HAHAHAAbangan niyo nalang kung anong mangyayari wink wink 💓
Music for this chapter: Pangako sa'yo by Daniel Padilla 🎵💕
BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...