Laking gulat ko nang makilala ko kung sino ang pumihit ng pinto...
Si Matthew.
Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit siya sa akin. Biglang bumuhos ang mga tanong sa isipan ko.
Anong ginagawa niya dito?
Nang makalapit siya sa akin, tinitigan niya ako. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga tali sa katawan ko.
Maya-maya'y isa-isa niyang tinanggal ang mga iyon. Magsasalita pa sana ako kaso sinenyasan niya ako na tumahimik na lamang.
Namataan kong may mga luha sa kanyang mga mata. Aabutin ko sana upang punasan ang mga iyon ngunit hinarangan niya ang kamay ko.
"Itatakas kita. Kailangan mong gumalaw nang mabilis." bulong niya saka inalalayan akong makatayo.
Dali-dali kaming lumabas ng pinto. Napagtanto ko na hindi isang garahe ang kwarto kung saan ako nakakulong.
Dali-dali kaming kumilos. Maraming pasikot-sikot. Mailalarawan kong malaki ang bahay na ito. Ngunit ngayon, hindi na rin ako sigurado kung bahay nga ba ito.
Nakahinga ako nang makaabot kami sa unang palapag. Isa nga siguro itong abandonadong building.
Ngunit hindi pa kami nakakalapit sa exit nang may pumalakpak sa hindi kalayuan. Madilim dito at gabi na rin kaya hindi kami makakita nang maayos.
Lumingon-lingon kami sa paligid upang makita kung sino ang pumalakpak. Maya-maya pa'y nagpakita na sa amin ang taong iyon...
Ang unang lalaking kumidnap sa akin. Maya-maya pa'y lumitaw na rin ang pangalawang lalaki. Parehas silang nakangisi.
"Long time no see, Matthew Franco." ani pangalawang lalaki.
"Nandito na ba ang prince charming ng prinsesa?" ani unang lalaki at napahalakhak.
Nanlaki nalang ang mga mata ko nang mapagtantong kilala nila si Matthew.
"Pakawalan niyo na si Bianca. Wala siyang kasalanan. Huwag niyo na siya idamay dito." ani Matthew.
Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari. Mas lalong lumala ang kyuryosidad ko dahil mukhang magkakakilala ang mga lalaking kumidnap sa akin at si Matthew.
"Kawawa naman ang aming Matthew Franco. Pumapayag ka ba sa ipinagbabawal na pag-ibig?" ani unang lalaki saka napangisi.
Biglang nilapitan ni Franco ang lalaking iyon saka sinuntok. Nagdugo ang labi nito kaya napadapa siya sa sahig.
Nang makita kong susugurin siya ng pangalawang lalaki ay agad akong sumigaw upang maalerto siya.
Ngunit huli na ang lahat at nasuntok siya nito. Agad akong tumakbo papunta roon para makatulong pero hinampas ako ng pangalawang lalaking iyon dahilan upang humambalos ako sa sahig
Namalayan ko nalang na bumangon ulit ang unang lalaki saka pinagbubugbog si Matthew kasama ang pangawalang lalaki.
Matapos mawalan ng malay si Matthew ay nilapitan ako ng mga lalaking iyon saka binuhat pabalik sa kwarto kung saan ako nakakulong kanina lamang.
Itinali ulit nila ako, ngunit walang tela sa aking bibig. Sa harap ko ay itinali din nila si Matthew, na walang malay ngayon.
"Better luck next time" ani pangalawang lalaki saka humalakhak. Lumabas na siya at ikinandado ang pinto.
Napayuko ako saka tumingala upang lingunin ang kalagayan ni Matthew.
Nang makita ko ang mga dugo sa mukha niya at ang ibang namumuong pasa, biglang bumuhos ang mga luha ko.

BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romantizm"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...