Hindi ko namalayan na nakatunganga na ako sa babaeng iyon.
"Huy! Bianca tunganga ka nanaman diyan. Nakakahiya ka talaga!" ani Julienne. Natauhan ako at nakita ko na nakalahad pa'rin ang kamay niya.
Tinanggap ko iyon.
"B-bianca Ventura." sabi ko at nginitian niya ako.Nagpakilala na rin sina Calla at Julienne. Muli, napatitig ako sa babae. Naalala ko na kung saan ko siya nakita at kung sino siya.....
Siya ang babaeng kasama ni Matthew sa simbahan. Siya ang girlfriend ng lalaking iyon. Pero hindi pa rin naman ako sure doon.
Maya-maya pa'y biglang may nagpatugtog ng parang hiphop music. Nagsi-lapitan ang mga tao sa gitna. May mga lights na sasayawan ngayon.
"Guys. Tara sayaw tayo! Masaya doon sa gitna." ani Shei at hinigit niya ang mga kamay namin papunta doon.
Bakas sa mukha ni Shei na nae-excite siyang makihalubilo sa mga taong sumasayaw.Nagtinginan pa kami nina Julienne at Calla. Alam naming tatlo na hindi kami masyado sumasayaw. Kumakanta lang kami.
"Guys! Come on!" hiyaw ni Shei na nakalapit na sa mga taong sumasayaw. Nagsimula na siyang gayahin ang dancemoves ng mga tao.
Lumapit naman kami doon pero naiilang pa rin kami. "Julienne, Bianca, kayo nalang sumayaw. Alam niyo namang hindi ako sumasayaw." Ani Calla at tumango kami ni Julienne sakanya.
"Ako din naman eh. Sus! Bakit? May dancer ba sa barkada natin? Sa pagkakaalala ko...wala!" ani Julienne at humalakhak kami.
Sinilip ko ulit ang gawi ni Shei. Pagkatingin ko roon ay wala na siya. Sa dami ba naman ng tao ay parang lalamunin ka na kapag nakisama ka pa sa kanila.
Pinagmasdan ko ang paligid. Maraming nagsasayawan. Sinasabayan nila ang beat ng tugtog. Tumatalon sila at nagmistula silang alon sa dagat.
Sandali akong napaisip. "Julienne, Calla, parang maganda naman eh."
"Ang ano?" tanong ni Calla.
"Tara na! Sama tayo! Tumatalon lang naman sila at winawagayway yung kamay nila sa ere. Mukhang madali lang naman iyon!" sabi ko. Magsasalita pa sana sila pero nahila ko na sila papunta sa alon ng mga tao.
Nagsimula akong tumalon-talon habang sinasabayan ang beat. Maya-maya nakita kong hindi sumasayaw ang mga kaibigan ko.
"Hoy! Dali na kasi! Gayahin niyo lang ako. Wala namang masama mag-try eh. Sayaw na!" Nilakasan ko ang boses ko dahil hindi nila ako maririnig.
"To be honest mukha kang tanga! Mukha kang tumatalbog na bola!" ani Julienne at pinaghahampas ko siya.
Maya-maya nakisabay na rin sila. "O diba! Ang saya! WHOO!" sabi ko at humalakhak sila. Napakasaya naman.
Maya-maya ay napatingin ako sa relo ko. Naku! Lumagpas na ako sa isang oras na pinagkasunduan namin. Baka magsermon na naman si Kuya.
"Calla! Julienne! Uwi na ako!" sigaw ko at buti nalang ay narinig nila.
"Ha? Bakit?!" ani Calla. Enjoy na enjoy ang mokong na ito.
"Lagpas isang oras na ako dito! Pagagalitan na ako ni Kuya!"
"Ayos lang yan! HAHAHA! Ang saya!" sigaw ni Julienne. Mukha siyang baliw na gumegewang doon. Mabuti nalang walang pumapansin sakanya.
"Hayst! Sige na! Mauna na ako! Umuwi kayo nang maaga ha! May pasok pa bukas!" sabi ko at iniwan ko na sila.
Medyo naligaw pa ako pero natunton ko naman si Tito Omar. "Tito! Happy Birthday po! Kailangan ko na po umuwi dahil pagagalitan ako ng Kuya ko. Salamat po sa pagkain!" sabi ko at ngumiti siya.

BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...