Chapter III

46 7 5
                                    

8/26/18

Kakauwi lang namin galing sa hospital. Kasama ko si Calla ngayon. Kakauwi lang niya kanina at hindi halata sa mga mukha niyang pagod siya galing byahe.

"Oh eto na yung strawberry mo. Pasalamat ka nagkaroon ako ng mga Victory doon kaya nawala na yung inis ko sayo"

Asa isang restaurant kami at maya-maya panay na siya ng tanong sakin kung anong nangyari kahapon.

Kinwento ko sakanya ang buong detail. At nag-iiyak nanaman ako. Hindi ko ito mapigilan. Nakikita ko din sakanya na nalulungkot siya dahil kahit papaano, close din sila ni Mommy at itinuring siyang anak nito.

"So anong balak niyo gawin kay Tito Adam?" Tanong niya at suminghot dahil tuluyan nang bumagsak ang luha niya.

"Hindi ko alam basta hindi na siya umuuwi sa bahay at natitira kaming tatlo doon sa  bahay. Hindi rin namin siya nakita sa hospital kanina." Sagot ko.

"Wala si Tito? Paano kayo nakarating sa hospital? Wala namang marunong magdrive sainyo." sabi niya

"Nagtaxi kami tanga. Tsaka btw si Kuya mag-aaral na rin ng driving lessons sa summer." sagot ko

"Eh si Tito? Nagtatago kaya siya? Ipapapulis niyo ba siya?" pagtataka niya

"Hindi ko pa alam. At hindi pa kami nagsusumbong."sagot ko at napabuntonghininga siya.

"Luh Bianca, kung ako sa'yo pinakulong ko na yan! Nanay mo ang binaril niya dahil sa pesteng drugs na yan!"sigaw niya at nakatayo pa siya dahilan upang magtinginan ang mga taong kumakain rin sa restaurant na iyon.

Jusko kahit kailan talaga nakakahiya ka Calla.

Bigla naman ako nakaramdam ng kirot sa puso nang marinig mula kay Calla ang mga saktong detalye ng pagkamatay ni Mommy. Pinipigilan kong maluha dahil nasa restaurant kami.
"Calla, tatay parin namin yon. Mahal namin yon. Iyon na nga ang problema. Tatay namin siya. Galit kami pero hindi ko kayang makitang nakakulong si Daddy."

"Bianca, makinig ka. Ang tatay mo ay gumagamit ng drugs at bawal iyon. Pinatay niya rin ang mama mo. Hahayaan mo nalang ba 'yon? " tanong niya at natahimik nalang ako dahil sa sobrang kakaisip ko kay Mommy ay nakalimutan ko nang pag-isipan ang mga ginawa ni Daddy.

Umalis na kami ni Calla doon. Nagpasya kami dumaan kina Julienne para tumambay doon.

"Ano. Gusto niyo ba ng barbecue? Pero may bayad parin yan ha kahit kaibigan ko pa kayo." ani Julienne habang kami ay nakaupo sa kahoy na nakadikit sa pader

"Demanding? Wag na. Kumain na rin kami ni Bianca kanina" ani Calla

"Ah oonga. Hindi ko na kayo bibigyan ng barbecue. Mahirap na baka magiba pa yang kahoy na inuupuan niyo." ani Julienne at humalakhak pa siya

Walang tumawa sa amin ni Calla. Ako naman, kanina pa ring tahimik dahil wala talaga ako sa mood buong araw.

"Bianca" basag ni Julienne sa katahimikan

"O?" sagot ko

"Condolence. Naikwento na sakin ni Calla lahat on your way papunta dito."sabi niya

"S-salamat" iyon nalang ang naisagot ko

"Uh.. uhm yung mga kapatid mo. Ayos lang ba sila?" tanong ni Julienne at napatingin din sa akin si Calla

"Si Dylan nandoon lang sa kwarto niya nagmumukmok. Binisita ko siya kanina bago kami umalis ni Calla. Mugto ang mga mata niya. Sa tingin ko umiyak siya nang umiyak buong gabi." sagot ko

"Mukhang natrauma si Dylan. Masyado siyang bata para ma-witness yung mga bagay na yan." ani Calla

"Ikaw ..ikaw naman Bianca buti nakukuha mo pa'rin lumabas ngayon. Nakakatrauma naman lahat ng 'yon" biglang lumungkot ang mukha ni Julienne.

"Kaya nga ako lumalabas para makalimot. Pag dumadaan ako sa sala sa bahay namin naaalala ko lahat. Hindi ko kaya manatili doon." sabi ko

"Eh s-si Kuya William? K-kamusta siya?" nabubulol si Julienne. Lingid sa kaalaman niya na alam kong lihim na crush niya si Kuya. Na-oobserve ko lang dati. Pero ayaw niya naman umamin.

"Yun ang kinakatakutan ko. Alam niyo si Kuya. Masayahin yon tapos puro biro lang ang alam pero minsan overprotective. P-pero hindi 'yon ang nakita ko kagabi sa mukha niya." natakot ako nang maalala ang itsura niya kagabi

"A-anong nangyari kay Kuya?" Sumingit si Calla

"B-basta. Yung kilos niya kahapon. Kakaiba. Masyado siyang galit kay Daddy. Natatakot ako na baka.. baka makalimutan niya pang  Daddy pa'rin namin siya." Sabi ko

"Hayaan mo na. Pero.. Bianca. Kailangan makulong ng Daddy mo. Agree ako kay Calla" ani Julienne

Natahimik na ulit ako.

Maya-maya pa, nagpasya na kaming umuwi ni Calla dahil gabi na at may pasok pa bukas.

Pumunta na kami sa kabilang street para maghanap ng tricycle na sasakyan pauwi. Nang makahanap na kami ay dali-dali siyang lumapit doon. Akmang sasakay na ako nang nahagip ng mata ko ang pamilyar na sasakyan. Tinitigan ko iyon at nalaman kong iyon ang sasakyan namin.

"Bianca. Ano pang tinatayo mo dyan sumakay ka na naghihintay si Manong" ani Calla

Narinig ko siya pero hindi ko pinansin 'yon. Naramdaman ko nalang na nasa tabi ko na siya at umalis nalang si Manonh.

"Uy diba sasakyan niyo yun"
ani Calla

"Oo. Ibigsabihin andito si Daddy. Ano namang ginagawa niya dito" pagtataka ko dahil matagal ko na rin di nakita si Daddy since yesterday.

Maya-maya pa lumabas na si Daddy sa kotse at binuksan ang kabilang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang may babaeng bumaba at hinawakan ang kamay ni Daddy papasok sa bahay sa tapat nila. Bago pa sila pumasok sa loob ay nahuli kong hinalikan ni Daddy ang babaeng iyon.

Nanatili akong tulala ngunit maya-maya pa ay nagdilim na ang aking mga paningin. Kinuyom ko ang aking mga kamao at mabilis na lumapit  sa kalsada.

Narinig ko pa ang tawag sa akin ni Calla ngunit hindi ko na pinansin 'yon. Luhaan ako. Akmang tatawid na ako ngunit namalayan ko ang isang nakakasilaw na bagay sa aking kanan. Mabilis iyon at naramdaman ko nalang na bumagsak na ako sa sahig.

Doon ako nawalan ng malay.

Hallucinate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon