Hindi ako nakahinga nang maayos. Namalayan ko na lamang na tumatakbo na ako pababa. Lumuhod ako at inilagay ang ulo ni Mommy sa mga hita ko.
Paulit-ulit kong tinapik ang namumutlang pisngi ni Mommy. Naramdaman ko ang titig ng aking mga kapatid at ilang segundo ay lumapit din sila sa amin ni mama.
"Mommy? Mommy! Huwag mo kaming iwan!" Umiiyak at nagsisigaw ang kapatid kong si Dylan habang yakap yakap si Mommy.
"Mommy! M-mommy! Bianca! Tumawag ka na sa hospital! Bilis! Bilisan mo!" pulang pula ang mga matang nakikiusap sa akin ang nakatatanda kong kapatid. Ngunit nakatulala lang ako sakanya kaya napasigaw siya at agad na inabot ang telepono.
Hindi ako nakakagalaw at nanatili akong nakatitig kay Mommy. Ilang sandali pa, naramdaman ko ang isang kamay sa aking kanang kamay.
Tinignan ko ito at nabuhayan ako ng lakas dahil buhay pa si Mommy.
"M-mommy! Magpahinga ka lang. Parating na po ang ambulansya." Sambit ko kay Mommy.Maya-maya pa dumating na ang ambulansya. Agad-agad kaming nagtungo sa loob noon. Nanatiling nakakapit sa kamay ko si Mommy.
Hinahaplos ko ang kanyang noo habang patuloy na nagbabadya ang mga luha ko. Para bang pinipiga ang puso ko dahilan upang hindi ako makahinga nang maayos.
Tulala ako. Ngunit nagising uli ang diwa ko nang biglang magsalita si Mommy.
"A-anak""P-po?" nabulol ako sa aking pananalita
"M-mahal na mahal ko k-kayo ng mga kapatid mo. T-tandaan mo yan." Ngumilid ang isang luha sa kanyang mata habang pinipilit na imulat ang mga ito.
"Ma.. mahal na mahal ka rin po namin. Huwag po kayo mag-alala. Mabubuhay pa po kayo." sabi ko
"M-mag-iingat kayo ha? S-siguro wala na ako sa tabi n-ninyo pero.. a-andyan pa ang daddy. H-huwag niyo h-hayaang saktan kayo ng d-daddy."
Hindi ako nakasagot. Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko nang banggitin niya si Daddy
" I-i love y-you anak."
At pagkasabi niya noon ay bumitaw na siya sa aking kamay ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.
"N-no mommy! MOMMY GISING! Ma hindi ito magandang biro!"
"Ma please MA PLEASE!!!!!"
Sumisigaw, hindi mapakali at umiiyak ang dalawa kong kapatid. Habang ako, tulala sa kawalan.
Hindi ako makapaniwala na wala na si Mommy. Ang taong naririto sa aming tabi. Ang taong maraming sinakripisyo para sa ikakaganda ng buhay ng pamilya namin.
Ang taong walang inisip kung hindi ang kapakanan namin nina kuya at Dylan. Ang taong madalas kong maka-bonding. Ang taong nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Ang taong nagturo sa akin ng maraming bagay. Hindi ako makapaniwala.... na wala na ang taong iyon.
At nawala ang taong iyon dahil sa kagagawan rin ng isang taong mahal na mahal ko. Bigla akong siniklaban ng galit nang maalala ko ang pangyayari kanina. Nilingon ko si Daddy na tulala at luhaan rin.
Nakaramdam ako ng awa, ngunit nakaramdam rin ako ng galit at poot. Hindi ko alam kung alin doon. Naghahalo ang mga damdaming iyon sa aking puso.
Ngunit isa ang nangingibabaw..
Galit.
Hinatid na namin ang bangkay ni Mommy sa ospital dahil may gagawin pa sila rito. Tulala lamang ako. Ngunit nakakuyom ang aking kamao.
Umuwi na kami sa bahay ngunit hindi na namin kasama si Daddy. Bukas ay babalik uli kami sa ospital. Hindi pa'rin tumatahan ang mga kapatid ko sa pag-iyak. Lalo na si Dylan.
Inayos ko ang akin sarili. Bagsak ang mga mata ko at namamaga rin ito. Puyat ako at walang tulog. Umakyat ako sa taas ngunit bago ako pumasok sa kwarto ko ay nakita ko si Kuya William na nakakunot ang noo at nakasimangot. May luha pa rin siya at nanginginig ang mga labi. Nakaupo sya sa sahig at nakasandal sa kama niya.
Nilapitan ko si kuya. At umupo ako sa tabi niya at tinapik tapik ang kanyang likod.
"Kagagawan niya to. Kagagawan niya ito lahat!"
Sumigaw siya at sinuntok ang tiles dahilan para magdugo ang kamao nito.Ako man ay may matinding namumuong galit kay Daddy pero hindi ko parin siya magawang harapin dahil alam kong epekto lamang iyon ng drugs. Tatay ko rin siya. Pero kahit masama ang nagawa niya. Pinatay niya ang sarili niyang asawa na ina naming tatlo.
"Kuya, matulog na muna tayo. Bukas na uli. Dadalawin natin si Mommy sa ospital." sinabi ko iyon nang marahan at may maliit na ngiti upang kalmahin si Kuya.
Lumabas na ako ng kanyang kwarto. Akmang isasara ko na ang pinto ngunit sumulyap uli ako sa kalagayan niya. Namumula na ang kanyang mukha at nakakuyom ang kanyang kamao. May nangingilid na luha at sa isang direksyon lamang ito nakatingin.
Bigla akong siniklaban ng takot. Hindi ganito si Kuya.
Inalala ko ang masayang mukha ni Kuya at lagi itong overprotective at kalmado.Sa ngayon, hindi ko na alam kung maibabalik pa iyon. Sinara ko na ang pinto at dumiretso na sa kwarto ko upang ipikit ang aking mga mata. Niyakap ko ang malaki kong unan at inimagine ko na si Mommy iyon. Naalala ko lang na kaninang madaling araw ay buhay pa siya.
"Goodnight anak"
Nagflashback ang mga nangyari kaninang madaling araw.
Bigla akong nakaramdam ng regret. Pagsisisi dahil nagkunwari lang akong natutulog at hindi ko man lang nilingon at kinausap no'n si Mommy.
"I-i love you too Mommy.. mahal na mahal ko po kayo."
Then..
I cried myself to sleep.
BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...