"2:45 na" sambit ko nang makita ang orasan. Umaga na at hindi pa rin ako makatulog. Napatitig ako sa cellphone ni Matthew na nakalagay sa sidetable. Kinuha ko iyon at napagpasyahan ko nang tawagan si Julienne.Kanina pa kasi ako nag tri-trip dito sa napakalaking room kaya nakalimutan ko nang tawagan siya.
Inenter ko na ang number niya at naghintay na sagutin niya ang call ko.
[The number you are trying to reach is unavailable. Please try again later.]
Hays. 2 am na rin pala. Malamang tulog na 'yon hindi naman siya nag pupuyat eh.
Bigla kong naalala si Daddy. At ang lahat ng nangyari n'on.
Daddy... paano mo nagawa 'yon? I know wala na si Mommy pero nakahanap ka na agad? Agad-agad? Hindi ikaw ang Daddy na kilala ko dati.
Dulot ba yan ng drugs? I miss you Daddy. Bumalik ka na sana sa dating ikaw.
Tears started to fall from my eyes and again..
I cried myself to sleep just like what I always do.
Kinabukasan
Bigla akong naalimpungatan kaya nagising ako. Nang imulat ko ang aking mga mata, tumilapon ang mga unan kung saan saan dahil sa gulat ko nang makita sa harap ko ang lalaking ito.
"Gising na. Akala ko ba gusto mo na umuwi?" ngumisi siya
"Sarap na sarap ka ata sa tulog mo. I think you want to stay here longer."Nanlaki ang mga mata ko at agad-agad akong bumangon.
"H-hoy! Kanina ka pa dyan? Pinapanood mo ba ako matulog?!" sigaw ko habang nakatingkayad dahil ang tangkad tangkad ng lalaking to.
"I'm waking you up kasi iuuwi na kita. Dami mong satsat." Inirapan niya ako
"K-kahit na! Invading privacy yon!" patuloy akong nangsisigaw.
Napakamot siya ng ulo. "Invading privacy huh. Baka nakakalimutan mo. This Is My House." Nag roll eyes siya sabay talikod para makalabas na ng kwarto ko.
Nagligpit na ako dito at nagbalak ako na magbihis kasi malayo-layo yung byahe namin.
Huli ko nang mapagtanto na wala pala akong dalang damit at ito pa rin yung suot ko since kahapon. Hindi pa nga ako naliligo eh.
Maya-maya pa'y may kumatok at naglakad ako papunta doon para buksan iyon.
"Ma'am pinabibigay po ni Sir" ani isang katulong habang bitbit ang isang medium size na box.
"S-salamat po Ate." sabi ko at ngumiti siya at inabot ang box.
Sinarado ko na ang pinto. Binuksan ko ang box at tumambad sa akin ang isang hoodie at denim pants. May note na nakadikit sa hood at binasa ko ito.
Maligo ka and wear this. Buong araw na yang suot mo. Umaalingasaw ka na.
Napapikit ako sa inis nang mabasa iyon. Kaya naligo na ako at nagpalit.
Bumaba ako at nadatnan ko sina Matthew at Aubrey sa baba na nanonood ng tv. Naglakad ako papunta sa kanila.
"Oh there you are. Bagay sa'yo ah. You look cute in that hoodie." pagbati ni Aubrey sa akin.
"Whatever." sumingit si Matthew at inirapan na naman ako ng lalaking yon. Tumayo na siya at kinuha ang isang sling bag na black.
"Aubrey we're going now." nagpaalam siya kay Aubrey."Sure sure mag-ingat kayo ha. Hey bro, umayos ayos ka baka kung saan mo dalhin si Bianca ha. Text me when you're already there." ani Aubrey.
Nagthumbs up si Matthew sakanya at hinigit niya ang braso ko papalabas. Nagulat ako nang ginawa niya iyon.

BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...