Maya-maya pa, naalimpungatan ako. Minulat ang aking mga mata. Namalayan ko nalang na buhat buhat na ako ng isang pares ng mga bisig.
Napapikit ulit ako dahil nakaramdam ako ng hilo. Inangat ko ang kamay ko at hinilot ko ang buto ng ilong ko.
Muli akong napamulat at naalala kong may bumubuhat pala sa akin kaya bigla akong nagpumiglas kaya nahulog ako sa sahig.
"A-aray" sambit ko at tinapik-tapik ang balakang kong tumama sa sahig.
May kamay na lumahad sa harap ko at tumingala ako. Isang lalaki ang tumambad sa harap ko. Matangkad siya. Maputi ang kanyang balat. Mukha siyang mestiso. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang kanyang pulang labi.
Makapal ang kanyang kilay na nagsalubong dahil nakakunot siya. Tinitingnan ako ng singkit niyang mga mata.
"Tumayo ka na." bigkas niya saka ako natauhan dahil nakatulala na pala ako sa kanyang mukha habang nakakanganga.
Nakita ko ang kamay niyang nakalahad pa rin hanggang ngayon pero tinanggihan ko ito at tumayo dahan-dahan.
"You stared too much." sabi niya at biglang ngumisi saka nilagpasan ako at naglakad
Nanlaki ang mga mata ko. "H-Hoy! Teka!" hinabol ko siya at napahinto siya sa paglalakad. Pumunta ako sa harap niya.
"S-sino ka?" tanong ko nang nakataas ang dalawang kilay
"Matthew Franco" nilahad niya ang kamay niya na gusto makipagshakehands sa akin. Pero tinanggihan ko iyon dahil baka holdaper o kidnapper siya.
"P-paano mo ako nahanap? T-teka nasaan na yung kasama ko? Si Calla?" naghalohalo ang mga tanong ko dahil ngayon ko lang naalala na hindi ko na pala kasama si Calla.
Tulala lang siya at nakangisi sa akin kaya parang siniklaban ako ng takot na baka may gawin siyang masama.
"HUY KUYA! N-NASAAN ANG KASAMA KO NASAAN TAYO?" Sinigawan ko na siya dahil naweiweirdan na ako sakanya kasi kanina pa siya hindi gumagalaw.
Maya-maya pa ay nagkibit balikat na siya. Sa wakas gumalaw din siya. Mukha na siyang manikin kanina eh.
"Sinong kasama mo? You're alone there on the road nang naabutan kita. Wala ka pang malay at ang dami mong pasa. Mabuti nalang ako ang nakakita sa'yo. Kung iba siguro patay ka na ngayon." sabi niya.
Biglang nanumbalik ang mga ala-ala ko sa nangyari kanina. Naalala ko ang pagtataksil na ginawa ni Daddy at siniklaban ako ng galit. Ngunit bago ko isipin 'yon ay uunahin ko muna ang problema sa lalaking kaharap ko.
"Eh nasaan na tayo ngayon? Pwede namang magtanong tanong ka lang dun kung saan ako nakatira. Tss san mo ba ako dadalhin?" tanong ko.
"To my house. Doon ka muna magstay dahil malayo-layo na rin ang nilakbay natin." aniya
"H-huh?! Malayo? Iuwi mo ako! Hinihintay na ako sa bahay. Anong oras na ba?" tanong ko.
"12:58 am" sagot niya at nanlaki ang mga mata ko dahil siguradong bubungangaan ako ni Kuya.
"IUWI MO NAKO! Kuya or Sir or whatever please iuwi mo na ako! Papagalitan ako!" sigaw ko.
"Uhm. Ate or Miss or whatever, napakalayo ng drinive ko para pabalikin mo ako doon. You're staying at my house for this night at bukas na kita iuuwi wherever your location is." aniya.
"Ayoko! I'm not staying in another house. I'm going home at ihatid mo na ako. Now na!"
"Ate. Kung ayaw mo sa bahay ko then don't. Dito ka sa labas magpalipas ng gabi." inirapan niya ako at naglakad na uli.
Pinagmasdan ko ang paligid at puro bahay lang naman ang nandito. Palagay ko isa itong subdivision. Mabuti sana kung may bakante para dito ako magstay, ngunit crowded. Kaya nagdecide ako na sa bahay nalang niya magstay.
"Kuya!" sigaw ko at nakita kong hindi siya tumigil maglakad. Nagjog ako papunta sakanya at hindi naman ako nabigong maabutan siya.
Tulad ng kanina, pumunta ako sa harap niya. "Kuya!"
"What?" Iritado niyang sabi
"S-sasama na ako. Pero kailangan bukas iuwi mo ako." pakli ko
"Sasama ka rin pala e. Ang dami mo pang ek ek diyan. Tss." inirapan niya ulit ako at naglakad na ulit.
Sumabay ako sa paglalakad niya hanggang huminto na siya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang nasa tapat ko.
"Huh dito ka nakatira?" tanong ko.
"Yes" maikli niyang sagot at umawang ang bibig ko sa pagka-amaze sa nakikita ko.
Napakalaki neto at makikita sa isang tinginan na moderno ito. Three-story ang bahay na ito at may garden na pumapalibot sa bahay.
May kung anong card siyang iniscan sa gilid ng gate at biglang nagbukas ito.
"Woah" mulat ang mga mata kong sinabi iyon.
Dirediretso siya sa pinto ng bahay kaya sumunod na ako. Pagtapak ko sa loob ay halos lamunin na ako dahil sa sobrang ganda at laki ng nasa loob.
Modernong moderno ito. Kombinasyon ng white, coffee brown at black ang pintura. Napakalaki ng sala at masasabi kong mas malaki parin ito kahit ipagsama ko ang sala at kitchen ng bahay namin.
Maya-maya pa sinalubong na kami ng dalawang maids.
"You two pakiayos yung guest bedroom sa taas. Pakipalitan na ng bedsheets at punda." utos ni Kuya
"Y-yes Sir" biglang tumalikod ang dalawa at nahuli ko pa silang humahagikgik paakyat ng hagdan.
"Doon ka muna sa living room. Kakain mamaya. Just wait." tumalikod na siya at umakyat.
Nagtungo ako sa living room. Nakita kong naka-on ang tv at palagay ko ay may nanonood. Tokyo Ghoul Season 3 ang show sa tv. Umupo ako doon at nanood upang malibang.
"You also like anime huh." may narinig akong tinig ng babae. Nilingon ko siya.
"I also like that. Well actually favorite ko yan. Tinatapos ko na nga eh." pagpapatuloy niya.
Maganda siya at hanggang baywang ang wavy na brown niyang buhok. Kahit medyo magulo yon ay bagay pa rin sakanya. Singkit ang kanyang mata at mas lalo itong lumiit dahil ngumiti siya. Maputi rin siya. Sa palagay ko, girlfriend ito ng lalaking iyon.
Nakayuko lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya.
"Hey, it's okay. By the way, I am Aubrey Filimon." Ngumiti siya ulit. Inilahad niya ang kamay niya upang makipagshake hands. Inabot ko ito.
"H-hello po." nauutal pa ako
Tumawa siya nang marahan. "And.. you are?"tanong niya.
"B-Bianca Ventura po." yumuko ulit ako at hindi ko talaga gets kung bakit ako kinakabahan.
"Oh dear, don't be afraid. Di ako nangangain" tumawa uli siya nang marahan. "Anyway, feel at home!" at tumigil na siyang kausapin ako at nanoood na rin ng Tokyo Ghoul.
Nilingon ko siya ulit at masasabi kong napakaganda niya talaga.
"Yo! Dinner is ready!" isang tinig ang narinig ko at alam kong si kuya na iyon.
Nilingon ko siya at nagulantang nalang ako sa itsura niya ngayon.
Ang gwapo niya!
BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...