Sa sobrang kaba, agad-agad akong lumabas ng kwarto. Binabagabag ako ng mga sinasabi ni Lola Sikat. Paulit-ulit ang mga salitang binitawan niya kani-kanina lamang.
Pagkaliko ko at nakasalubong ko ulit si Lola Sikat. Tiningnan niya ako nang may ngiti sa kanyang labi. Misteryoso naman ang sinasabi ng kanyang mga mata. Natigilan ako sa hindi malamang dahilan.
Sa mga titig ni Lola, para akong nilalamon ng ilusyon. Parang namamanhid ang mga katawan ko.
Natauhan ako kaya dali-dali akong nag-iwas ng tingin. Patakbo akong bumaba sa first floor.
Unti-unti ko narinig ang ingay sa baba. Nadatnan ko na nagsasayawan pa rin ang mga tao roon. Bigla namang pumunta si Tito Omar sa gitna, dahilan para itigil ang kanta. Nagsi-ayos ang mga tao saka bumalik sa sariling mga upuan.
Nagsimula nang mag-speech si Tito Omar. Nilibot ko ang tingin ko sa mga tao. Maya-maya'y nahagip ng mga mata ko si Matthew.
Hindi ako makapaniwalang nandito siya. Masaya ang mukha niya. Pumapalakpak siya. Maaliwalas ang dating niya at masasabi kong... siya pa rin ang Matthew na nakilala ko.
Natigilan ako nang makita ang babaeng katabi niya...si Shei. Nagsimula silang mag-usap. Matagal ang titigan nila at nagtatawanan sila. Makikitang komportable sila sa isa't isa. Ikinalungkot ko iyon sa hindi malamang dahilan kaya nagpasya akong umalis na ng bahay.
Maya-maya'y nakahanap na ako ng masasakyan.Muli, nilingon ko ang bahay ni Tito Omar. Sa terrace ay nakita ko si Lola Sikat. Nakatingin siya sa akin nang diretso. Sa pagkakataong ito ay nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
Umandar na ang jeep na sasakyan ko. Sinundan ako ng tingin ni Lola Sikat hanggang sa mawala ako sa paningin niya.
6:30 pm
Kasalukuyan akong nag-aaral ngayon. Tambak ako ng projects. Nagtimpla na rin ako ng kape para ganahan ako.
Sinermonan din ako ni Kuya William kanina dahil late ako ng uwi. Pero naintindihan rin naman niya ako dahil birthday din naman iyon ni Tito Omar.
Matapos ang ilang oras, tiniklop ko na ang libro ko. Nakabalandra sa sahig ang iba't ibang mga projects na natapos ko.
"Hay! Salamat! Natapos din" sambit ko saka itinapon ang sarili ko sa kama. Ramdam ko ang pagod.
Pagod sa mga schoolworks, at sa pagsayaw kanina sa bahay ni Tito Omar. Napapikit nalang ako dahil sa dami ng ginawa ko ngayong araw.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako, dala na rin ng pagod.
Maya-maya'y nagising ako nang may kumalabit sa akin.
"Bianca, anak kamusta ka na? Miss ka na namin" ani Daddy
"D-daddy?" pagtataka ko. Maya-maya'y tumulo ang mga luha ko.
"Bianca, hindi ka nag-iisa. Nandito kami para sa'yo. Magtiwala ka lang. Hindi ka namin iiwan." ani Calla na luhaan. Napalingon naman ako sa paligid.
Nakita kong nandito rin ang mga kaibigan ko. Pati na rin ag mga kapatid ko. At... lahat sila ay luhaan.
Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari.
"Gising na Bianca, please." ani William saka bumungisngis.
Lumapit si Julienne sa akin saka bumungisngis. Naguguluhan ako sa pangyayari. Maya-maya pa'y may doctor na pumasok.
"I need to check her up." aniya saka ko napagtantong nasa isang ospital ako. Huh? Bakit? Anong nangyayari?
Nagsilabasan ang mga kasama ko kaya bigla akong nataranta. "T-teka! Huwag kayong umalis! Saan kayo pupunta?"

BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romantik"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...