Naka-white t-shirt siya na loose at mabababakas doon ang hubog ng kanyang pangangatawan. Nakashort naman siya na color black na maikli pa sa tuhod. Nakasabit naman sa kanang balikat niya ang isang puting towel at basa pa ang kanyang buhok na tumatama sa kilay niya.
"You're staring again." aniya at napangisi. Agad-agad naman akong natauhan kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Hey. Let's eat" malamig na sabi ni Aubrey kaya parang nakaramdam ako ng kaunting guilt dahil sa ginawa kong pagtitig sa boyfriend niya.
"Sige po." maikling sagot ko at sumunod na ako sa dining table.
Naghintay ako para tingnan kung magdadasal pa ba pero hindi sila nagdasal kaya taimtim ko nalang na ginawa iyon bago kumain.
"Wow, may pagkabait ka rin palang tinatago?" tanong niya at humalakhak pero walang tumawa sa amin ni Aubrey kaya tumigil na siya.
"Tradisyon naman ng pamilya ko na magdasal bago kumain" pagbasag ko sa katahimikan.
"Di bagay sa'yo-" hindi na natapos ni Kuya ang sinabi niya nang sumingit si Aubrey.
"God. Matt. Why can't you just let her eat?" iritadong sabi niya.
Bumaling naman sa akin si Aubrey. "Pagpasensyahan mo na si Matt. May pagka-bully talaga yan"
Tumango nalang ako at kumain na kami.
"So Bianca, bakit ka nandito? Kaano-ano mo si Matt?" tanong niya. Kasalukuyan akong naghihintay sa loob ng bedroom ko dahil patapos na ring ayusin iyon.
"Na-aksidente kasi ako pero buti nalang sugat lang ang natamo ko. Paggising ko wala na yung kasama ko at sa tingin ko iniwanan nalang niya ako. Paggising ko rin buhat buhat na ako ni Matt." pagpapaliwanag ko.
"Bakit hindi nalang niya i-try to bring you to a hospital or ask someone where you live? Bakit ka pa niya kailangan dalhin dito? Hays Matt talaga."iritadong sabi niya.
Palagay ko dapat hindi ako nandito. Magiging pabigat lang ako at magiging istorbo sa kanila. Lalo lang maiirita sa akin si Aubrey lalo na nagdala ang boyfriend niya ng babae sa bahay niya.
"S-sorry. Aalis din naman ako bukas." yumuko ako.
"No no it's okay. Bahay rin naman ni Matt ito kaya siya nang bahala sa lahat." aniya at ngumiti
"Ma'am okay na po yung kwarto." ani isang katulong
"Oh. Bianca okay na pala. Anyway, sleepwell and goodnight." aniya at ngumiti ulit saka lumabas ng kwarto.
Agad na ako nagtungo sa kama at biglang napahiga. Ramdam na ramdam ko ang pagod. Sumasakit pa ang mga sugat ko pero palagay ko naghihilom na ito.
"Ginamot siguro ako ni Kuya noong wala pa akong malay" sambit ko
Tiningnan ko ang buong paligid. Namangha ako sa laki ng kwarto kahit isang guestroom lang naman ito. May dalawang closet sa gilid. May mga design naman sa kabila. May dalawang sidetable sa magkabilang gilid ng kamang ito at may isang lamp sa kanan ko.
May malaking window sa left ko. Centralized naman ang aircon kaya namangha na talaga ako nang sobra.Bigla kong naalala sina Kuya William. Siguradong nag-aalala na 'yon sa akin dahil wala ako sa bahay. Si Calla naman kasi! Bakit niya ako iniwan doon? Anong pumasok sa kukote niya? Hindi ko gets pero nakakainis siya.
Kinapa ko ang cellphone para subukang i-text si Kuya William pero laking gulat ko nang wala ito sa lahat ng pockets ng pants ko.
Really. Iyon ata ang pinakamahalagang bagay sa buhay ko, yun pa ang nawala.
Makikitawag nalang ba ako? Pero hindi ko memorize ang number ni Kuya William.
Ilang minuto pa ako nag-isip at maya-maya naalala ko na memorize ko pala ang number ni Julienne.
"Tatawag nalang ako kung may telepono man sila dyan." sabi ko at dahan dahang binuksan ang pinto.
Sa laki ng bahay naligaw ako. Sinubukan kong bumalik nalang sa kwarto ko pero mas lalo lang akong naligaw. Umatras ako dahil sa dami ng rooms dito, nilalamon na ako.
"Are you lost?"
Isang tinig ang narinig ko sa aking likod at sigurado akong si Kuya nga yon.
Nilingon ko siya."Oo. Napakalaki kasi ng bahay mo."
"Gabi na. Are you taking a trip in my house or what?" tumawa siya nang marahan at ngayon ko lang napansin ang dimples niya.
Sandali akong napatunganga sa dimples niya pero natauhan na ako ulit dahil baka sabihin na naman niya ang You stare too much na kinakainisan ko.
"No. Uhm, bababa kasi sana ako para maghanap ng telephone. Meron ba kayo?"tanong ko
"Oo pero nasa office ko iyon. At mahaba pa ang lalakarin mo. You can just use my phone." aniya at sumilay ang pag-asa kong makahanap ng tulong.
"Come on." Tumalikod siya at ilang hakbang lang ay nakarating na kami sa kwarto niya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na mas malaki pa ito kaysa sa guest bedroom na tinutuluyan ko.
"K-kuya. Napakalaki ng bahay niyo pero kayo lang ng girlfriend mo ang nakatira dito? Isama mo na yung mga maids mo." tanong ko.
"Girlfriend? Sino? Si Aubrey?" bigla siyang humalakhak sa di ko malaman na dahilan kaya napakunot ang noo ko.
"Aubrey is my half sister." dagdag niya
Muntik na ako mabilaukan sa sarili kong laway nang marinig 'yon.
"Half? Sister? Bakit magkaiba ang mga surname niyo?" pagtataka ko
"Kaya nga half diba. Aubrey and I have different fathers." sambit niya at bahagyang napayuko animo'y nalulungkot.
"Uhm. Bakit? Ano nangyari? P-paano-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang nagsalita na siya.
"My dad died dahil inatake siya sa puso nang malaman na may kabit si Mama. Noong namatay si Daddy napag-alaman namin na 1 month nang buntis si Mama kaya nang ilibing si Papa, nagpakasal na agad si Mama sa tatay ni Aubrey." paliwanag niya
Natulala ako dahil masaklap din pala ang nangyari sa pamilya niya. Naisip ko nalang ang sitwasyon ko. Mayroon din pala sa mundo na mas malala pa sa sitwasyon ko at malas ang buhay pero, ang similarities naming lahat ay kailangan namin magpakatatag.
We need to prove not only to the other people, but to ourselves too, na kahit pangit ang karanasan namin, ay gagawin namin itong isang aral na mas magpapalakas at magpapatibay sa amin.
"Here use it" nilahad niya sa akin ang phone niya.
Kinuha ko iyon.
"Ehh nasaan ang Mama mo?" hindi ko na mapigilang magtanong.
"Matagal nang hindi umuuwi si Mama at matagal na rin namin siyang hindi nakakausap. She left us noong first year highschool palang ako at elementary palang si Aubrey. Busy siya sa trabaho niya sa States kaya nakalimutan na niya kami ni Aubrey." natulala pa siya at umiling.
At sa kauna-unahang pagkakataon. Nakita ko ang isang nangingilid na luha sa kanyang mga mata ngunit may nakasilay pa rin na ngiti. Pinunasan niya ang kanyang luha at tumalikod.
Papatawag ko na si Yaya para ihatid ka na sa room niya. Maya-maya pa'y may kumatok at sinensyasan niya ako na nandyan na ang maid.
Lumabas na ako at sinundan ang maid pero nanatili sa isip ko ang malungkot na mukha ni Kuya.
May mga tao na kahit gaano pa sila ka-pilyo, kasaya, at mukhang mga loko-loko, hindi pa rin nila maitatago ang totoong pagkatao sa loob nila. Ang totoong pagkatao na naglalaman ng mapait na nakaraan kaya ibinaon nalang ito sa limot at nagsilbi upang palakasin at patibayin ang katauhan nito.
Gusto kong malaman mo na hindi ka nag-iisa, Matthew.

BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...