Chapter XXVI

7 0 0
                                    

Someone's POV

*beep* *beep*

(Distorted noise)

*beep* *beep*

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Pumupungay pa ang mga mata ko at malabo pa ang nakikita ko. Maya-maya pa'y naramdaman kong may nakahawak sa kaliwang kamay ko. Isang lalaking natutulog.

Unti-unti siyang gumalaw. Bumangon at humarap sa akin. Malabo pa ang nakikita ko pero nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Napatayo kaagad siya. May sinabi pa siyang mga salita ngunit hindi ko na maintindihang mabuti dahil pakiramdam ko ay inaantok ako. Doon dumilim ulit ang paningin ko.

*beep* *beep*

*beep* *beep*

Naalimpungatan ako. Hindi ko pa naididilat ang mga mata ko pero nakakarinig na ako ng ingay. Maraming tao sa paligid ko.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Sa pagkakataong ito... hindi na malabo ang paningin ko.

Unang tumambad sa akin ay ang isang nurse na may hawak na gray na tray. Nang makita niyang mulat na ang aking mata, agad siyang lumapit sa akin saka may chineck sa health monitor ko. Saka siya lumabas at tinawag ang isa pang nars para i-check up ako. Nagmasid ako sa kapaligiran ko at saka ko napagtantong nasa ospital ako.

Makalipas ang ilang minuto, mayroon silang tinawag na pumasok sa room ko. Narinig ko pa ang ilang mga salita tulad ng "She's awake?" at "Since when?" bago tuluyang pumasok ang isang familiar na mukha.

"Bianca, anak?"

"D-dad?"

"Anak, kamusta ang pakiramdam mo?"

Tinignan ko ang tatay ko nang may halong pagkalito. Sinubukan kong huminga nang malalim upang makapag-isip kung bakit at paano ako napunta sa lugar na ito. Isang mukha ang biglang lumitaw sa isip ko.

Where is he? Where is he right now? Nasa kabilang room ba siya? Anong nangyari sa akin? Parehas kaming may tama ng baril. Sigurado akong naririto lang siya sa hospital na ito.

"D-dad, nasaan si... si... Dad he's badly hurt. I need to get to him."

"Sino, anak?"

Natigilan ako nang mapagtantong hindi ko maalala ang pangalan niya. Sinubukan kong ilarawan kung anong itsura niya Tuluyang nag-init ng gilid ng mga mata ko sabay ng pagtulo ng mga luha.

"Dad he's..he's" Sa kakasubok kong alalahanin ang kanyang pangalan, isang napakasakit na tila'y nanunusok na pakiramdam ang naramdaman ng ulo ko. Nahirapan akong huminga. Saka ako tinurukan ng kung anong pampakalma. Maya-maya'y naramdamdaman ko na lamang ang biglang pagkaantok at pagpikit ng mga mata ko.

—-
"Anak?.. Anak, Bianca"

Iminulat ko ang mga mata ko. Hawak ni Dad ang kamay ko habang lumuluha. Bumaling siya sa mga nurse at narinig kong tinanong niya kung sino ang tinutukoy kong lalaki.

Sinubukan kong bumangon ngunit nilapitan kaagad ako ng mga nurse at sinabihang magpahinga muna.

Sinubukan kong alalahanin ang mga huling sandali namin... ng lalaking iyon. Isang sakit ang naramdaman ng aking puso sa mga natitirang ala-ala na biglang nagsilitaw sa aking isip.

"Bianca, anak. Could you tell us everything you remember? About that man.."

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Dad at ang dobleng pag-alala nang bumaling siya sa mga nurse.
Nagsimula akong magsalita kaya napatingin sa akin si Dad at ang mga nurse.

"He was always with me whenever I needed him...," sinabi ko ang lahat ng mga ala-ala ko sa lalaking iyon.

"Anak, how did you say you meet him?"

Hallucinate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon