Chapter XXV

2 0 0
                                    

Naramdaman ko ang isang mainit na bagay sa likod ko.  Namalayan ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig.

"BIANCA!"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Matthew na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.

Napako rin ang tingin ko kay Kuya Anton. Hawak niya ang leeg ni Matthew sa kaliwang kamay. Sa kanang kamay niya ay hawak niya ang baril at nananatili itong nakatutok sa akin.

Binaba na niya iyon saka nagsalita.

"May balak ka bang tumakas, prinsesa?"

Isang ngisi ang sumilay sa kanyang labi. Binitawan na niya si Matthew at pinilit nitong gumapang palapit sa akin kahit bugbog ang kanyang katawan.

Nananatili lang akong nakatingin sa kanila dahil hindi ko na rin makayanan ang sakit ng tama ng baril sa likod ko. Pinilit kong huminga.

Nang makalapit na sa akin si Matthew, biglang humalakhak si Kuya Anton. Lumapit silang dalawa ni Kuya sa aming dalawa ni Matthew. Lumuhod sila.

"Nakalimutan naming sabihin na nawalan na rin kami ng pake sa mundo nang mawala si Kuya Tim. Pasensya ka na." Nakangiti ito.

"Mamamatay ka na rin naman kaya inagahan ko nalang. Kaysa isumbong mo pa kami sa pulis. Ayaw namin mabuhay sa kulungan." Ani Kuya Anton.

"Gagawin ko nang mabilisan ito dahil anong oras, mamamatay ka na rin naman prinsesa."

Biglang nagring ang cellphone ni Kuya
"Anton, may utos si Boss." aniya dahilan para tumayo silang dalawa.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Matthew.

"Paano ba 'yan? Maiwan na namin kayo. Bukas na namin liligpitin ang bangkay mo prinsesa." Kumindat ito at humalakhak.

Bago pa sila makalabas, nanlaki ang mata ko nang itutok niya muli ang kanyang baril sa akin.

Humarang sa akin si Matthew.

"Huwag!" Pinilit kong magsalita ngunit nakarinig na ako agad ng pagputok ng baril.

Nakahandusay ngayon ang katawan ni Matthew na nananatili pa ring nakayakap sa akin.

Maya-maya'y narinig ko ang pagsara ng pinto at ang pagkandado nito. Sabay noon ang mga halakhak na umaalingawngaw sa paligid.

Alam kong kaunting oras na lamang ang natitira para sa aming dalawa ngunit gusto ko nang yakapin ang oras na ito.

Sinubukan ko siyang iangat ngunit hinigpitan lamang niya ang yakap sa akin.

Nahihirapan ako. Masakit sa kalooban. Tila napakabilis ng panahong lumipas.

Unti-unti na akong nahihirapang huminga. Parang may dumadaloy na mainit na bagay sa katawan ko. Napakahapdi nito sa pakiramdam.

Namimilipit ako sa sakit. Ngunit tila mas nangingibabaw ang sakit na dinudulot ng lalaking yakapyakap ko.

"P-patawad kung hindi kita n-naipagtanggol"

Napapikit ako sa tuluyang pagdurog ng puso ko.

"Shh." Pinatahimik ko siya saka mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap ko sakanya.

"B-Bianca, I l-love you. I'll always will."

Pagkasabi niya noon ay tuluyan nang bumitaw ang mga kamay niyang kanina'y yumayakap sa akin.

Naramdaman ko ang huling patak ng luha niya sa balikat ko.

Dahan-dahan ko nang ipinikit ang mga mata ko.

[Third Person POV]

Nakahandusay ang walang buhay at magkalapit na katawan nina Bianca at Matthew. Sa huling sandali, sila ay magkasama. Sa huling sandali, nasabi ni Matthew ang nararamdaman niya para kay Bianca. Sa maikling panahon, nagsimula ang kwento ng dalawa. Ngunit sa madilim na silid na iyon... natuldukan rin ang buhay ng dalawang taong walang ibang ginawa kung hindi ang magmahal sa maling panahon at pagkakataon.

-----------------------------------

Naalimpungatan ako. Minulat ko ang mga mata ko. Wala akong nakikita kung hindi dilim. Sumagi sa isipan ko ang mga nangyari sa akin at naalala ko agad si Matthew. Nasaan siya?

Maya-maya pa'y may nakita akong isang liwanag sa di kalayuan. Tumayo ako. Naglakad lang ako nang naglakad palapit sa liwanag na iyon.

Habang palapit ako nang palapit sa liwanag na iyon ay animo'y palayo iyon nang palayo sa akin. Kumunot ang noo ko ngunit patuloy lang akong naglakad.

Nang nakumpirma kong hindi ko maabot abot ang liwanag na iyon ay tuluyan na akong tumakbo. May mga luha ring lumandas sa mga mata ko sa hindi malamang dahilan.

Sa hindi ring malamang dahilan ay huminto ako. Pinunasan ko ang mga luha ko. Tinanaw ko ulit ang liwanag.

Akmang maglalakad na sana ulit ako ngunit may narinig akong nagsalita sa likuran ko.

"Ganyan." ani ng boses sa likuran ko. Dahan-dahan akong tumalikod para makilala kung sino ang nagsalita.

"Ganyan ang buhay mo ngayon. Habol ka nang habol sa isang bagay na alam mong hindi mo kailanmang makakamtan."

Patuloy ako sa pagtanaw sa kung sino ang nagsasalita, ngunit hindi ko siya makita.

"Sino ka? Magpakita ka." sabi ko.

"Mula sa dilim babangon ka para lamang sundin ang liwanag nang hindi nalalaman kung ligtas ka ba kung sakaling makarating ka roon. Binalaan na kita ija."

Napahinto ako sa paghahanap kung sino ang nagsasalita. Nagpasya akong makinig na lamang sa sinasabi niya.

"Maraming nahuhulog sa bitag ng maling akala. Kaya kung ayaw mong mapasama roon, habang maaga pa, iwasan mo na siya. Naalala mo ba ang mga salitang iyan, ija?"

Habang tumatagal ay nakikilala ko na kung sino ang kausap ko.

Ang matandang babae.





》》》》》》》》》》》》》》》

Author's Note:

Matagal-tagal bago ko ma- publish itong chapter ah. Sorry mga sis&bros!!

Maikli lang 'tong chapter right? Ayoko na kasing madevastate pa kayo lalo. Kaya ano pang hinihintay niyo? Proceed na sa last chapter ng Hallucinate!! 🙂🙂

Hallucinate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon