Bumagsak sa harap ko si Kuya William. Gumuho ang mundo ko nang makita siyang nakahandusay sa sahig...
na walang malay.
Bumagal ang pagtakbo ng oras. Narinig ko ang tibok ng aking puso. Animo'y huminto rin ang paghinga ko.
"H-HINDI! HINDI MAAARI!" parang sinasaksak ang puso ko sa matinding sakit na nararamdaman ko ngayon habang tinitingnan ang katawan ni Kuya William na wala nang buhay.
Humiyaw ako nang napakalakas. Hindi ko matanggap ang pangyayari. Nanginginig ang katawan ko. Pinilit kong magpumiglas ngunit mahigpit ang pagkakatali sa akin.
"Pakawalan niyo ako! Mga walang kwenta!"
Nagsimula nang magdilim ang paningin ko. Maya-maya pa'y narinig kong inutusan ng unang lalaki ang pangalawang lalaki na ligpitin na ang katawan ni Kuya William.
"Ligpitin?! Ano si Kuya? Hayop? Kayo ang hayop at ang mga katulad niyo ang dapat mamatay!" tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko sa walang hustisyang pagpatay nila kay Kuya.
Dahan-dahang lumapit sa akin ang unang lalaki saka lumuhod.
"So.. kamusta ang pakiramdam na mamatayan ng kapatid?" lumingon siya sa akin saka ngumisi. Hinawakan niya ang ulo ko at maya-maya'y sinabunutan niya na ako.
"Huwag mo siyang sasaktan!" hiyaw ni Matthew at napalingon naman ako sa kanya habang humihikbi.
Binitawan ako ng unang lalaking iyon saka lumapit kay Matthew.
"Isa ka pa! Oh! And by the way, alam mo ba kung nasaan ang kapatid mo ngayon?" ani lalaking iyon at ngumiti nang nakakaloko.
"Huwag mo sasaktan si Aubrey! Walang ginagawang masama sa'yo ang kapatid ko!" ani Matthew dahilan para maalerto ako.
"Ano bang kasalanan namin sa'yo! Isa kang walang kwentang nilalang! Pumapatay ka nang walang dahilan!" hiyaw ko dahilan para mapalingon ang lalaking iyon sa gawi ko.
"Bakit naman ako papatay kung walang dahilan?" Tanong ng lalakiing iyon saka nagseryoso ang mukha niya.
Maya-maya pa'y hinigit niya ang kwelyo ng damit ni Matthew.
"Bakit hindi mo sabihin sa prinsesa natin ang buong katotohanan?" lumaki ang mata ng lalaking iyon saka humalakhak.
Lumingon sa akin si Matthew at napayuko. Kailangan ko nang malinawan. Mas lalong gumulo ang isip ko. Galit, poot at hinanakit ang mga emosyon ko ngayon at wala na akong gana upang magmakaawa pa sa katotohanan.
"O.. baka gusto mo ako nalang ang magsabi ng buong katotohanan. Kung bakit ka nandito at kung bakit tayo magkakilala?" ngumisi ang lalaki saka binitawan ang kwelyo ni Matthew.
Pinalagutok niya ang kanyang leeg saka pumunta sa harap namin ni Matthew. Hinila niya ang isang upuan saka umupo doon.
"Gaya ng ipinangako ko, pagpunta ng Kuya mo dito, malalaman mo na ang katotohanan." sabi ng lalaking iyon saka pinagkrus ang kamay.
Wala akong ibang emosyon ngayon kung hindi galit. Tinalasan ko ng tingin ang lalaking iyon. Ang pagngiti ng mamamatay taong iyon ang nagpapakulo ng dugo ko.
Sa gilid ng mata ko ay nakita kong lumingon ulit sa akin si Matthew ngunit yumuko ito kaagad.
Sa mga oras na ito, hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan. Ang mahalaga ay malaman ko ang katotohanan. Saka ko ipaghihiganti si Kuya William.
Pangako, Kuya, ipaghihiganti kita, isinusumpa ko iyan.
Napakalalim ng iniisip ko ngunit naputol ito nang magsalita na ang lalaking iyon.
"Simulan na natin ang kwento. Handa na ba ang prinsesa?" Lumingon siya sa akin ngunit hindi ako sumagot. Lumipat ang tingin niya kay Matthew.
"Hmm, sa tingin ko naman ay handang-handa na dito ang prinsipe. Matagal na niyang pinaghahandaan ang oras na ito." sambit ng lalaking iyon saka napahalakhak. Nanatili lamang na nakayuko si Matthew. Batid kong may kinalaman na siya dito.
Umubo ang lalaki saka nagsimulang magsalita.
"Oh huwag kayo mag-alala. Hindi ko gagawing mahaba ang aking kwento. Mabilis at exciting ito kaya makinig kayo nang mabuti, lalo ka na Prinsesa Bianca." Tumawa ang lalaking iyon saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Noong unang panahon may isang king. Syempre may queen. Ang king na iyon ay nagkaroon ng isang anak na lalaki. Pangalanan natin siyang Matthew." napahinto siya at napatingin kay Matthew na nakayuko pa rin hanggang ngayon. Napangisi siya.
"Ngunit kalaunan ay nalaman ng queen na may unang pamilya pala ang king. Pangalawang asawa lang pala ng king na iyon ang nanay ni Prince Matthew, kaya iniwan siya ng queen. Nakahanap ng bagong king si queen at ang naging anak nila ay si Aubrey.
Syempre yung king na tatay ni Matthew ay tinanggal sa trono. Pagkatapos matanggal sa trono ang king, pinuntahan niya ang kanyang unang pamilya. Doon sa unang pamilya niya, ay nagkaroon siya ng apat na anak na lalaki. Si Tim, Anton, Eduard, at si.. William" Napatigil siya at lumingon sa akin.
"Kuya William?" sambit ko at napangisi ang lalaking iyon saka nagpatuloy sa kanyang kwento.
"Oh by the way, ang pangalan ko ay Eduard. So bale, kami nina Tim, Anton at William ang magkakapatid na anak ng king."
Unti-unti kong naintindihan ang kwento. Nagsimula akong makaramdam ng takot. Ngunit, h-hindi ito pwede.
"So, nang ipinanganak ang bunsong si William, wherein kakapanganak palang ni William, napag-alaman ng nanay namin... na may kabit ang king. Nagalit nang husto ang nanay namin kaya pinalayas niya si king. Pero, itinakas ni king si William. Saka siya nakipagtanan sa nanay mo Bianca." Napalingon ulit sa akin ang lalaking iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa nais niyang iparating.
"Nakipagtanan ang king sa nanay mo na si Felicidad Cruz." dagdag niya dahilan upang saksakin ang puso ko sa sakit nang marinig ang pangalan ni Mommy.
Biglang bumuhos ang luha ko nang maintindihan ang kwento. Bigla akong napahawak sa dibdib ko at hindi ako makahinga nang maayos.
"At nagkaanak si king doon kay Felicidad Ventura ng dalawang anak. Which is si Bianca at Dylan Ventura." Ngumiti ang lalaking iyon saka tinitigan ako.
Nanginginig ang panga ko at hindi maawat ang pagluha o sa mga bagay na naririnig ko.
"In short, ang king na iyon ay si Adam Ventura. Walang iba kundi ang tatay mo, Bianca na tatay ko at tatay rin ng lalaking iniibig mo-"
"T-tama na! H-hindi totoo yan! Sinungaling ka! Bakit ako magtitiwala sa isang mamamatay taong katulad mo?!" hiyaw ko at hirap na hirap na ako sa paghinga.
"Hindi ka naniniwala? Bakit hindi mo tanungin ang lalaking iniibig mo.. or should I say... half-brother mo?" aniya at humalakhak.
Lumingon ako kay Matthew na nakayuko.
"Matthew. T-totoo ba ang pinagsasabi ng lalaking yan?" sabi ko at nakita kong namumula na rin ang mata ni Matthew sa kakaiyak.
Dahan-dahang lumingon sa akin si Matthew.
Namanhid na lamang ang katawan ko nang dahan-dahang tumango si Matthew.
"T-totoo?" sabi ko saka nag-iwas ng tingn. Natahimik ang buong paligid.
"M-magkakapatid pala tayong tatlo?" Sunod-sunod ang pagbuhos ng luha ko.
Ngunit walang sumagot sa kanilang dalawa. Nasisiraan na ako ng ulo.
"Ahh! K-kaya pala Matthew! K-kaya pala sinabi mo na ipinagbabawal ang mahalin kita. K-kasi kapatid kita!" sabi ko ngunit maya-maya'y bumagsak ang mata ko at tuluyan na akong tumangis. Ramdam ko ang pighati. Animo'y sinalo ko na lahat ng kamalasan. Napayuko ako at tahimik na umiyak.
Hindi ko na kaya. Masyadong mabigat lahat ng sakit na binuhat ko. Bukod sa pagkamatay ni Kuya William, malalaman ko pa.. na pangatlong pamilya lang kami ni Daddy at isa pa....
ay ang katotohanan na ang lalaking iniibig ko...
ay kapatid at kadugo ko.
》》》》》》》》》》》》
Music for this chapter: Kundiman by Silent Sanctuary🎵💕

BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...