Madaling araw na at gising na rin kami ni Matthew. Kanina pa niya pinipihit ang pinto. Pilit niyang binubuksan iyon dahil nagbabakasakali kaming makalabas, ngunit sadyang matibay iyon.
"Ano nang plano?" tanong ko.
Huminga muna siya nang malalim saka nagsalita. "Hindi ko alam. Basta kailangan nitong mabuksan." aniya saka paulit-ulit na tinatadyakan ang pinto.
"Huwag ka masyadong maingay, baka marinig nila tayo" sabi ko at tumigil naman siya. Lumapit siya sa akin.
"Kailangan natin ng plano." aniya.
Sandali naman akong tumahimik at nag-isip nang nag-isip kung paano makakalabas, hanggang sa isang paraan ang pumasok sa isip ko.
"Maya-maya, pagsikat ng araw, alam kong hahatiran nila tayo ng pagkain. Iyon na mismo ang oras kung kailan tayo pwede makatakas."
Sandali kaming nag-isip ng paraan. Kailangan naming magtagumpay dito. Kailangang maisakatuparan lahat ng mga plano. Lumingon ako sa paligid kung anong maaaring gamitin upang makatakas.
"Pagpasok nila dito. Kailangang may gulong mangyari upang makalabas tayo nang mas madali." sabi ko at tumango naman siya.
Isang oras ang nakalipas at nakaupo lang kami ni Matt sa sahig. Magkatabi. Parehong nakayuko.
Hinihintay namin ang pagkakataong makalabas. Palagay ko ay sumikat na rin ang araw. Hindi ko sigurado ang eksaktong oras dahil wala namang bintana dito para makita kung may araw na ba o wala.
"Kahit anong mangyari mamaya, diretso ka lang lumabas. Isipin mo ang sarili mo. Ang kaligtasan mo. Kung mapahamak man ako, huwag mo na akong tulungan dahil kaya ko ang sarili ko." ani Matthew at napakunot naman ang noo ko.
"Huwag mo sabihin yan. Makakalabas tayo dito. At kahit anong mangyari, walang iwanan." sabi ko habang tinititigan sia nang seryoso.
"No. You need to escape. Kailangan mong maghanap ng hustisya para sa Kuya mo."
"At hindi ko mahahanap ang hustisyang iyan kung hindi kita kasama. Mahalaga ka, Matthew." sagot ko dahilan para matigilan siya.
Napaiwas siya ng tingin. Maya-maya'y nagsalita siya ulit.
"Bianca, salamat."
"Dahil sinabi kong mahalaga ka?"
"No. Salamat sa pagtupad ng pangako mo." aniya para biglang kumirot ang puso ko.
Sandaling naghari ang katahimikan ngunit nagsalita ulit si Matthew.
"Alam mo, maybe this life is not the story of you and me. So, I pray that in our next lives, we would finally be together. We would finally be free. No worries, just the happy story of you and me."
Pagkabanggit niya niyon ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Buong gabi ko nang pinipigilan ang sarili ko na umiyak, dahil ayaw kong makita niyang nasasaktan ako. Gusto kong ipakita sakanya na handa akong tanggapin ang mga pangyayari. Pero sadyang taksil ang damdaming ito.
Namalayan ko nalang ang kamay niya sa pisngi ko. Napalingon ako at nakita kong umiiyak din siya. Pinunasan ko iyon saka nagsalita.
"And I hope that in that story of you and me, there would be no obstacles between our paths. I hope that I'll be the one for you and you'll be the one for me. I hope that we would have a compatible love story... I sincerely hope that, Matthew."
"Hindi ko pagsisisihan na minahal kita. Tandaan mo iyan ha?" ani Matthew.
"Ako rin. Sa kaunting panahon na nakasama kita, pinasaya mo ako nang lubusan."
BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...