Nanatili akong nakatitig sakanya. Naghalo-halo ang mga emosyon ko.
Pagkasaya...pagkalungkot...pagkabigla...pagkalito...
Parang may dumadaloy na kuryente sa buong katawan ko.
Parang awtomatiko naman na sumilay ang isang ngiti mula sa aking labi. Natagpuan ko na rin ang taong matagal ko nang hinihintay na makita.
Maya-maya pa'y may tumapik kay Matthew sa kanyang balikat. Nilingon ko ito at napag-alaman kong may kasama siyang..babae.
Dahil doon napaiwas siya ng tingin sa akin. Nagtaas siya ng kilay sa babae at nginitian ito. Pagkatapos noon ay hindi na siya muling lumingon sa akin. Bumalik na ako sa kinauupuan ko.
"Tagal mo naman. Nauna ka pa sa'kin maka-receive diba?" ani Sophia at tumangi nalang ako.
Habang nagmimisa, napapalingon ako kay Matthew. Dalawang pahabang upuan lang naman ang layo niya sa akin kaya natatanaw ko siya. Tahimik siyang nakikinig at minsan ay kinakausap ang babaeng katabi niya.
Girlfriend niya kaya yon? I don't know. Sobrang na-cucurious ako even if it does not have anything to do with me.
Natapos na ang misa. Nagsisilabasan na ang mga tao at nagpaalam na'rin ako sa mga kaklase ko.
"Mauna na ako mga bessy ha!"ani Calla.
"Ako din. May pupuntahan pa kami eh."ani Julienne.
"Bianca gusto mo ihatid na kita?" ani Johan at nagsimula nanamang manukso ang mga barkada ko.
"S-sige ba. Para makatipid na ako sa pamasahe." sabi ko at nang-asar ulit ang mga barkada ko. Pagkatapos non ay nagsialisan na rin sila.
"Wait lang Bianca ha. Dito ka lang at kukunin ko lang yung motor ko." ani Johan at tumango ako.
Nagmasid ako sa mga tindahan sa labas. May mga nagtitinda ng popcorn at cotton candy. May mga bubbles rin na nagkalat dahil sa mga bata.
Maya-maya natanaw ko si Matthew palabas ng simbahan.
Napalingon ito sa akin kaya nagkaroon kami ng eye-to-eye contact. Gustong gusto ko siyang malapitan.
Nagsimula akong humakbang papunta sakanya habang nananatili pa'rin siyang nakatingin sa akin.
Makakalapit na sana ako nang makita ko ang babaeng kasama niya kanina na tumakbo papunta sakanya at inabutan siya ng cotton candy. Nginitian ito ni Matthew dahilan kaya napaiwas na siya ng tingin at naglakad na papalayo.
Sa huling beses ay nakita ko pa siyang lumingon ulit sa akin ngunit nag-iwas na agad at nagpatuloy na sa paglalakad.
Naiwan akong nakatayo doon habang pinagmamasdan silang dalawang unti-unting naglalaho sa aking paningin.
"Bianca! Tara na" lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Johan na nakasakay sa kanyang motor. Agad naman akong pumunta doon at umangkas.
"Mabuti nalang nagsimba ka din. Napakaganda talaga ng church na yon noh?" ani Johan pero nakatulala lang ako.
"Huy! Ano ba may kausap ba ako o wala?" humiyaw si Johan kaya natauhan na ako.
"Ah a-ano? Pakiulit haha"
"Wala... Sabi ko ang panget mo." aniya at humalakhak pero hindi ko nagawang makitawa.
"Tss"
"Ang tahimik mo naman ngayon. May problema ba? Hindi ka ba nagandahan sa church?"tanong niya.
"Nagandahan naman. Actually maganda nga talaga. W-wala akong problema noh. Pagod lang siguro." sabi ko
"Basta kung may problema ka. Just approach me ha. Hindi mo kailangan solohin. Andito ako para makinig." aniya.
BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...