Dalawang linggo na ang nakalipas. Nailibing na'rin si Mommy last week pa at pinaghahanap na'rin ng pulis si Daddy dahil na-investigate na ang katawan ni Mommy na nabaril.
Kasalukuyan kaming tumitira kina Tita Maryel na kapatid ni Mommy dahil nag-suggest siya na siya muna ang magbabantay sa amin. Mayaman rin yon dahil isang boss ng company ang kanyang asawa.
Dalawang linggo na rin ang nakalipas nang huli kong makita si Matthew. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapakita na labis na ikinalulungkot ko.
Araw-araw na rin akong nagdadasal na bumalik siya pero wala talaga kaya naisip kong baka wala na talaga siyang balak bumalik.
Kasalukuyan akong nasa salon ngayon kasama sina Julienne at Johan. Saturday ngayon kaya walang pasok. Nagkita-kita kami dito sa mall.
Nagpapa-pedicure si Julienne kanina kaya sumama na'rin ako. Si Johan naman ay nandoon, nagpapagupit.
"Ma'am pili na po kayo ng nailpolish" ani nung nagpepedicure sa akin.
"Etong black ate." inabot ko na sakanya yon.
"Wow black mamshie nagluluksa ka ba?" Biglang nilapit ni Julienne ang mukha niya sa akin at ngumisi kaya binatukan ko ito.
"Napaka-weird mo!"
"Ma'am sorry po baka po masugatan kayo huwag po muna kayong magulo." ani nung nagpepedicure kay Julienne kaya nagsorry ito. Napa-facepalm nalang ako.
"Sus namimiss mo ata yong Matthew eh. Kwento nang kwento sakin si Calla yiee!" humalakhak siya.
Kumirot na naman ang puso ko dahil sa pagbanggit niya kay Matthew.
Maya-maya pa'y namataan kong umupo si Johan sa sofa sa tapat namin ni Julienne. Tapos na pala siya magpagupit.
"Woah ang aliwalas mong tingnan ah. Dagdag points ba yan kay Bianca? Hahaha!" Nagloloko nanaman si Julienne.
Lagi nalang inaasar si Johan sa akin pero alam kong biro lang naman yon. Si Calla kasi pasimuno ng lahat.
Nainis na ako sakanya dahil kanina pa siya nag-iingay. "Nako! Tigilan mo nanga yang kalokohan mo!"
Inirapan ko nalang siya. Tinukso niya pa ako nang tinukso pero hindi ko na siya pinansin. Mukhang naubos na'rin ang pasensya ni Johan kaya lumipat na siya ng sofa.
5:00 pm
Naisipan namin na dumalaw sa bahay namin (hindi yung kay Tita Maryel) dahil 2 weeks na'rin kami hindi naglinis dito. Pero tapos na'rin kami maglinis."Hayst! Ang cutecute mo talaga! Bakit kaya hindi ka nagmana sa ate mo? Ampon lang siguro si Ate Bianca noh?"
Kanina pa kinukurot ni Calla si Dylan. Bigla namang itong tumakbo paakyat dahil parang nasobrahan na sa pangungurot etong si Calla.
"Nako! Pulang pula na si Dylan. Tigilan mo na nga yan upakan kita eh" sinaway ko si Calla.
"Kasalanan ko bang cute yang si Dylan?"
"Ako ba tinutukoy mo?" Hindi namin namalayan na bumaba na pala si Kuya William. Bihis ito at mukhang nag-ayos dahil alam niyang pupunta si Calla dito sa bahay.
"Nandito ka pala, nais mo bang makita ako? Ikaw talaga, Calla. Calla ko di ako sumasagi diyan sa isip mo." ani Kuya na ikinahiya ni Calla kaya lumingon siya sa akin.
Napangiwi naman ako nang masaksihan ko ang ka-cornyhan ni Kuya William. Umamin na siya sa akin na nanliligaw siya pero hindi pa'rin siya sinasagot ni Calla.
"Anak ng... Huwag ka nga manglandi sa harap ko Kuya. Nakakasuka!" hiyaw ko at napadabog nalang saka tumayo para umakyat.
"H-hoy Bianca saan ka pupunta?" ani Calla pero hindi ko na siya pinansin at patuloy nang umakyat. Gusto kong iwanan sila don para hindi na ako makasaksi sa mga landiang nagaganap.

BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romansa"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...