Nakakulong pa rin ako dito sa madilim na kwarto kasama si Matthew.
Hindi pa rin kami pinakakawalan ng dalawang taong iyon dahil alam nilang ipapakulong namin sila sa oras na makalabas kami dito. Ngayon, wala na akong plano upang makatakas dahil sobrang nanghihina na ang katawan ko sa mga nangyari kanina lang.
Sabay-sabay lahat ng trahedya sa buhay ko. Sabay-sabay ang sakit. Isa ba talagang malas ang buhay ko? Kung ganoon, sana hindi nalang ako nabuhay.
Sumasagi sa isip ko ang katotohanan... na kung makakalabas man ako dito, ay hindi na rin naman makakabalik si Kuya William.
Paano na kami ni Dylan? Sa murang edad ni Dylan, nawalan na siya ng mga mahal sa buhay. Una si Mommy, sunod si Daddy na mukhang wala nang balak umuwi, at ngayon naman...
si Kuya William.
Gulat pa rin ako sa mga ibinunyag kani-kanina lamang. Mula sa dalawang naunang pamilya ni Daddy, hanggang sa makilala ko ang mga kapatid ko sa tatay.
Tinanggal na ng dalawang lalaki ang mga nakatali sa akin kaya malaya na akong nakakagalaw. Pero kahit gano'n, nakaupo lamang ako at nakayuko sa madilim na sulok ng kwartong ito.
Habang si Matthew naman, ay nasa kabilang sulok. Hindi ko siya kayang kausapin. Masyadong mabigat sa damdamin.
Saka sunod-sunod na pumasok sa isipan ko ang mga nangyari kanina.
Ngayon naintindihan ko na. Naintindihan ko na kung bakit bawal ang ibigin siya. Sa mundong akala ko ay walang imposible, ang lalaking gusto kong mapasa'kin... ay imposible.
Sa ngayon, iniisip kong.. puno nga siguro ng kamalasan ang buhay ko. Laging lumalayo at nawawala ang mga mahal ko sa buhay.
Si Dylan at ang mga kaibigan ko nalang ang karamay ko ngayon. Habang si Matthew...
H-hindi ko na alam.
"Kung hindi man tayo hanggang dulo
Huwag mong kalimutan
Andito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo"Napalingon ako nang kumanta si Matthew. Madilim sa paligid ngunit kitang-kita ko pa rin ang namumula niyang mga mata.
Natulala na lamang ako sa kanya. Bakit ganito? Sa lahat ng lalaking mamahalin ko, ikaw pa.. ikaw pa na kahit kailan ay hindi maaaring maging akin?
"Bianca" tawag niya sa akin ngunit umiwas agad ako ng tingin.
"T-tuparin mo sana ang pangako mo." sambit niya at napahikbi, ngunit hindi ko siya pinansin.
"Tuparin mo ang pangako mong hindi mo kalilimutan na..ni minsan ay nagkakilala tayo. Huwag mo sana akong kalimutan." dagdag niya pa at unti-unti nang namumuo ang luha sa mga mata ko.
Hindi ko siya kaya kausapin at bukod doon, wala ring salitang lumalabas sa aking bibig, dahil bigo ako..
bigong-bigo.
Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko.
Pinikit niya ang kanyang mga mata. Sa pagkakataong ito, nilingon ko siya. May mga luha pa rin sa mga mata niya. Isinandal ko na lamang ang ulo ko sa pader saka napapikit rin.
Naghari ang katahimikan. Ang mga paghikbi at pagpatak ng tubig mula sa gripo ang mga tanging tunog na naririnig.
Maya-maya'y inabot niya ang kamay ko. Ngunit binawi ko agad iyon. Kahit gustuhin kong hawakan rin ang kamay niya, mali iyon.
"Bianca, maaari bang sa mga oras na ito ... kalimutan muna natin ang lahat? Maaari bang sa mga oras na ito... ang mayroon lang ay ikaw at ako?" aniya dahilan para mapatingin ako sakanya.
Nakatitig siya sa akin at kitang-kita ko ang pagmamakaawa sa kanyang mga mata. Tuluyan nang nanghina ang dignidad ko. Inabot niya ang kamay ko ngunit hindi ko na iyon nabawi.
"Hayaan mo akong magpaliwanag." aniya ngunit hindi pa rin ako umiimik.
"Alam mo bang.. bago pa ang lahat.. bago pa ang araw na matagpuan kita sa kalsada, nagkita na rin tayo dati pa? Alam mo bang.. lahat ng nangyari sa kalsada... ay hindi ang una nating pagkikita?" Natigilan siya saka lumingon sa akin. Nagsimula naman umusbong ang mga tanong sa isip ko.
Kung hindi iyon ang una nating pagkikita.. kailan?
"There was a huge party for the companies last year. Nakita ko ang Daddy mo nang mga oras na iyon. Kasama ka niya and your whole family. Kausap ng dad mo ang stepdad ko. My stepdad manages a company and your dad does too, so I guess they met because of work. But... that was the first time I saw you. Kilala na kita dati pa but I really didn't pay much attention to you. Kaya noong nakita kita sa kalsada, nakilala agad kita. P-pero sa mga oras na iyon, wala pa akong alam sa mga nangyayari. Hindi ko pa alam na... na kapatid kita." Napayuko siya.
"A-ang tunay na dahilan kung bakit kita iniwasan.. ay dahil sa dalawang lalaking iyon.. sina Anton at Eduard. They introduced themselves to me just two weeks ago. Same place. Dito. Sinabi nila ang lahat, na kapatid sila ng kuya William mo at kapatid ko rin sila. Matagal na silang nagmamasid sa atin. Bianca.. tulad mo, nagsimula ring gumuho ang mundo ko Lalo na nang malaman ko na ang babaeng iniibig ko.. ay kapatid ko. Noong una hindi ako naniwala sa kanila, pero ipinakita nila ang mga birth certificates nating magkakapatid. Gusto kong malaman mo, na hanggang ngayon, hindi ko pa rin tanggap ang katotohanan." Lumingon siya sa akin at binigyan niya ako ng nakakaawang titig.
"Naghihiganti sila Bianca. Planado nila ang mga nangyayari ngayon. Nagsimula ang lahat ng paghihiganti nang mamatay si Tim, ang panganay sa kanilang magkakapatid. They told me.. na gustong hanapin ni Tim ang daddy mo. Gusto niyang bumalik ang Daddy mo sa pamilya nila. Pero nang mahanap niya at makilala siya ng daddy mo, hindi siya pinakinggan nito. Tinaboy siya ng Daddy mo.
Paulit-ulit na binalikan ni Tim ang daddy mo, Bianca. Pero noong huling punta ni Tim sa dad mo.. sabi ni Eduard, hindi na nakabalik si Tim. Ilang buwan rin nila siya hinanap. Hanggang sa isang araw ay natagpuan nalang nila si Tim..ngunit isa na siyang malamig na bangkay. Nahanap rin nila sa bulsa ni Tim ang isang sulat. Isang sulat na naglalaman na ikinulong siya ng Daddy mo upang walang makaalam ng katotohanan na may iba pang anak ang Daddy mo sa ibang babae. Ngunit humantong lang din iyon sa patayan. Nakita nilang may tama ng baril si Tim. Doon nagsimula ang galit nina Eduard at Anton.
At ngayon.. naghihiganti na sila. Pinatay nila ang Kuya mo. Batid kong si Aubrey na ang isusunod nila.. kaya nanganganib ang buhay ng kapatid ko." nagsimula nang lumuha si Matthew.
Nabigla ako sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Makakaya ba ni Daddy na pumatay? Lalo na ang sarili niyang anak? Bakit Daddy? Paano mo nagawa ito?
Sa pagkakataong ito, nilingon ko si Matthew. Ramdam ko ang takot niyang malagay sa peligro ang buhay ng kapatid niya. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi niya.
Ngayon, kailangan ko na talagang tanggapin ang katotohanan. Isa itong malaking pagsubok.. at kailangan kong magpakatatag.
Ngayong alam ko na lahat, hindi dapat ako nagmumukmok lang sa isang tabi nang walang ginagawa. Marami akong kailangang gawin. Kailangan kong hanapan ng hustisya si Kuya William. Kailangan naming makatakas para iligtas si Aubrey sa kapahamakan..At panghuli, kailangan kong ayusin ang buhay nina Kuya Eduard, Kuya Anton at Matthew.
Hindi ko dapat inuuna ang pag-ibig, dahil imposible iyon at wala na akong magagawa doon.
Ang importante ngayon... ay ang humanap ng paraan para ayusin ang lahat.. ayusin lahat para sa lahat ng mga kapatid ko.
"Magkapatid tayo di ba? Kung gan'on, kailangan kitang tulungan para maligtas si Aubrey. Bukas tatakas tayo." sambit ko at pinunasan ko ang mga luha sa kanyang mga mata.
Tumango siya saka unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Napasandal siya sa pader saka ipinikit ang mga mata.
Tinitigan ko siya hanggang sa siya'y makatulog.
Kahit masakit...kailangan nating magpakatatag.
Kailangan nating lumaban...
![](https://img.wattpad.com/cover/125546403-288-k290649.jpg)
BINABASA MO ANG
Hallucinate
Romance"Hindi ito pwede. Part of me believes that this is real, but what if this love story does not exist? Is this going to be concidered.. a one-sided love? Unfair, really unfair." Si Bianca Ventura ay isang babaeng may pagmamahal sakanyang pamilya. Dad...