CHAPTER THREE

1.6K 53 2
                                    

"Iba talaga kapag nakakaluwag sa buhay," sabi ni Nathalie ng maabutan akong nagbabasa.

Ngayon ay sabado at isang araw na lang pasukan na ulit namin welcome school nakalimutan ko rin pala sabihin kung saan ako nag aaral, kasalukuyan akong nag aaral sa Stone Bridge University, isang sikat na paaralan dito sa amin habang yung mga kapatid ko naman ay sa Castillo National High School, malayo ang school namin sa isa't isa kaya hindi kami magkakasabay sa pagpasok, commuters lang kami kasi hindi namin kami mayaman para ma-afford magkaroon ng kotse na puwedeng gawing service.

"Ay deadma ang lola mo," narinig kung sabi ni Nathalia kaya napailing na lang ako.

Kasalukuyang nandito kami nila Nathalie at Nathalia sa sala kung saan sila nanonood habang ako naman nagbabasa dahil hindi ako interesado sa palabas atsaka isa pa ang corny para sa akin yung palabas kaya naman nag-earphone ako para hindi ko mapakinggan at the same time nakakapag-focus ako sa pagbabasa. Nakaka-relax kasi magbasa habang nakikinig ng music.

Sinimulan ko na basahin yung binili ni mama sa akin na libro, konti na nga lang at tapos ko na siya, mabilis talaga ako magbasa pag alam ko na maganda yung flow ng story.

Actually lahat naman maganda kasi nag-e-effort ang author gawin yun kaya maganda yan panigurado. Depende na lang sa readers yun.

Busy ako sa pagbabasa ng bigla akong kalabitin ni Nathalie kaya napalingon ako sa kaniya.

"Bakit? Problema mo?" Mataray kung sabi.

Istorbo eh.

"Ate nagugutom na kami anong oras na kaya 'di ba?" Sabi ni Nathalie kaya agad ako napatingin sa oras saka na-realize na mag aala una na pala.

Kaya naman pala nagugutom na rin ako.

"Sandali lang at bibili muna ako ng ulam sa may labas magsaing na kayo sa rice cooker." Utos ko.

Matatagalan kung magluluto pa ng ulam, okay lang saing since rice cooker mabilis lang naman 'to maluto eh.

"Sige ate, ingat ka po," sabi ni Nathalia.

Binaba ko ang libro na binabasa ko at ang cellphone ko sa may table hindi naman siguro gagalawin dito yan, kumuha ako ng pera at dali dali na lumabas para bumili ng ulam. Baka kasi mamatay kami sa gutom kung magluluto pa kung puwede naman gumawa ng paraan.

Dito ako bumili kay Aling Coring lagi namin pinagbibilihan. Suki kami nito.

"Hija, ngayon ka na lang ulit napabili? Ano ba ang bibilhin mo?" Tanong ni Aling Coring.

"Adobong Manok po atsaka pakbet po, ngayon na lang po ako lumabas. Paano po kasi nakakatamad talaga Aling Coring mas maganda na lang po manatili na lang sa loob ng bahay."

"Sabagay nga naman hija, ito na ang mga binibili mo." Sabi nito sabay abot sa ulam ko.

"Salamat po, mauuna na po ako at gutom na po ang mga kapatid ko."

"Sige hija, sa susunod na lang ulit salamat ulit."

"Walang ano man po, salamat din po."

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon