Taliyah Point of view
ISANG oras na namin hinahanap yung dalawa pero hindi ko alam bakit wala pa sila rito sa food court mag gagabi na rin kasi at for sure anong oras na rin kami makakauwi nito kaya dapat sana mahanap namin sila kanina pa kami naghahanap sa kanila ang usapan namin magkikita kita kami rito pero wala talaga sila.
Haist.. nasaan na naman ba ang mga yun naba-badtrip na naman ako sa kanila.
Napabuntong hininga na lang ako habang napapailing.
Badtrip.
"Ano! ayaw ba sagutin yung tawag at text? Nasaan na ba sila?" Iritang tanong ni Jasmine.
"Try na lang ulit natin sila tawagan, baka busy sila at hindi namalayan ang oras." Sagot ni Joaquin.
"Wait, maghiwahiwalay tayo sa paghahanap dito tayo sa may labas magkita kita mag-text kayo sa 'kin, text text na lang guys." Sabat ko.
"Sige sige, mag iingat kayo." Sagot ni Bailey.
Nagsimula na ako maglakad peste naman kasi yung dalawa sa pagsosolo nila nawala pa sila hello malaki rin kaya ang Enchanted Kingdom ang dami rin pasikot sikot dito, naglakad na lang ako para mahanap sila kaso sa hindi inaasahan na pagkakataon may nabangga pa ako.
Ngayon pa talaga kung kailan may kailangan ako hanapin.
"Sorry Miss," sabi ni kuya na nakabangga ko.
Tumango na lang ako sa kaniya pero paalis na ako ng marinig ko boses ni Aubrey, hindi ako puwede magkamali alam ko boses niya yun lumingon ako at tama ako si Aubrey.
"Aubreyyyyy!? What the hell." Sigaw ko sa kaniya.
Nagulat 'to sa 'kin kaya naman napalingon siya bigla.
"Grabe ka naman sumigaw, bakit ba? Atsaka sino ba hinahanap mo?" Sabi pa ni Aubrey.
"Juskoo! Kayo! Nasaan na ba kayo? Bigla na lang kayo hindi bumabalik sa pinag usapan tapos tinatawagan namin kayo hindi niyo sinasagot nag aalala kami baka alam niyo lang di ba?" Iritang sagot ko.
"Ohh!? Sorry let's go na nga wag ka na riyan magalit, sorry kung napag alala namin kayo nadala lang kami ng inggit kaya heto naghahanap lang din kami ng para sa amin wala naman siguro masama roon di ba?" Sagot din ni Paula.
Hindi na ako umimik pa sa sinabi nito, nakita ko rin na dumating si Paula kaya naman dali dali 'tong naglakad palapit sa amin nagpaalam na yung dalawa at samantalang kami ay nagsimula na sa paglalakad nawala na ako sa mood badtrip ako dahil sa pag aalala habang palabas kami wala lang ako imik nakita ko na rin yung iba nasa may kotse nakita nila ako pero dumeretsyo ako ng sakay sa kotse at umupo na lang pagod ako ngayon kaya ayoko muna makipag usap nahalo pa tuloy ang pagiging badtrip ko ayoko na madagdagan pa yun.
Buong biyahe sila lang ang nag uusap samantalang ako wala lang imik, nagkunwari ako na tulog pero ang totoo niyan ay gising ako nakapikit lang talaga ako alam din nila ang biglaang pagtahimik ko.
Sino ba naman ang hindi maiinis sa kakahanap sa taong tila ayaw ata magpahanap, nakakasayang ng oras.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️
Teen FictionKuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi nila aakalain na dahil sa pagtatagpo na 'to ay nabuo nila ang isang samahan. Samahan ng mga sawi sa pag ibig. Ito na kaya ang magiging daan...