Taliyah Point of view
ANG bilis ng araw kakatapos lang ng bagong taon at isang linggo na lang pasukan na namin.
Puwede extend naman kahit saglit joke lang gusto ko na gumraduate para makita ko na si papa at kuya miss na miss ko na kaya sila.
Mas gusto ko naman makatapos kaysa sa bakasyon at kung tinatanong niyo naman nasaan ako nandito ako sa kuwarto habang hinihintay ang pagtawag ni Jasmine sa messenger leche yung babae na yun walang paramdam sa 'kin isang linggo na yung nakalipas humanda talaga siya sa 'kin baka siguro busy sinara ko na ang laptop at nilagay na sa cabinet bigla ako napaisip kung ano na naman ba gagawin ko tutunganga makikipag usap nakakasawa naman wala ng bago paulit ulit na lang.
Pakamatay kaya charot may pangarap pa akong gusto ko matupad bago ako mawala sa mundo at kunin ni Lord.
Mag isa na naman kasi ako wala kasi yung kambal pumunta sila sa Palengke tumulong sa pagtitinda tapos ako naman hindi na pinatulong nilalagnat kasi ako kagabi kaya hindi na ako pinasama ni mama atsaka nung kambal sayang nga lang kasi gusto ko sana kaso wala akong laban sa tatlo isa lang ako lugi talaga ako kaya hindi ko na pinilit at baka magalit tumayo muna ako since magaling na rin ako buti naman para hindi na mag alala yung tatlo.Kasalukuyang nandito ako sa Mall dahil bored talaga ako habang mag isa lang sa bahay, umalis ako kahit alam ko magagalit sila mama atsaka isa pa kailangan ko rin naman maglibang di ba. Nagwi-window shopping lang habang hindi ko maiwasan na tingan ang mga couple stay strong sabi ko na lang sa isip ko. Habang nagpapatuloy sa paglalakad nahagip ng mata ko yung lola na last time na hinihingan ko ng advice akala ko hindi ko na siya ulit makikita pero ngayon nakita ko ulit siya kaya mabilis akong naglakad ako palapit dito.
"Hija, kamusta ka na pala?" Tanong ni lola sa'kin.
Naalala niya 'ko. Wow!
"Ayos na po ako lola, naayos ko na po yung problema ko."
"Sabi ko na hindi mo na kailangan ng advice ko, kasi halata naman kaya mo."
"Hindi naman po sa hindi kailangan, atsaka nakatulong pa rin naman po yung advice niyo salamat po."
"Wala yun, ano pala ang ginagawa mo rito?"
"Nabo-boring po ako sa bahay lola wala po yung mga kasama ko sa bahay kaya pumunta po muna ako rito, atsaka kayo po pala saan po kayo nakatira?" Sabi ko.
"Malapit lang din dito atsaka mag isa lang ako sa buhay binibigyan lang din ako ng pagkain ng kapitbahay ko." Sagot niya
Bigla akong nabigla, all this time mag isa siya sa buhay kaya pala nagbibigay siya ng advice dahil siguro ayaw niya mapunta ang love story namin sa wala at hindi masaya gano'n din sa iba.
Naisip pa niya yun? Aww, nakaka-touch.
"Alam mo ba kaya ako naging love adviser or problem adviser?" Tanong niya.
"Kasi ayaw niyo po na yung maging ending ng isang story ay sad." Sagot ko
"Tama at isa pa ayoko na yung story na mangyari ay magaya sa akin na malungkot kaya gusto ko matulungan ang mga may problema." Sagot ni lola.
Natuwa na lang ako kasi may mga tao rin pala na hanggad ang ikakasaya ng bawat isa,
Sana lahat ganyan ang iniisip edi sana masaya lahat ng ending ng story.
Napagdesisyunan ko muna na makipagkuwentuhan kay lola wala pa naman taong naghihingi ng advice sa kaniya kaya makikipag usap muna ako parang getting to know each other. Nung biglang may pumunta para humingi ng advice nagpaalam na ako kay lola na aalis na ako at baka mauna pa sa pagdating si mama sa 'kin sa bahay at alam ko mapapagalitan ako nito natuwa ako na sa loob ng isang oras na pag uusap namin ni Lola ang dami kung bagay na nalaman about sa kaniya.
Isa siyang iniwan ng asawa niya mayroon siyang tatlong anak na babae at iniwan siya pagkatapos nila magkaroon ng asawa at mga anak pinabayaan siya paano nila nagawa yun sa sarili nilang ina yung nanay nila na nagtaguyod sa kanila walang mga utang na loob kaya rin siya mag isa sa buhay dahil sa ayaw niya maging pabigat kaya nagsarili siya at talagang naiiyak ako habang nagkukuwento siya sa 'kin hindi ko alam paano ba ako magre-react hindi ko alam na ganoon ang past niya kaya ganyan na lang ang gusto niya mangyari sa buhay ng bawat isa ang maging masaya sila sa huli at natuwa ako.
Mapapa-sana all ka na lang talaga.
Tumayo na ako at nag umpisa na maglakad papunta sa may KFC kakain muna ako dahil nagutom na 'ko
Nakauwi na ako at hindi ko inaasahan na mapapagalitan ako ng bongga ni mama baka dahil nag alala sila sa akin for the first time in my life na mapagalitan ako ng super duper bongga.
"Ikaw naman kasi Taliyah kung ano ano ang ginagawa mo sa buhay mo, hala sige at lalambingin mo yan." Sabi ko sa sarili ko.
Kulang lang sa lambing si Mama.
THROWBACK
Papasok na ako sa may loob ng bahay, nasa may pinto pa lang ay pinagalitan na ako ni mama.
"Anong sinabi ko di ba wag ka aalis dito at galing ka sa sakit di ba? Ano bang malabo sa sinabi ko TALIYAH AGUSTIN pinag alala mo ako ng sobra." Sabi ni mama na galit na galit
Tumayo na yung dalawa at naglakad paakyat papunta siguro sa kuwarto nila kaya ako na lang at si mama ang naiwan dito.
"Ano magpaliwanag ka mismo," sigaw ni mama
"Kasi po nabo-boring ako rito at gusto ko lang po na gumaling kaagad." Malumanay na sagot ko.
"Umakyat ka sa kuwarto mo bukas na tayo mag usap pagod ako ngayon."
"Sige po pasensiya na po ulit,"
Sagot ko umakyat na ako sa taas na nalulungkot sana maging okay na kami ni mama para naman wala akong problemahin.
END OF THROWBACK
Nandito ako ngayon sa kuwarto at hindi pa rin nagsi-sink in lahat pero hayaan mo dahil madali lang naman magpatawad si mama magiging okay rin ang lahat tiwala lang. Isa pa hindi ka rin niya matitiis Taliyah, papatawarin ka niya tandaan mo yan. Hindi ko na inisip pa yung mga nangyari ngayon sa akin masyado na hindi ma-absorb ng utak ko kaya nagpahinga na lang muna ako habang nakatingin sa may kisame.
"Magiging okay rin ang lahat, as in lahat." Sabi ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️
Teen FictionKuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi nila aakalain na dahil sa pagtatagpo na 'to ay nabuo nila ang isang samahan. Samahan ng mga sawi sa pag ibig. Ito na kaya ang magiging daan...