CHAPTER FORTY-THREE

355 25 0
                                    

Taliyah Point of view

NAGISING ako ng makaramdam ng pagkagutom, agad kung tiningnan ang oras ng magulat ako ng makita na alas dose na pala. Gagi hindi ko alam if 3 or 4 na ako nakatulog tapos hindi ako sure kung anong pinagkapuyatan ko. Patayo na ako ng marinig ko ang malakas nanpagkatok.

"PASOKK!"  malakas kung sigaw.

Pagkabukas ko sa pintuan ay bumungad ang pagmumukha ni Nathalia.

"Hinahanap ka po nila Ate Paula, Jasmine at Ate Aubrey sa baba bilisan mo na raw buti na lang nagising ka pa raw akala kasi namin wala ka ng balak." Natatawa sabi nito kaya naman inirapan ko siya.

"Labas na dami ang dami mo pa na sinasabi, sige na sabihin mo hintayin nila ako sa baba."

"Sige po,"

Lumabas na si Nathalia kaya naman nag-ready na ako para makaalis na kami, bigla kung naalala na maliligo pala ako ngayon kaya kinuha ko ang mga damit para do'n na lang magbihis sa cr.

Pagkababa ko ay naabutan ko silang tatlo habang kausap si mama.

"Anak may lakad pala kayo, magbihis ka na riyan akala ko wala ka ng balak magising anong oras na rin." Sabi ni mama.

"Napuyat lang po, sige na po mag aayos na ako maiwan ko muna kayo." Sagot ko.

Pumasok na ako sa banyo at nag umpisa na maligo.

Nandito na kaming apat sa Mall sa may bandang fountain, hindi ko nga alam bakit may biglaan meet up.

Jusko nabibigla ako sa mga pangyayari.

Nag uusap kami habang kumakain ng fish ball.

"Ano bang gagawin natin dito, bigla na lang kayo nang aaya?" Sabi ko.

"Ewan ko ba kay Jasmine biglaan lang din," sabi naman ni Aubrey.

"Kasi alam ko nagkaroon ng changes sa barkada alam ko kahit wala akong source." Sabi ni Jasmine.

"Ah, yung about sa pag  amin ba? Kami ni Aubrey ay wala naman kaso kayo lang siguro?" Sabi ni Paula.

"Kami nino?" Sabi ko.

"Si Jasmine umamin na kaya
si Joaquin kaso wala pa siya desisyon, parehas kayo." Sabi ni Aubrey.

"Anong balak niyo? Kami kasi alam namin may chance sila sa amin, ba't kayo? don't tell me walang magaganap na love story." Sabi naman ni Paula.

"Tigilan niyo nga kami, iba kasi yung sa 'min sa inyo basta long story." Sagot ko.

"Baka naman kasi uso magkuwento di ba makikinig kami at maiintindihan namin yan." Sagot ni Paula.

"Okay, next time na lang tara sa tom's world." Sabi ni Jasmine.

Tumayo na siya habang yung dalawa ay nagrereklamo pero wala rin silang nagawa dahil hindi pa kami ready magkuwento nung about sa amin, isa pa masaya na yung dalawa kaya ayaw na namin bigyan ng stress alam ko naman at naniniwala akong magiging maayos din 'to.

Magiging okay rin kami soon.

Napabuntong hininga ako bago kami magkakasabay na tumayo at naglakad papunta sa Tom's World.

Kasalukuyan nandito kami sa Mc do dahil naisipan namin na dito na lang kumain ng dinner since 7 pm na rin para kapag umuwi kami hugas na lang gagawin namin at puwede na matulog.

Habang kumakain ay nag uusap kami since 'yon naman talaga ang gawain ng magkakaibigan.

Walang sawang kuwentuhan.

"Hindi pa rin kayo nagkukuwento sa amin nung about sa nangyari sa EK Paula at Aubrey." Bigla kung tanong.

"Yung tungkol doon ay isa lang itong dare, it all started with a dare nabanggit na namin sa inyo yun." Sabi ni Paula.

"Wala naman pagkuwentong naganap," sabat ko.

"Yung akin muna ang una nag-dare kasi sa 'kin si Paula na itanong ko pangalan ng lalaki na yun which is Blake that moment wala ng hiya hiya kasi desperado na kami sa pagkakaroon ng lovelife namin nadala kasi kami ng lintik na inggit na yan." Sabi ni Aubrey.

"So yun na yun gano'n lang iba ka girl ikaw ang gumawa ng moves buti na lang at wala kang hiya." Sabi ni Jasmine habang natatawa.

Napailing na lang ako at naisip na kung ako yun nahiya na ako kasi hindi gano'n kalakas ang loob ko, hayop na yan.

Makapal mukha ko pero hindi ko yun gagawin. Gagi, kahihiyan.

"Ako naman bubuhusan ko yung lalaki ng juice tapos gagawa kami ng eksena ni Aubrey, nung una nahirapan ako kasi nakakahiya at nasa public places salamat na lang talaga at mabait si James kaya hindi nagalit at buti naman naging close ko kaagad wala pa pala experience sa love at never na in love, nakakatuwa nga habang inaalala ko yun natatawa na lang talaga ako iniisip ko nakagawa pala ako ng isang embarrass moment sa buhay ko, natatawa na lang ako kapag naaalala ko." Sabi naman ni Paula.

"Iba rin pala buti na lang maganda kayo kung hindi ay baka isipin nila na mga baliw kayo at papansin. Nakawala sa mental something like that." Sabi ni Jasmine.

"At least nagkaroon kami ng instant love life tipong may saysay yung nakakahiyang ginawa namin plus hindi kami tatandang dalaga." Sagot ni Aubrey.

Siguro minsan hindi tayo puwedeng naniniwala lang sa kasabihan na matuto tayo maghintay sa tao na para sa atin minsan kailangan din natin gumawa ng paraan para magkaroon tayo baka kasi maubusan tayo ng mga loyal.

After all masaya ako para sa kanila finally.

"You made it guys, masaya ako para sa inyo sana sila na ang nakalaan para sa inyo, sana sila na yung Mr. Right niyo at sana deserve na kayo sa isa't isa hanggang sa dulo." Sabi ko.

"Thank you sa'yo Iya dahil sa mga payo mo talagang na apply namin 'to kaya we made it, sana kayo rin mahanap niyo rin yung nakalaan para sa inyo. Ipagdadasal namin 'yon yiee." Sabi ni Paula.

Natawa na lang ako sa kaniya hindi na lang ako nagsalita dahil alam ko na at malinaw na lahat sa 'kin na si Bailey ang Mr. Right ko hindi na ako puwedeng magkamali ngayon alam ko siya na malinaw na lahat sa 'kin.

Finally I made it nahanap ko na siya pinagtagpo kami ng tadhana para matulungan namin ang isa't isa at mag umpisa ng panibago ng magkasama.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain namin habang sila nag uusap at ako naman ay nag iisip dito ayoko muna makipag usap at nagre-realization ako kumbaga nagtitimbang ng mga bagay bagay charot.

Nakauwi na ako ngayon anong oras na rin buti na lang at hindi ako napagalitan ni mama never naman talaga ako napagalitan ni mama lalo at mga kaibigan ko naman ang mga kasama ko.

Mat tiwala siya sa mga kasama ko.

Kaya nga ang suwerte ko talaga dahil mayroon akong nanay na mabait pero hindi naman ako abusado na araw araw aalis tapos gabi uuwi, hindi naman akong gano'n klase anak alam ko naman limitasyon ko at madalang ako umalis ng bahay kaya ko naman manatili sa bahay featuring reading wattpad or novel with matching music.

"Mas komportable akong nasa bahay lang, nakakaputi rin siya. Try niyo wag lumabas ng bahay ng isang linggo."

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon