Jasmine Point of view
KASALUKUYAN akong papunta sa school, grabe napuyat ako ilang oras lang naitulog ko dahil nga sa madami akong tinapos na mga project. Paano ba naman exam na namin sa lunes kaya ni-rush kami sa mga project kaya heto last pasahan na namin ngayon nakaka-pressure tuloy mag aral kapag masyadong sabay sabay yung ginagawa.
I hate manipulating student, hey! tao rin kami nahihirapan napapagod baka gusto niyo naman isipin yung kalusugan namin hindi kami robot tao kami.
Natapos ko na ang pag aasikaso kaya naman naglakad na ako pababa ng sala para makaalis na rin. Dagdag pa yung ang mahal ng bilihin sa canteen, tila akala mo mayayaman lahat ng nag aaral samantalang yung iba may kaya lang. Afford ko lang yung bilihin pero hindi kami mayaman nakakaluwag lang kami sa buhay pero hindi literal na mayaman na mansyon ang bahay.
Paalis na ako ngayon, habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa labas ang alam ko kasi ay same lang kami ng time ni Joaquin wag kayo alam ko lang talaga pero hindi ko siya kabisado basta knows ko lang siya, makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa wakas kaya naman nagpaalam na ako sa driver at nagpasalamat dito atsaka share ko lang guys close kami ni kuya driver ilang years na rin naman siya kaya alam ko na loyal sila sa amin ewan ko na lang kapag hindi ang bait bait kaya namin sa kanila. May pagkakataon lang talaga na minsan ay team commuters ako dahil walang magsusundo sa akin.
Pumunta na ako sa unang klase ko kaso habang papunta ako sa room ay naramdaman kung may nakasunod, okay weird feeling lang 'to.
Natural lang yun baka block mate ko lang yun, wag ka paranoid Jasmine nevermind mo na lang siguro.
Papasok na dapat ako sa room ng magulat ako ng bigla na lang 'tong umakbay sa akin, dama ko kaba kaya plano ko na sana sumigaw ng bigla niya takpan ang bibig ko dahilan para maging pamilyar sa akin yung kamay pagkatingin ko si Joaquin.
Nakakagulat kasi siya, buwisit na lalaki 'to.
"Buwisit ka, grabe yung gulat ko sa'yo. Akala ko naman kung sino." sabi ko sa kaniya.
Siya naman natawa na lang wala naman nakakatawa sa sinabi ko literal lang talaga na abnormal siya well... ganoon siguro talaga.
"Sorry, suprise kasi hindi na yun suprise kapag sinabi ko sa'yo." Sabi niya pa sa akin.
"Tarantado ka ba? Kung sapakin kita ng kaliwa't kanan diyan." Mataray kung sabi.
"Joke nga lang, nga pala magsisimula na ba klase niyo?" Tanong niya sa akin.
"Hindi pa, nakikita mo na walang prof. Tara sa canteen libre mo ako wala pa akong kain." Sabi ko.
"Wait lang, lapag ko muna gamit ko." dugtong ko pa saka mabilis na naglakad papasok.
Palabas na dapat ako ng tanungin ako ni Paula kausap ko kapag vacant time, usap magkaklase lang hindi naman magkaaway pero lalong hindi rin usap close sakto lang siguro.
"Nandiyan yung manliligaw mo? Ano na balita sa inyong dalawa?" Tanong niya.
"Baliw, walang gano'n sige na mauuna na ako sa'yo pupunta kasi ako sa canteen." Sagot ko.
"Kasama talaga siya. Sige, enjoy kayo yiee." Kinikilig na sabi niya.
Natawa na lang ako sa kaniya nag uusap din kami niyan pero hindi ko siya ti-ne-treat as friend siguro kaklase lang bukod roon wala na talaga.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️
Teen FictionKuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi nila aakalain na dahil sa pagtatagpo na 'to ay nabuo nila ang isang samahan. Samahan ng mga sawi sa pag ibig. Ito na kaya ang magiging daan...