CHAPTER TEN

844 39 0
                                    

KATULAD sa mga nauna kung subject ay hindi na muli akong nag isip pa, siguro oo iniisip ko pa rin yung sa babae ni Bailey akala siguro niya magkakaroon pa ng comeback.

Tanga niya para umasa pa na may comeback after ng pang iiwan niya deserve niya maramdaman yung lesson ni ate girl na nang iwan.

Habang ito sana si Bailey ay alam ang salitang pagpapalaya.

Haist... Bakit ko ba pino-problema ang problema nila.

Ang kailangan kung ay mag-focus sa mga subject ko ng walang problema ng iba na iniisip dahil hindi naman ito related sa subject na pinag aaralan ko.

Kasalukuyan nandito ako sa garden dahil hindi pa ako makaramdam ng gutom kaya naisipan ko na magpunta rito para tingnan ang sweet at masasayang mga couple na nag uusap. Pero nawala ang atensyon ko sa pagtingin ng maramdaman kung may kamay na umakbay sa akin pero dahil kilala ko na siya ay hindi na ako nag abala pa para tingnan siya. Umupo 'to sa tabi ko habang nakaakbay pa rin.

"Nandito ka lang pala, hinahanap kita sa canteen para maibigay yung binake na cookies ni Mama for you." Sabi niya.

"Ganoon ba... Hindi naman kasi ako nagugutom kaya nandito lang muna ako papahangin lang, paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko.

"Kay Aubrey nabanggit niya sa akin kaya pinuntahan kita kasi wala ka raw kasama. Atsaka lutang ka raw baka kailangan mo ng taong makikinig willing ako. Ano nga ba ang problema mo?"

"Wala may iniisip lang ako pero hindi na yun mahalaga, ikaw ba kamusta?"

"Nakalimutan ko rin pala sabihin sa'yo ayos na kami ng ex ko pero hindi kami nagkabalikan pasensiya na tungkol sa kanina roon sa may coffee shop."

"Ayos lang yun, wala na sa akin yun sige na let's moving forward for what happen kanina I already forgive her kahit na gano'n siya ma-attitude.." Sabi ko.

"Salamat sa'yo, atsaka nga pala may sasabihin ako sa 'yo mamaya sa tawag na lang o kaya sa personal, anong oras ba uwi mo?" Tanong niya sa 'kin.

"6 pm ikaw ba?" Tanong ko naman pabalik.

"7:30 pm, paano kaya tayo mag uusap." Sabi niya sa akin.

"Hmmm, bukas ba anong oras ang pasok mo?" Tanong ko.

"7am to 4pm ikaw?" Tanong din niya sa akin

Sige mag q and a portion na lang kami rito.

"8am to 5pm, bukas na tayo mag usap uwian mahihintay mo ba ako?" Tanong ko.

"Okay sige, hintayin kita sa may coffe shop mga 5:10 okay na ba yun?"

"Sure, no problem."

Nag usap na lang kami tungkol sa ibang bagay makalipas lang din ang ilang minuto ay tumayo na kami pareho dahil tumunog nang mahiwagang bell senyales na time na namin kaya naman sabay kami na naglakad papunta sa next class namin habang naglalakad papunta sa susunod kung klase napapansin ko na marami pa rin ang mga students kaya hindi ako nag-wo-worry na ma-late dahil alam kung may kasama ako kumbaga kampante akong hindi ako late sa klase.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon