CHAPTER THIRTY-FOUR

412 28 0
                                    

Bailey Point of view

PAPUNTA na ako sa unang room ng kung saan akk mag-e-exam, pare pareho lahat ng course ng schedule hindi ko lang alam kung nakapasok na si Aubrey at Taliyah kasi si Jasmine lang ang alam ko, nabanggit kasi sa 'kin ni Joaquin ngayon kaya baka nasa room na siya hayaan mo na nga makikita ko naman siya sa luch break sa may canteen.

May aaminin din pala ako sa kaniya antagal ko pinag isipan ng mabuti kung totoo ba o hindi pero gusto ko talaga si Taliyah, gusto ko na araw araw ko siya nakikita, nakakasama, tumatawa siya ng dahil sa 'kin at sa ibang bagay pa lalo na kapag masaya siya.

Gusto ko siya hindi lang bilang siya as Taliyah, pati yung ugali niya naalala ko pa nung iniisip ko siya nung gabi na yun.

-THROWBACK A WEEKS AGO-

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at iniisip si Taliyah, hindi ko alam kung mahal ko ba o siya o gusto ko lang siya, alam ko naman na noon ko pa siya type pero hindi ko sinasabi kasi ayoko naman masira yung friendship na binuo namin ng matagal din na panahon, ayoko na dahil sa gusto ko siya at umamin ako sa kaniya ay mawala lahat ng pinaghirapan namin na samahan lahat na lang yun mapunta sa mga memories alaala ng masayang nangyari sa 'min.

Sabihan na akong torpe pero kasi feeling ko ay maraming mawawala sa'kin mawawalan ako ng tao na nagbigay ng inspirasyon sa 'kin, mawawalan ako ng lakas sa araw araw, mawawalan ako ng isang kaibigan na tumulong sa 'kin na makapa-gmove on. Paano ulit ako mag uumpisa kung nawalan ako ng isang tao na nag-pa-realize sa 'kin na may mas better pa sa ex ko? Nag-pa-realize na may Ms. Right pa para sa 'kin? At higit sa lahat may tao na mas deserving sa pagmamahal ko kaya kahit mahirap sa 'kin ay mas pinili ko na ilihim ang nararamdaman ko at hayaan na ang tadhana ang magtagpo ng para sa akin.

-END OF THROWBACK-

Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa mga nararamdaman ko pero ang sigurado ako si Taliyah na ang para sa 'kin, ilang minuto lang din ay nakarating na ako sa room, nakita ko na rin si Joaquin na may hawak na notebook na tingin ko ay reviewer niya hanep nag-re-review rin pala siya, kaya naman umupo na ako sa tabi niya at nakipag usap na lang hindi ko na ulit inisip yung kay Taliyah may tamang panahon pa naman para doon.

Nag-focus ako sa lahat ng exam ko kasi gusto ko rin na magkaroon ng honor kapag graduation day, nakakahiya kay Iya na valedictorian kaya nahihiya ako kapag niligawan ko kung kami ang para sa isa't isa kaya sana support niyo ang loveteam namin Baiyah comment lang kayo sa loveteam namin joke lang.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon