NANDITO na 'ko ngayon sa kuwarto at nagpapahinga dahil kakarating ko lang rin talaga naisip ko agad i-text si Bailey bago ko pa makalimutan kaya naman kinuha kung phone at tinext 'to.
To: Bailey
Thank you, alam mo na about saan no need to mention na about do'n.
Then I send it, tumayo na ako para makapagpalit ng damit hindi ko na sinabi kay mama anong nangyari sa akin ayoko kasi na nag alala pa sila sa akin kaya habang keribels ko pa naman ay sasariliin ko na lang muna.
Naghugas ako ng katawan ko pagtapos ko ay nagbihis din ako palabas na dapat ako ng mag-ring ang cellphone ko pagtingin ko sa caller ay si Bailey pala hindi nga ako nagkakamali ng hula na tatawag siya sa akin.
Hello.
Nakauwi ka na ba? Hindi na kasi namin kayo naabutan sa clinic.
Yeah, just got home safe thank you sa kanina.
You're always welcome, special ka for me kaya ko ginagawa yun sa 'yo.
Kailangan ba kikiligin ako? Charot lang yun basta salamat talaga sa'yo.
Destiny nga kasi talaga tayo para sa isa't isa.
Naka-drugs ka ba? Pinagsasabi mo.
Joke lang yun, sige na magpahinga ka na riyan may klase pa 'ko ngayon.
Sige, ingat ka sa pag uwi mo.
Sige, bye.
Hindi na ako sumagot pa pinatay ko ng tawag niya sabay lapag sa side table at naglakad na ako palabas ng kuwarto.
Naabutan ko yung dalawa na nag uusap lang kung saan tungkol hindi ko pareho sa kanila alam matatanda na sila kaya for sure alam na nila ang tama sa mali na ginagawa nila kumuha ako ng makakain at bumalik sa kanilang dalawa na masayang nag uusap.
"Ano pinag uusapan niyo? O baka sino ang topic niyo?" Mapang asar kung tanong.
"Ate!? Wala naman ganyanan ikaw dapat ang nagkukuwento ng lovelife mo eh." Sabi ni Nathalia.
"Kaya nga ate," sabat din ni Nathalie.
"Kayong dalawa tigilan niyo 'ko, tatamaan kayo sa akin." Sabi ko.
"Naks, ate kinikilig siya, namumula ka hindi ka naman naglalagay ng blush on di ba." Sabi ni Nathalie.
"Dapat makilala namin siya ate o baka kilala na namin kung sino siya." Sagot ni Nathalia.
"Si Bailey na naman, kaibigan ko lang siya." Sabi ko
"Defensive, wala naman kami sinasabi na pangalan. Name drop agad siya." Sabi nila.
"Ewan ko sa inyong dalawa, bahala kayo mag isip ng hindi naman totoo." Sabi ko.
Umalis na ako at iniwan sila, pero narinig ko pa rin na pinag uusapan nila ako hindi ko na lang sila pinansin pa.
Habang nandito ako sa kuwarto at nagbabasa ako ng wattpad isa rin kasi sa mga favourite ko ang magbasa ng wattpad.
Kahit alam ko na hindi naman mangyayari sa reality okay lang tanggap ko naman na yun hindi na rin ako aasa kasi masasaktan lang ako sa huli charot.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️
Teen FictionKuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi nila aakalain na dahil sa pagtatagpo na 'to ay nabuo nila ang isang samahan. Samahan ng mga sawi sa pag ibig. Ito na kaya ang magiging daan...