CHAPTER THIRTY-SEVEN

389 24 0
                                    

ANG buong akala ko ay hindi alam ng mga kapatid kung nakauwi na 'ko tapos malalaman kung alam pala nila na hinatid ako ni Bailey, kaya heto at hindi ako tinitigilan sa pang aasar.

Well hindi naman ako napipikon.

"Ano na level niyo ate ni kuya Bailey?" Tanong ni Nathalia.

"Level 0 na sis, atsaka level kayo riyan friends lang kami.." Sagot ko.

"Sa pagmamahalan din ang bagsak niyan panigurado," sabi naman ni Nathalie.

Natawa na lang ako sa kanila, ewan ko ba bakit ganyan ang tingin nila sa amin ni Bailey aminin ko crush ko siya pero bukod dun wala na mabait kasi siya at talagang boyfriend material. Kumbaga wala ka na mahahanap na katulad niya, tipong limited edition lang sila at suwerte mo kapag nagtagpo kayo ng landas isa ka na ata sa masuwerteng babae.

Hindi na kami nag usap pa kasi kakain na raw, itong dalawa kasi ay tapos na mag-exam kaya petiks na lang sila kuhahan na lang nila ng grades. Habang kami pagtapos pa ng sem keribels lang naman eh.

Habang nasa may hapag kainan ay tahimik lang kami, nabalitaan ko rin ang pag uwi ni kuya at papa sa graduation namin.

Ilang years na rin sila nandoon, ano na kaya mga itsura nila nagbago kaya. glow up ba? Glow up for sure kasi alagang ibang bansa.

Kakatapos lang namin kumain kaya nandito na ako para maghugas ng pinggan since toka ko yun, habang nag uumpisa ako sa paghuhugas ay biglang umupo sa may upuan yung kambal na hindi ko na lang binigyan ng pansin.

"Ate? Busy ka after mo riyan maghugas?" Tanong ni Nathalia.

"Hindi naman bakit?" Tanong ko sa kanila.

"Patulong kami ate, punta ka na lang sa may kuwarto pagkatapos mo riyan." Sabi ni Nathalia

"Sige tapusin ko lang 'to," nakangiting kung sabi habang nakatingin sa kanila pero sandali lang dahil bumalik agad ako sa paghuhugas.

Hindi na ako umimik pa dahil umalis na rin sila.

Nandito ako sa kuwarto ng kambal at hindi ko alam paano ako mag-re-react sa project nila about love.

Gulat ako eh.

"What is love? Iba iba kasi ang love sis. Para sa akin, love is master key that is capable of opening a gate of happiness or sadness." Sagot ko.

"Siguro ate minsan talaga sa buhay natin makakatagpo tayo ng tao na temporary lang to teach us lesson." Sabi ni Nathalia.

"True, kaya dapat matulog na kayo at sa kay mareng google na lang kayo maghingi ng sagot dahil inaantok na 'ko." Sabi ko.

"Sige ate, thank you po." Magkasabay na sabi nito.

Nagpaalam na ako sa kanilang aalis na kaya naman naglakad na ako papunta sa kuwarto ko.

♡♡♡♡

Jasmine Point of view

Ang bilis ng panahon sabado na ngayon kaya naisipan namin pumunta sa Pampanga para bumisita kay Lola, patay na kasi siya samantalang bata pa kami nung huli ko siyang makita tapos ngayon patay na siya.

Nakakainis lang na hindi ko man lang siya nakita sa huling araw niya pero okay lang ang mahalaga naman nakapunta ako sa araw ng lamay niya, but surely I will miss my lola.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon