CHAPTER NINETEEN

605 34 6
                                    

MAG ISA akong nandito sa canteen halos pansin ko na lagi akong mag isa.

Hindi ka pa ba nasanay Taliyah? 

Tamang emote lang ako ng bigla na lang akong magulat ng may humampas ng lamesa na naging dahilan ng pagkagulat ko buti na lang tapos na ako kumain kung hindi nabuhos na yung kinakain ko.

"Ano ba yun? Makahampas wagas naman Bailey sapakin kita riyan." Sabi ko sa kaniya.

"Paano tinatawag kita wala ka na naman sa sarili mo palagi ka na lang wala sa sarili mo alam mo ba yun? Nandito naman ako palagi wag mo na ako isipin." Sabi pa niya.

"Ang korni mo talaga kahit kailan Bailey, masyado ka hanep sa self confidence mo alis nga rito sasapakin talaga kita." Sabi ko.

"Ikaw naman hindi na mabiro, alam mo naman joke lang sige na pala bibili muna ako ng makakain ko may kuwento ako sa'yo." Sabi niya.

"Share mo lang, sige na alis na bili mo ako ng coca cola." Sabi ko.

"Sige na hintayin mo na lang ako rito I love you." biro pa niya.

Hindi ko na siya pinansin pa kasi talagang hilig niya ako asarin masasapak ko na talaga siya promise.

"I hate you too get out na nga sasapakin talaga kita," sabi ko.

Tawang tawa habang naglalakad paalis buti naman umalis na paano ba naman masyadong epal akala mo naman guwapo siya charot, guwapo naman talaga siya I admit it naman ayoko lang siya purihin kasi lumalaki ulo niya kapag pinupuri eh isipin pa niya crush ko siya in short mahangin siya.

Ilang minuto lang din ay nakarating na si Bailey akala ko coke lang ang dala para sa akin nagulat ako may dala pa 'tong burger dahil nga 6 pa raw ang uwi ko baka magutom daw ako awww... so sweet naman niya sana lahat ang sarap jowain ang galante eh char.

Nagsisimula na kumain si Bailey ng may sumulpot na dalawa sa table rin namin guest what? Si Jasmine lang naman at Joaquin.

"Nagsosolo kayo, kuwento naman kayo ng about sa inyong dalawa." Sabi ni Joaquin.

"Ayieee.. walang kuwento ba riyan na ganap." Sabat din ni Jasmine.

"Wag kayo mag umpisa ibabato ko sa inyong dalawa itong hawak ko I swear walang halong biro." Sabi ko.

"Joke lang masyado kasing seryoso baka uso magjoke bess, anyway bakit dalawa lang kayo? Nasaan si Aubrey bess?" Tanong ni Jasmine.

"Basta kuwento ko sa'yo bess, wag ngayon ayoko muna pag usapan ngayon yung about sa amin change topic." Sabi ko.

"Okay, anyway gala tayo minsan friendly date lang naman no malisya." Sabi ni Jasmine.

"Go ako riyan basta ba malayo rito kasi napuntahan ko na yung buong lugar natin." Sabi ni Joaquin.

"Yabang mo pre sa ibang bansa na lang tayo." Natatawang sagot ni Bailey

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon