CHAPTER THIRTEEN

742 40 1
                                    

Taliyah Point of view

BUSY ako sa pagbabasa ng libro na binigay sa akin ni papa ng biglang mag-ring ang cellphone ko, pagtingin ko sa caller ay si Mark kaya bigla akong napaisip kung bakit bigla na lang siyang napatawag.

Ano kaya ang problema niya at napatawag bigla.

Yes? Hello.

Are you free tomorrow, can we talk?

Talk!? About saan ba yan importante ba o about sa past ayoko na pag usapan yung sa past kasi naka-move on na ako Mark. Atsaka okay na tayo kaya para saan pa.

Pleasee... Taliyah, pag usapan naman natin para malinaw sa akin lahat.

Okay fine, 2pm sa may mall sa ice cream house tayo mag-meet okay na ba yun sa 'yo?

Okay sige, thank you see you bukas.

Sige bye.

Pinatay ko ng tawag sabay tuloy sa pagbabasa at hindi na inisip pa yung sa aming dalawa o sa pag uusapin namin dahil bahala na bukas sa mangyayari kasi ako alam ko at malinaw sa akin na okay na 'ko at okay na kami.

Sadyang si Mark lang ang hindi pa tapos sa past.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may kumatok pero hindi na 'ko nagsalita dahil alam ko naman papasok din siya kung sino man yung kumakatok na yan, hindi nga ako nagkamali kasi naramdaman kung nagbukas ang pinto at pumasok nga si Nathalia sabay upo sa tabi ko.

"May bisita ka sa baba ate lalaki siya baka yun si Kuya Bailey, ayiee kayo na ate?" Sabi niya.

"Tigilan mo nga ako Nathalia, labas na sabihin mo hintayin ako kapag hindi makapaghintay umalis na siya sabihan mo na lang ako kapag umalis para hindi na ako makababa." Mataray kung sabi.

"Ang harsh mo ate, sige na bumaba ka na riyan ate nandiyan ang manliligaw niya, yiee si ate pumapag ibig." Sabi niya sabay patakbong lumabas dahil nakahanda nang unan pambato sa kaniya. Alisto talaga.

Tinupi ko muna yung libro na binabasa ko tapos ay nilapag sa table dahil mamaya na ulit ako magbabasa kapag wala ng epal at sagabal dahil sa ngayon may bisita ako kaya naman hindi rin nagtagal naglakad na ako pababa para puntahan ang bisita ko raw.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Bailey.

Ano ba ang ginagawa ng isang 'to rito?

Bakit biglaan ata ang pagpunta naloka ako bigla sa kaniya kasi hindi ko naman alam na pupunta siya. I think this is what you called suprise visit tapos itong mga magagaling kung kapatid ay akala mo close talaga nila kasi kung makipagkwentuhan may kasama pa na malakas na tawa tapos may kasama rin na pahampas effect.

Aba! close kayo te?

Pinoproblema ko ay mamaya kung ano anong pinagsasabi nila sasapakin ko talaga si Nathalie at Nathalia kapag nagkuwento 'to ng kung ano ano na hindi ko alam.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon