CHAPTER NINE

834 44 0
                                    

GUMISING talaga ako ngayon ng maaga kasi dadaan ako ng coffee shop para doon na uminom ng coffee.

Pero syempre charot lang feeling rich kid.

Ang totoo ay dahil ililibre ako ngayon ni Mark ng breakfast alas otso ang usapan namin buti na lang talaga maaga nagbubukas ang coffee shop at buti na lang din talaga 9 pa pasok ko habang siya naman 10:30 kakain kami bilang magkaibigan bukod roon wala na talaga.

It was just same location but different school ang peg namin na dalawa pero hindi naman ganoon kalayo ang pagitan eh.

Bandang 6:30 ay naghanda 'ko habang yung dalawang kambal kakapasok lang 7am kasi pasok nila kaya ako naghanda na rin para hindi ako mahuli.

Makalipas ang isang oras ay umalis na 'ko dahil ako na lang din ang tao rito sa bahay kaya dapat makaalis na rin talaga ako ilang minuto ng pagbiyahe ko ay nakarating ako medyo napaaga ako ng 10 minutes pero pagkapasok ko sa loob nandoon na si Mark na ang akala ko ay ako ang mauuna pero siya pa rin pala ang nauna.

Pumasok na ako at umupo sa harap niya sabay ngiti ko rito.

"Sorry, late ata ako." Sabi ko kasi nauna siya sa akin.

"Hindi... Maaga ka pa nga sadyang napaaga lang din talaga ako." Sagot niya.

"Ah gano'n, Mark... Puwede na ba tayo kumain nagugutom kasi talaga ako eh." Sabi ko.

Sabihin niyo na ako na kesyo on point ako pero gano'n talaga ako. Isa pa, Mark and I are friends kaya wala akong nakikita na masama sa nagpapakatotoo.

Sinadya kung wag kumain para hindi ako pumasok ng masakit ang tiyan sa sobrang kabusugan.

"Sige, ako ng oorder sa'yo. Anong gusto mo?" Tanong niya sa akin.

"Kahit ano, wag lang lason syempre."

"Lalasunin ba kita sa tingin mo,"

Natawa na lang ako sa kaniya saka ko siya pagkatapos ay umalis na 'to sa harapan ko para magpunta sa counter habang ako naman ay nakatingin lang sa mga papasok na tao ng magulat ako ng biglang makita ng mata ko si Bailey na may kasama na babae na halatang masaya dahil nagtatawanan sila habang naghahanap ng mauupuan kaya naman iniwas kung tingin sa kanila.

Siguro iyon yung ex niya na katulad ko balak din nito ayusin ang nakaraan nilang dalawa.

Sana lang talaga maging okay na sila parang kami ni Mark.

Ilang minuto lang din ang nakalipas ng makarating si Mark dala yung pagkain namin na dalawa kaya nag-focus na lang ako sa pagkain at hindi na lumingon pa kay Bailey dahil naniniwala akong maaayos niya yan at hindi ulit siya magiging tanga dahil may tiwala naman ako sa kaniya at sa magigig desisyon nito kaya naman nag uusap na lang kami ni Mark habang nag-to-throwback sa nakaraan namin kaso nga lang tumunog na ang cellphone ko senyales na 7:50 na at kailangan ko na pumasok dahil baka mahuli ako sa first class ko.

"Mark mauuna na ako kasi magsisimula na yung first class ko." Sabi ko.

"Gusto mo hatid na kita para may kasama ka papunta," sabi niya.

"Wag na tapusin mo na yung kinakain mo tapos pumasok ka na rin pagkatapos mo ayos na yung maaga kaysa sa late ka. Aral well." Sabi ko sabay tapik ng balikat niya.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon