CHAPTER TWENTY-FOUR

510 37 0
                                    

Taliyah Point of view

FINALLY matatapos na first grading exam namin next week. Nandito kaming lima sa garden para mag-group study, magkakaiba kami ng subject pero kailangan mag-group study pa rin kami parang friendship goal lang.

Hindi rin kasi kami pare pareho ng araw ng exam pero ayos na yung ganito magsisilbing bonding na rin namin 'to.

Busy ako sa pag aaral ng magsalita si Aubrey na kinagulat ko at ng barkada.

"Ayoko na mag aral, piste hirap hirap na talaga nakakaiyak." Sabi ni Aubrey.

"Bakit? Ang taas ng grade mo di ba? Bakit ka naman hirap na hirap." Sabi ni Jasmine.

"Mataas ka rin di ba? Sana lahat mataas grade." Sabi ni Joaquin.

"Stop guys, lahat tayo may kaniya kaniyang talino wag kayo puro ano riyan puro drama okay? Stop." Saway ko.

"Wow galing!" Magkakasabay nilang sabi kaya napailing na lang ako.

"Ewan ko sa inyo, bahala kayo sa buhay niyo tara mag-review na lang tayo." Sabi ko sa kanila.

Hindi ko na lang pinansin pa yung pinag uusapan nila, after a months nakapag-build na kami ng isang buong samahan na mas strong imagine ilang months pa lang yung nakalipas tapos strong na agad siguro dahil nagkakasundo kami sa bagay bagay kahit minsan hindi kami nag-ba-bonding siguro dahil din sa totoo yung kasabihan na wala sa pagsasama yan sa pagtitiwala yan kahit matibay yung samahan at gano'n ang mindset na pinaniniwalaan ko.

"Bess mahal ka namin kaya wag mo isipin yun kasi mahal ka rin niya kasi na sa'yo na ang lahat." Biglang sabi ni Jasmine dahilan para matigil ako sa pag iiisip.

Baliw rin talaga 'to eh.

"Corny niyo, bagay talaga kayong lahat na magkaibigan pare parehong mga baliw." Sabi ko.

"Ayieee, kinilig ako roon. Arat hanap na tayong lima ng jowa." Sabi ni Aubrey.

"Mamatay rin naman tayo, tapos hahanap pa ng jowa." Natatawa kung sabi sa kanila.

Dakilang bitter ka self?

"Advance ka mag isip, nakakatawa ka." Sabi ni Joaquin.

"Magtigil na kayo, nagugutom na ako kaya pumunta na tayo sa canteen." Sabi ni Bailey.

Nagkatinginan kaming tatlong babae.

"Libre mo, Joaquiiinnn." Magkakasabay na sigaw namin na tatlo.

Natawa lang sila pero sa huli treat din kami ni Joaquin.

Yes ang sarap kapag talaga libre.

Sabay sabay kaming lima na umalis papunta ng canteen pero habang malapit na kami sa may canteen nagkakagulo sa bulletin may board, nilapitan ko ang isang babae.

"Hmmm... Miss ano mayroon diyan?" Sabi ko.

"Searching of Mr. and Ms. Campus sa next month pa naman eh, bakit? Sasali ka po ba?" Tanong nito.

"No," sabi ko habang umiiling.

"Nagtanong lang din ako. Anyway thank you so much." Sabi ko saka 'to nginitian.

"Ay sayang naman po, sige po mauna na po kami sa inyo."

"Sige,"

Sagot ko kaya naman umalis na rin ako at pumunta sa mga barkada ko.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon