Bailey Point of view
KAKATAPOS lang namin anong oras na rin alas singko na ng hapon ngayon, ramdam ko na yung pagkagutom kaya nag aayos na kaming mga candidate para pag uwi ready to go na ganoon din ang ginawa naming tatlo.
"Mauuna na po ako mga ate nandiyan na po sundo ko bukas na lang po ulit." Pagpapaalam ni Camille.
"Akala ko ba sabay tayo?" Sabi ni Iya.
"Sinusundo na po ako ate magkikita pa naman tayo." Natatawang sabi ni Camille.
"Sige ingat ka bukas na lang ulit," sabi ni Iya.
"Ingat be," sabi naman ni Jasmine.
"Ingat," tipid kung sagot.
"Kayo rin po," sagot niya.
Pagkatapos ay naglakad na paalis, ilan na lang din kaming nandito ilang minuto lang bago umalis si Camille ay nagpaalam na rin si Jasmine.
"Mauuna na rin ako sa inyo yung sundo ko papunta na hindi na ba kayo sasabay?" Sabi pa ni Jasmine.
"Okay na sige na mauna ka na mag ingat ka," sabi ni Taliyah.
"Sige mauuna na ako sa inyo una na ako Bailey," sabi niya pa sa 'kin
"Sige ingat ka," sagot ko
Nag-wave siya saka lumabas, nakita ko na patapos na rin si Taliyah sa pag aayos.
"Hatid na kita," Sabi ko
"Sige," sagot niya.
Hindi na ako nagsalita pa dahil nagsimula na siya maglakad kaya naman sumunod ako sa kaniya habang naglalakad kami palabas ng school ay hindi siya nagsasalita ilang minuto lang din ay nagsalita siya.
"Magco-commute lang tayo?" Tanong nito.
"Hindi may motor akong dala," sagot ko.
"Sige," tipid na sagot niya.
Hindi ko alam bakit ang tipid niya sumagot kanina pa yan sa rehearsal hindi rin masyado nakikipag usap ang tahimik niya ewan ko ba sa kaniya nahihiya naman ako magtanong sa kaniya baka mamaya mag away kami mahirap na di ba moody pa naman siya.
Nakarating na kami sa parking lot sumakay na ako ganoon din siya pero hindi pa kami nakakaalis ng magsalita siya.
"Daan muna tayo sa Mc do gutom na ako ikaw ba?" Tanong niya.
"Sige gutom na rin ako,"
"Tara na kaya,"
Napailing na lang ako kaya inumpisahan ko ng paandarin.
Malamang gutom 'to kaya moody.
Nandito na kami ngayon sa Mc do naka-order na rin kami at nag KKB kami hindi siya nagpalibre hindi ko na rin naman talaga siya pinilit pa hinayahan ko na lang siya sa gusto niya kung saan siya sasaya sige lang.
"Sorry," sabi niya.
Nagulat pa ako sa pagkakasabi niya kaya naman tumigil muna ako sa pagsubo ng kanin at ulam at humarap sa kaniya.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️
Teen FictionKuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi nila aakalain na dahil sa pagtatagpo na 'to ay nabuo nila ang isang samahan. Samahan ng mga sawi sa pag ibig. Ito na kaya ang magiging daan...