Jasmine Point of view
KATATAPOS lang ng morning class ko at ngayon ay lunch break na namin wala na naman akong kasama papunta sa canteen.
Sana lang talaga same course kami ni bess jusko mas masaya ako araw araw at hindi ako araw araw alone, I swear.
Palabas na dapat ako ng mapansin ko si Joaquin.
Hala! anong ginagawa niya rito don't tell me may nililigawan siya rito.
Okay fine, wala akong pake. Maglalakad na dapat ako pababa ng may umakbay sa akin nagulat ako ng mapansin na si Joaquin 'to.
Anong ginagawa niya rito sa building namin? Don't tell me pinuntahan niya ako rito ayiee nakakatouch charot. Asa pa self.
"Anong ginagawa mo rito? Libre mo ba ako ngayon?" Sabi ko habang naglalakad kami pababa papunta sa canteen.
"Syempre pinuntahan kita, alam ko naman wala ka makakasabay sweet kung kaibigan." Sabi niya.
"Tse, tigilan mo ako basta libre mo ako ngayon."
"Oo na, iyon lang pala sige kahit araw araw pa."
Hindi na ako sumagot pa, dahil nandito na kami sa canteen at napansin ko na wala yung dalawa nasaan na ba sila.
Nakakaloka naman, nagsosolo sila walang pasabi amputik.
"Wala yung dalawa, may pag uusapan sila rito." Sabi lang nito.
"Ang sabihin mo, nagsosolo sila atsaka infairness bagay sila. Sana sila na lang talaga." Sabi ko habang kinikilig.
"Tayo rin bagay," sabi niya pa.
"Tse, pauso ka bumili ka na dahil gutom na 'ko bilis." Utos ko.
Natawa na lang ako sa kaniya, tumayo na 'to para pumila sa section ng for luch may something kaya between Taliyah and Bailey madalas kasi sila na magkasama eh. Hmm... malalaman ko rin ang sagot.
Ilang minuto lang ay nakarating na rin siya, bumili siya ng manok kasi allergic ako sa isda nabanggit ko naman na sa kaniya yun umupo na 'to sa upuan banda sa harap ko at isa isang nilapag ang pagkain.
"Kumain ka na atsaka gusto ko rin pala na may cs tayo, para ng sa gano'n hindi na tayo masyado mahirapan pa." Suggestion niya.
Napakunot ako ng noo. Anong pakulo na naman kaya yan?
"Ano na naman yun, wag naman corny. Aba! Ang pangit kapag may ganoon pa na tawagan." Sabi ko
"Pre, gusto ko. Okay lang ba sa'yo?" Sabi niya.
"Sige, go ako sa ganyan tropa naman tayo."
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️
Fiksi RemajaKuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi nila aakalain na dahil sa pagtatagpo na 'to ay nabuo nila ang isang samahan. Samahan ng mga sawi sa pag ibig. Ito na kaya ang magiging daan...