CHAPTER THIRTY-THREE

405 26 0
                                    

"May kailangan ka ba?" Tanong ko.

Wala kasi mangyayari kung magpapakiramdaman lang kami. Feeling ko naman about pa rin sa kahapon 'to.

Seryoso!? Naka move on na ako about doon, maliit lang na bagay tapos gagawin ko pa siya na big deal. Immature amputek.

"About sa kahapon," simpleng sagot nito.

"Wala na yun okay, nainis lang ako kasi nag alala ako sa inyo tapos malalaman ko may kasama ka na pala." Sabi ko.

"Hmm... About sa guy kahapon wala yun nakilala ko lang din."

"What about him? Is there something sa inyong dalawa?" Sabi ko.

"Wala, baliw. Utak mo agad something."

"Okay, ano ba tungkol sa kaniya?"

"Nagkaroon kasi kami ng dare ni Paula nung panahon na humiwalay kami sa inyo ang dare na napunta sa akin yung tanong ko name ni Blake yung nakabangga mo syempre hahanap ako ng para sa akin hindi lang kayo." Sagot niya sa
'kin.

Bigla na lang ako napangiti sa kaniya, infairness siya na ang naghanap ng Mr. Right niya kabog din. Is this pagiging desperada char.

"Okay, about sa kahapon wala yun pagod lang din ako kaya tahimik ako move on na tayo roon." Sabi ko.

"Ayiee, kaya love na love kita."

Nababaliw na naman 'tong pinsan ko hindi ko na siya pinansin pa, naghintay na lang ako sa niluluto ni mama habang nag usap kami ni Aubrey about sa ibang topic.

Makalipas ang ilang minuto ng pag uusap ni Aubrey ay lumabas si mama galing sa kusina para siguro tawagin ako.

"Oh! Nandito ka Aubrey kain ka na rito nagluto ako ng steak dito."

"Sure po tita, masarap po yan for sure." Sagot ni Aubrey.

"Sige at tara na sa hapag kainan para makakain na kayo."

"Sige po ma," sagot ko.

Umalis na si mama kaya naman sumunod na kami ni Aubrey papunta sa hapag kainan, sakto rin na gutom na 'ko.

Heto kami ngayon sa may hapag kainan namin habang busy sa pag uusap usap, ganito kami kapag may kasama kami pero minsan lang ayaw rin kasi ni mama na maingay kapag kumakain kami. So.. nasanay kami na tahimik gano'n talaga sanayan na lang yan charot huhugot na naman tayo arat samahan niyo na lang ako hanapin si Mr. Right para naman magkaroon na 'ko ng love life charot hindi minamadali ang love darating yan sa tamang panahon.

Makalipas lang din ang ilang minuto ay natapos na kami sa pagkain kaya nag ayos na ako ngayon habang yung kambal naman ang naghuhugas.

Haist...lunes na bukas may pasok na naman kami bukas at worst exam na namin.

Stress na naman pero syempre laban lang, wag tayo susuko tandaan niyo yan makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako sa ginagawa ko kaya pinuntahan ko yung pinsan ko na nasa sala, pagkatingin ko sa kaniya may kausap na pala siya baka si Blake na yan hayaan na muna ilalagay ko muna yung mga pinggan baka pagkabalik ko tapos na siya makipag usap halata naman tuwang tuwa si loka.

Binigay ko lahat ng hugasan sa mga kapatid ko pagtapos ko ay pabalik na ako sa sala ng mapansin na wala na 'tong kausap kaya naman umupo ako sa tabi nito.

"Sino yung kausap mo?" Tanong ko sa kaniya.

Busy siya sa pagbabasa ng ebook mayroon kasi sa kaniya nagpasa nito, napaisip ako na siguro totoo talaga yung kasabihan na kapag walang lovelife wattpad is life ka tingnan mo kami pareho ng mga hilig.

"Si Blake pupunta raw siya rito, kaso nahihiya pumasok samahan mo ako sa labas cous magpapakain daw siya ng ice cream." Sabi niya pa.

"Sige sige, magpapaalam muna ako kay mama para hindi ako masaraduhan ng pinto."

"Sige, wait kita rito malapit na raw siya."

"Ay nga pala, paano niya nalaman papunta rito?"

"Taga rito siya noon, kaya alam niya lumipat lang sila."

"Okay, sige hintayin mo na lang ako rito."

"Sige,"

Tumayo na ako at umakyat para magpalit ng damit at magpaalam kay mama nasa may bungad ang kuwarto ni mama kaya naman makikita mo agad siya sa kuwarto niya nakita ko siyang nagbibilang siguro ng kinita niya kaya naman pumasok na ako alam ko naman papayagan ako pero okay na yung magpaalam ako para hindi niya ako hanapin.

"May kailangan ka Iya?" Tanong niya sa 'kin ng hindi tumitingin.

Alam na niya siguro na ako ang nandito kasi alam niya ako ang toka sa paghuhugas.

"Hahatid ko na po si Aubrey, atsaka kakain kami ng ice cream sa may mini stop." Sagot ko

"Sige, bilisan mo kasi gabi na delikado na ang ganitong oras."

"Opo, sandali lang po talaga kami."

"Atsaka maaga pa ang pasok mo, kaya maaga ka umuwi naiintindihan mo ba?" Nakatingin na ngayon sa 'kin si mama.

"Yes po,"

"Sige, mag iingat ka."

Lumabas na ako sa kuwarto ni mama at pumunta na sa kuwarto ko para naman magbihis.

Habang nagbibihis ako ay kumakanta ako at makalipas lang din ang ilang minuto ay natapos na ako kaya naman bumaba na ako dala ang cellphone ko at wallet bibilihan ko sila mama ng ice cream alam ko gising pa sila kapag dumating ako kasi sandali lang naman ako roon.

Nandito na kami sa may mini stop at kumakain ng ice cream habang nag uusap pa rin.

"Taliyah? Ilang years na kayo sa tinitirhan niyo?" Tanong ni Blake.

"15 years na kami riyan," sagot ko.

"Tagal niyo na pala, kaso bakit hindi kita nakilala?" Sabi niya pa,

"Ay gano'n ba, hindi ako mahilig makipag usap kaya isa lang ang kaibigan ko tapos si Aubrey ang pangalawa." Sagot ko.

"True Blake, kaya suwerte mo kapag naging close mo siya." Sabi ni Aubrey

"Masuwerte din naman ako kasi kaibigan kita," biro ni Blake.

Natawa na lang kami ni Aubrey at nagpatuloy sa pag uusap tungkol sa ibang bagay na para kaming nagkaroon ng q and a portion at get to know each other at sa ibang bagay na topic.

Wow! Another barkada na naman, lumalaki na ang group of people namin ni Jasmine at Aubrey ilan na kami ngayon walo na agad samantalang tatlo lang naman kami.

Nakauwi na ako ngayon habang hinatid na rin nila ako rito sa bahay nilibre ulit ako ni Blake ng ice cream na para kay Mama at sa kambal, nahiya nga ako kaso ayaw tumanggap ng rejection kaya no choice ako kung hindi ang pumayag na lang.

Pagkapasok ko roon ay nilagay ko yung ice cream sa freezer kasi hindi ko naririnig si mama kaya naman umalis na ako sa kusina at umakyat na sa kuwarto bago ako pumasok ng kuwarto ay tumingin ako sa may kuwarto ng kambal at tulog na sila gano'n din siguro si mama siguro bukas na lang nila kainin yun nasa may freezer naman na rin, pumasok na ako sa kuwarto at naghanap ng pantulog.

Bumalik ako sa baba para maghugas muna ng katawan at bago ako pumunta sa banyo ay chineck ko muna kung nakasara ng maayos ang gate.

Mahirap na mapasukan ng magnanakaw lalo at puro kami babae, nakakatakot.

Nung masiguro ko na okay na ay nagsimula na ako maghugas pagkatapos ay nagtimpla ng kape pampawala ng antok.

Gumagana siya akin ng very light, sa inyo ba?

"Magrereview pa ako para sa exam namin bukas, laban lang." sabi ko bago nagsimula sa pag-re-review.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon