Taliyah Point of view
READY na ako para sa grad ball namin mamaya naloloka talaga ako susuotin kung long gown na may design na mga bulaklak at may kulay na black and red yung design sa taas tapos sa baba plain na siya at super simple lang niya kapag sinuot mo siya roon makikita ang tunay na ganda niya and super gorgeous ko today.
Kakatapos lang akong ayusan ng nag-make up sa akin sa pageant ko paalis na ako ngayon at susunduin ako ni Bailey kasi partner ko siya, si Jasmine at Joaquin naman si Aubrey at Paula naghanap ng partner na close lang din nila, habang nakatingin ako sa salamin ay napapangiti na lang ako maganda pala ako lalo kapag naka ayos ako hindi kasi ako palaayos sa sarili ko.
Confidence na ako sa sarili ko na maganda ako. Period.
Habang nag aayos ako ng mga dadalhin ko nagbukas ang pinto nakita ko ang dalawang kung kapatid na malapad na nakangiti sa akin, nakaterno silang dalawa pati rin ng color ng damit at style pareho kung bakit trip lang daw nila.
"Ate!? Para ka naman dyosa sa itsura mo," sabi ni Nathalia na namamangha.
"Ngayon lang talaga mga sis," natatawang sagot ko.
"Maganda ka ate, hindi lang uso sa'yo ang salita pag aayos." Sabi ni Nathalie.
"Grabe naman yun sis, real talk masyado."
"Sad but true," sabay na sabi nilang dalawa
Natawa na lang ako sa kanila minsan talaga kahit mga harsh sila mahal na mahal ko sila kasi totoo lahat ng sinasabi nila at natuwa talaga ako ng super sa kanila.
Nandito na ako ngayon sa kotse ni Bailey papunta na kami ngayon sa school sa court lang din siya gaganapin kasi malawak ang court at kasya naman kaming lahat doon, habang nasa biyahe ay nag uusap kami.
"Ang ganda mo infairness," sabi ni Bailey.
"Ang guwapo mo rin ngayon, parehas lang tayo na maganda at guwapo ngayon." Sabi ko.
"Baka manalo ka na niyan baka makalimot ka na niyan,"
"Siraulo marami pa mas maganda sa akin,"
"Pero para sa akin ikaw ang maganda sa kanilang lahat,"
"Tse, manahimik ka riyan, puro ka bola."
"Kailan pa ba kita niloko?"
"Ewan ko sa'yo,"
"Nakalimutan ko pala tayo na pala di ba? I love you."
"I hate you too,"
Napatawa na lang ako sa naging reaction niya, hindi ko na lang siya pinansin pa pero makalipas ang ilang minuto ay nagsalita ulit siya.
"Wala ka naman kuwentang girlfriend," pagmamaktol niya.
"Unique kasi ako, limited edition lang kumbaga." Sagot ko.
"Okay, pero ano ba gusto mo tawag ko sa'yo."
"Para unique naman Liyah na lang ikaw lang ang tatawag sa akin ng ganyan kasi lahat sila Taliyah o Iyah atleast kapag may tumawag na Liyah alam ko kaagad na ikaw yun ang taong nagpatibok ng puso ko." Sabi ko kaya bigla siya natameme.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️
Novela JuvenilKuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi nila aakalain na dahil sa pagtatagpo na 'to ay nabuo nila ang isang samahan. Samahan ng mga sawi sa pag ibig. Ito na kaya ang magiging daan...