Ngayon ay nasa unang klase ako pero nakatunganga lang ako habang hinihintay ang pagdating ng prof namin na tila wala ng balak dumating like hello? baka 2 hours kaming maging vacant.
Naglakad ako dala ng mga gamit at mga libro dadalhin ko muna ang mga 'to sa locker dahil mabigat ang mga 'to kasi nga makapal pero bago umalis ay nagsabi ako sa katabi ko na itext ako kapag nandoon na yung prof namin siguro wala na yun pero walang masamang umasa na darating pa siya, kalma self puro ka hugot jusme.
Tuluyan na akong naglalakad palabas pero dahil wala ako sa katinuan hindi ko namalayan na maglalakad pala ako pababa sa hagdan kaya na out of balance ako and suddenly nagdilim ang paningin ko.
***
Nagising ako dahil naramdaman ko na ang sakit ng ulo ko, kaya naman nilibot kung paningin ko at magulat ako ng mapansin kung pure white lang ang tanging nakikita ko, pilit ko inaalala kung ano ba talaga ang nangyari sa akin kaya naman napahawak ako sa ulo ng marealized kung mapansin kung nasa hospital pala ako at doon biglang nagsink sa utak ko na nalaglag pala ako sa hagdan pero iniisip ko kung paano ako biglang napunta na lang dito? pero nawala lahat ng tanong sa isip ko ng makita kung may papasok na lalaki kaya umayos ako ng pagkakaupo kaya ng mapansin niya ako ay lumapit siya sa akin at nilapag sa lamesa ang dalang pagkain sabay upo sa mat tabi ko.
"Buti at gising ka na Miss." Sabi nito pagkaupo sa tabi ko.
"Paano ako napunta rito? I mean sinong nagdala sa akin dito?" Tanong ko.
"Syempre ako nakikita mo naman nandito ako kaya malamang ako yun." Sabi pa niya.
"Thank you, appreciated much." Sabi ko.
"You're welcome take some rest, by the way what's your name?" Sabi niya.
"Jasmine Mendoza ikaw na bahala magbigay ng nickname for me." Abot ko ng kamay sa kaniya.
"Joaquin Fernandez," sabi niya sa akin at nakipaghandshake rin.
Umupo ako ng maayos kasi parang ayos naman na rin ako pero hindi literal na okay na talaga.
"Hmm... may tumawag ba sa akin?" Tanong ko.
"Yes, pumunta ang teacher mo rito kaso tulog ka pa sabi nila okay na raw ikaw pahinga ka na lang since sabado naman daw bukas." Sabi niya.
"Okay, favor naman Jojo." Sabi ko.
"Jojo? Sino yun?" Sabi niya.
"Ikaw I prefer call you Jojo, anyway ayun nga as what i've said puwedeng favor nagugutom na kasi talaga ako baka puwede naman ako kumain." Sabi ko.
"Jas na lang tawag ko sa 'yo, may dala ako for you kumain ka na para makainom ka nang gamot at mamaya makauwi ka at makapagpahinga sa inyo." Sabi niya.
Hindi na ako nakasagot pa dahil iniabot na niya sa akin yung pagkain na binili niya pagkatapos ay nilapag niya, napansin ko na bumalik siya sa may inuupuan niya kanina kaya napaisip ako kung hindi ba siya kakain? tiningnan ko at halata naman marami 'to at malabo na mauubos ko. Good for two person ata 'to eh.
"Tara kain ka rito. Sabay tayo, marami pa naman 'tong binili mo. Tara na rito." Pangyaya ko sa kaniya.
"Busog pa ako kasi kumain naman ako kanina pagbaba ko kaya ikaw na lang ang kumain at siguraduhin mo na ubusin mo yan atsaka kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako nandito lang ako sa tabi mo." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️
Teen FictionKuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi nila aakalain na dahil sa pagtatagpo na 'to ay nabuo nila ang isang samahan. Samahan ng mga sawi sa pag ibig. Ito na kaya ang magiging daan...