Aubrey Point of view
PAPUNTA ako ngayon sa Mall para bilhin yung mga gamit para sa project. Ngayon lang kasi ako gagawa kasabay kung gagawa si Taliyah pero ako lang mag isa mamimili dahil si Taliyah tapos na mamili kaya heto solo flight ako.
I hate being alone, nagmumukha akong walang friend.
Pero sige ayos na rin kasi sanay na ako mag isa, lahat naman sila iiwan din tayo sa huli charot.
Hindi ko rin naman agad matatapos yun kaya sinabihan ko si Taliyah na sabay kami kasi hindi ko knows yung ibang gagawin. Tapos nakakainis si Blake hindi mo man lang mahagilap, wala na akong balita sa kanilang dalawa ni James. Ano na kayang ganap sa kanila? Haist... self, masanay ka na talagang minsan mag isa ka, at the end of the day mag isa ka na lang talaga.
Kasalukuyang nandito ako sa National Bookstore habang kumukuha ng mga material, leche kanina ko pa naramdaman na parang may something na sumusunod sa'kin or nakatingin ewan ko baka napa-paranoid lang ako hindi ko alam wala naman mangyayari sa 'kin dito atsaka mall 'to maraming tao sisigaw ako ng malakas kapag may bigla humila sa 'kin dito, hindi ko na lang pinansin pa yung nararamdaman ko at pinagpatuloy na lang ang paghahanap ng mga materials at mga design para sa project.
Atsaka sabihin ko sa inyo yung project namin isa siyang book na all about sa business na malalaki meaning company siya kaya isang buwan siya gagawin pero sisimulan ko na yung design para picture na lang ang gagawin ko para matapos ko na rin kasi may iba pa kaming subject na kailangan ko rin matapos sa mismong deadline ayoko bumaba ang grade ko dahil delay ako nagpasa.
Nung masiguro kung kumpleto na ay pumunta na ako sa counter para naman magbayad at hindi na rin inalala pa yung about sa tumitingin o sumusunod sa 'kin pagkatapos ko ay umalis ako kaagad dahil balak ko kumain sa gotohan kasi na-miss ko ng kumain doon. Halos ilang months na rin ako hindi nakakain ng goto kaya ngayon ako kakain, bigla akong nagulat ng bigla na lang may kumuha sa mga pinamili ko kaya naman napalingon ako at balak na sana sumigaw ng takpan niya ang bibig ko at biglang nagsalita 'to.
"Ako 'to si Blake," sabi niya.
Nawala bigla nararamdaman kung takot. Kinabahan talaga ako kasi alam kung wala naman akong laban if ever, hindi naturuan ng self defense after all.
P
aano ko kaya maipagtatangol ang sarili ko?
Tinanggal niya ang kamay niya na nakatakip sa bibig saka 'to humarap sa akin kaya naman hinampas ko siya.
Leche akala ko naman kasi magnanakaw since nasa labas na ako ng Mall, okay lang kung nanakawan ka lang paano kung patayin ka pa.
Okay enough Aubrey masyado ka naman OA at advance mag isip.
"Ano ba! Tinatakot mo ako kinabahan tuloy ako sa'yo." Naiinis kung sabi.
"Sorry, suprise sana kaso nahirapan ako i-suprise ka hindi ko mataymingan yung gulat kaya--
Hindi pa 'to natatapos sa sinasabi niya ng unahan ko na siya.
"Kaya nagkunwari ka na lang na magnanakaw, leche ka kinabahan talaga ako sa 'yo tangina mo."
"Sorry na, tara saan ka ba papunta?"
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️
Teen FictionKuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi nila aakalain na dahil sa pagtatagpo na 'to ay nabuo nila ang isang samahan. Samahan ng mga sawi sa pag ibig. Ito na kaya ang magiging daan...